Chapter 17- Hindi Sinabi

6K 172 3
                                    

Napaiyak ulit ako habang yakap-yakap ang sarili ko na nasa ilalim ng shower. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang ginawa ni Alex sa akin. Nakuha niya ang pagkababae ko gamit ang imahinasyon nito kay Jessica. Ang sakit. Masakit dahil ako ang kaniig niya pero iba ang nasa isip niya. Hindi na ako nakatulog muli. Pagkatapos ng nangyari sa amin ay binihisan ko ito ulit at pinahiga ulit sa sofa. Mas mabuti na yung wala siyang alam na may nangyari sa amin dahil hindi namin parehong gusto ang nangyari. Hangga't maaari ay ililihim ko ang nangyari dahil ayokong magiging hadlang iyon sa pag-ibig nito kay Jessica. Mabilis na tinapos ko ang pagligo dahil umaga na and it's almost eight o'clock in the morning. Aakto ako na parang walang nangyari para hindi magtaka si Alex. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako. Napahiyaw pa ako sa sakit sa gitna ng dalawang hita ko. Napabuntong-hininga ako na pumunta ng kitchen para magluto ng agahan.
----------------------------
Napamulat ako nang maramdaman ko ang init na nagmumula sa araw sa labas. Oh my God!my head is aching. Napapikit ako sa sakit. Masyadong marami ang nainum ko kagabi. Napabangon ako at saka kinuskos ang mga mata ko. Dahil siguro sa espirito ng alak ay kung anu-ano na ang napanaginipan ko. I was dreaming that I was making love with Jessica. Urgh! masyado na yata akong nahihibang sa babaeng yun. Tumayo ako at saka napakunot-noo ako. W-wait!..where am I?wala ako sa unit ko?..matagal kong ina-alisa ang loob ng bahay nang mula sa kusina ay lumabas si Bella.
"B-Bella?" takang tawag ko dito. Tila nagulat pa ito na napatingin sa akin at namumutla na tila ba gusto nitong umurong.
"G-gising ka na pala..m-magkape ka muna." wika nito. Nilapitan ko ito ngunit napaatras ito na ikinakunot ng noo ko. Is she afraid of me?
"W-what happened?w-why I'm here Bella?" tanong ko dito. Napalunok ito.
"Ahh..L-lasing ka kasi kaninang madaling araw na nagpunta ka rito at saka natumba ka pa kaya pinilit kong maihiga ka sa sofa.." wika nito. Napahilot ako sa sentido ko. I can't remember everything. Tumalikod ito pabalik sa kusina kaya sinundan ko ito ng tingin na para bang nahirapan itong lumakad ng diritso. Kumunot-noo ulit ako. Nakakapanibago ang lahat ng ikinikilos ni Bella. Kumuha ito ng isang tasa ng kape at ibinigay sa akin. Inabot ko ito at hindi sinasadyang nahaplos ko ang kamay niya na bigla nitong binawi na para bang napapaso ito. Umupo ako at saka pinakatitigan siya. Hindi ito mapakali at hindi mapakali.
"Bella..I'm sorry for what I did last night..I mean kaninang madaling araw.." wika ko. Napaangat ang tingin nito at saka nanlaki ang mga mata nito na para bang maiiyak na.
"Naalala mo ang nangyari kanina?" halos bulong na lumabas iyon sa bibig niya. Kumunot-noo ako at saka tumango.
"Of course..diba nga sabi mo na dito ako pumunta kaninang madaling araw?kaya nga nagso-sorry ako sa pag-gambala ko sayo Bella..wala kasi akong maalala na kagabi..I'm sorry talaga.," wika ko. Nakita ko ang paghinga nito ng malalim at saka saka nilagok ang isang baso ng tubig at pagkatapos ay tumingin sa akin.
"O-Okay lang yun.." wika nito. Ngumiti ako dito.
"Thank you..may pasok ka ba ngayon sa trabaho?ihahatid kita.." wika ko.
"Wag na!..I mean kaya ko naman and besides masama ang pakiramdam ko..I want to rest kasi parang trangkasuhin ako.." wika nito. Napatayo ako at saka lumapit dito para hawakan ito pero umatras ito na para bang natatakot ito kaya napikon ako.
"Are you afraid of me Bella?" hindi ko napigilang tanong dito. Umiling ito.
"H-hindi..hindi ako natatakot sayo..why should I?" wika nito.
"Then kung ganun bakit umaatras ka kapag nilalapitan kita?" tanong ko dito.
"huh?ahm..a-ano kasi--" hindi natuloy ang sasabihin nito nang kabigin ko ito at saka ikinulong sa mga bisig ko. I don't know why I did that. I felt something nang yakapin ko siya. Para bang naramdaman ko ang kakaibang damdamin kani-kanina lang.
"A-Alex.." halos bulong na wika nito pero nanatili ako sa ganung posisyon. I like the feeling na kayakap ko siya ngayon.
"Just stay..let me hug you like this.." wika ko. Narinig ko ang paghinga nito ng malalim. Maya-maya pa ay kumawala ito sa akin at saka tumitig sa akin.
"Umuwi ka na..gusto kong magpahinga..masama ang pakiramdam ko." wika nito. Natawa ako at saka piningot ang ilong nito.
"Hindi mo ako pinapaalis sa lagay nayan ah.." wika ko. Napahawak ito sa sentido.
"Utang na loob Alex..go home..wag mo na ng masyadong painitin ang ulo ko dahil nakadagdag ka lang ng sama ng nararamdaman ko ngayon." mariing wika nito. Bigla akong sumeryoso.
"I'm sorry..I was just trying to lighten up your feelings.." wika ko. Tumigas ang ekspresyon ng mukha nito.
"It's too late dahil kahit anong gawin mo ngayon you can't lighten up my feelings..umalis ka na muna at baka kakalma ako.." wika nito. I sighed. Gusto kong yakapin ulit siya pero mas mabuti na rin siguro na hayaan ko na muna siya. Baka nainis nga talaga ito sa akin dahil sa pagpunta ko dito sa bahay niya na lasing pa at nakakapwerhisyo pa sa kanya. Laylay ang balikat na tumalikod ako at lumabas ng bahay niya. Narinig ko pa ang malakas na paghampas nito ng pinto. She's mad at me?Bakit?

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now