Chapter 21-Walang Karapatan

6.7K 182 0
                                    

Nandito ako ngayon sa unit ni Alex. We live together para maasikaso raw niya ako. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin na pumayag ako na dito manirahan kasama si Alex. Si Marie naman ay hindi pumayag na sumama sa akin dito dahil ayaw nito kay Alex. Galit na galit nga ito nung malaman nito na nabuntis ako ni Alex dahil wala raw siyang tiwala kay Alex dahil malakas raw ang pakiramdam nito na pa-iiyakan lang ako sa huli. Sa katunayan ay dun niya pinatira ang pinsan naming si Girlie sa bahay para naman may kasama ito kahit papano. Napabuntong-hininga ako. Gusto ko lang makilala ng husto ang ama ng magiging anak ko nang sa ganun pagdating ng araw na tatanungin ako ng anak ko tungkol sa ama niya ay may maisasagot ako. This is not what I want in my life taliwas sa gusto ko sa buhay na magkaroon ng sariling buong pamilya na pinangarap ko noon pa pero kung pagbabasehan ang nangyari sa akin ngayon ay alam kong hindi ko mabibigyan ng isang masaya at buong pamilya ang anak ko.  One week na akong nandito sa poder niya.
"I'm going to work Bella..mag-ingat ka rito..nandito naman si Yaya Laydie para sa pangangailan mo." wika ni Alex sa likuran ko kaya napalingon ako.
"Kumain ka muna para may laman iyang tiyan mo..sayang naman tong niluto ko.." wika ko. Tumitig ito sa akin habang nilapag ko ang pagkain sa mesa. I was cooking for breakfast ng maaga para makapasok ito sa trabaho na may laman na ang tiyan. I may look like a wife pero para sa akin hindi ko na yun iniisip tutal tinulungan ko na si Alex so lubos-lubusin ko na.
"Umupo ka na dahil baka ma-late ka pa.." wika ko.
"Usually hindi ako kumakain in the morning Bella.." wika nito. Ngumiti ako.
"Dati yun..dapat masanay ka habang nandito pa ako sa poder mo..gusto kitang makilala bilang ikaw..gusto kong malaman ang favorites mo, hilig mo at yung mga simpling bagay na nagpapasaya sayo." wika ko.
"Bakit mo ba to ginagawa Bella?" wika nito.
"Para may maisagot ako sa magiging anak natin kapag tatanungin niya ako tungkol sayo balang araw.." parang may bumikig sa lalamunan ko ng mga sandaling iyon. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Bella..t-thank you.." wika nito. Atleast nakilala ko na si Alex ng unti-unti. He knows to say thank you and I'm sorry at hindi tulad ng dati na parang ang hirap-hirap para dito ang magsabi ng ganun. Ngumiti ako. Humila ito ng upuan at pinaupo ako.
"Kakain ako basta sasabayan mo ako because I don't want to eat alone.." wika nito at saka umupo katabi sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko. There's something inside me that I couldn't explain. Masaya kaming kumain hanggang natapos na kami at saka hinatid ko siya sa labas.
"Bye..mag-ingat ka sa pagda-drive..ito nga pala ang baon para sa lunch.." wika ko sabay abot rito sa baong inihanda ko. Ngumiti ito at napapailing. Alam ko hindi ito sanay sa ganito kaya gusto ko siyang pasayahin habang nandito pa ako sa tabi niya. Dati hindi ko siya nakitang ngumingiti ng totoo pero ngayon alam sinusubukan nito. Ginagap nito ang mga kamay ko na ikinapatda ko.
"Napakaswerte ng lalaking mamahalin mo Bella..napakabait mo..mag-ingat kayo ni baby.." wika nito. Gusto kong maluha at hindi ko alam ang dahilan. The next thing he do is to bow his head and kissed my tummy.
"Baby wag pasaway kay Mommy..I love you.." wika nito at saka tumingin sa akin. "Bye and thank you." wika nito and before I could react, his lips landed mine na ikinagulat ko at saka hinapit ang baywang ko kaya napaawang ang bibig ko that allow him to access me inside. Napapapikit ako to savor the moment. He sucked my lips that abled me to moaned.
"Hmmmphh.." hindi ko alam kung bakit nanginginig ang buong katawan ko at saka nag-iinit. Pakiramdam ko ay yun na ang pinakamatagal na halik na pinagsaluhan namin na ako lang ang iniisip nito at wala ng iba pa. Maya-maya pa ay bumitiw na ito sa paghalik sa akin and we were both catching our breath.
"Bye dahil baka hindi ako makapagpigil." wika nito na ikinamula ng mukha ko at saka pagkatapos ay sumakay na ito ng kotse at kumaway. Napaiyak ako na napahawak sa sinapupunan ko.
"Mahal mo siya.." biglang nagsalita si Yaya Laydie sa likuran ko. Dali-daling pinahid ko ang mga luha at saka humarap sa matanda. Mabait si Yaya Laydie at sa loob ng isang linggong magkasama kami rito sa bahay ay magkasundo kami at hindi rin lingid sa kaalaman nito na wala kaming relasyon ni Alex. Yumakap ako rito.
"Yaya.." wika ko at saka umiiyak. Hinagod niya ang likod ko.
"Diyos ko itong batang to wag kang umiyak dahil makasama yan sa dinadala mo.." wika nito.
"Yaya..m-mahal ko na siya p-pero hindi pwede dahil may mahal siyang iba.." wika ko habang patuloy na lumuluha.
"Bella..wag kang mawalan ng pag-asa..kung hindi ka man niya mahal ngayon baka bukas mamahalin ka rin niya..wag ka ng umiyak..basta ang importante ay alagaan mo ang baby niyo dahil yan lang ang meron ka sa kanya." wika nito. Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit bigla ay minahal ko na siya.

----------------------------

"Yaya ako na ang maghihintay sa pag-uwi ni Alex..matulog ka na.." wika ko kay yaya Laydie na nag-aabang sa may pintuan. Pasado alas diyes na ng gabi at alam kong pagod si Yaya sa mga gawaing bahay kaya pinagpahinga ko na siya.
"Ako na Bella..ikaw ang dapat na nagpapahinga dahil makakasama sa dinadala mo ang magpuyat..kaya ko namang maghintay dito." wika nito. Umiling ako.
"Sige na Yaya..please..gusto ko kasi siyang makausap eh." wika ko.
"Bukas na lang kayo mag-usap na dalawa..ako ang papagalitan ni Alex niyan." wika nito.
"Ako na ang bahala Yaya..please." wika ko. Napabuntong-hininga ito at saka napapailing.
"Sige na nga..basta nandiyan lang ako kapag may kailangan ka.." wika nito. Ngumiti ako dito at saka tumango. Maya-maya pa ay tumalikod na ito. Dun na ako sa sala naghihintay. Nililibang ko ang sarili ko sa mga larawang nakadisplay sa mesa hanggang sa naramdaman kong inaantok na ako kaya nahiga na ako sa sofa hanggang sa nahila na ako ng antok.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humaplos sa mukha ko. Napadilat ako at nakita ko si Alex kaya napabangon ako.
"Bakit dito ka natutulog sa sofa?" takang-tanong nito. Napahikab ako.
"Hinihintay kita..akala ko kasi maaga kang uuwi pero nakatulugan ko ang paghihintay sayo..kumain ka na ba?" wika ko at saka napatingin sa wall clock and it's already 1:00am at ngayon lang nakauwi si Alex? Napabuntong-hininga ito at saka napailing na tumingin sa akin.
"Hindi mo ito dapat ginagawa..you're not even my wife, you are just the mother of my child and I'm not your obligation Bella!.sana naisip mo ang kalagayan mo at ng baby,." may halong inis na wika nito kaya napanganga ako. Gusto kong maiyak.
"I-I'm sorry.." wika ko. Napailing na lang ito.
"Magpahinga ka na sa kwarto at susunod lang ako." wika nito at saka iniwan ako at nagpunta ito sa kusina. Tinatanaw ko siya at hindi ko napigilan ang pagluha. Nasasaktan ako. Pumasok na ako sa kwarto namin at saka nahiga pero pilit na bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi niya.
You're not even my wife..you are just the mother of my child and I'm not your obligation Bella..

Ang sakit-sakit palang marinig ang katotohanang wala akong karapatan.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon