Chapter 25- Just Give Me A Reason

7.3K 171 0
                                    

Pasado alas nuebe na kaming bumaba ni Alex mula sa light house at bumalik na kami sa suite na kinuha nito para sa pag-stay namin dito. Gusto ko pa sanang manatili sa light house kaya lang ay ayaw ni Alex na gagabihin pa kami dun dahil sa buntis raw ako at baka mapano pa raw kaming mag-iina niya. Kompleto na ang araw ko. Napangiti ako nang maalala ko ang mga ikinwento niya sa akin tungkol sa mga pinagdaraanan niya sa buhay at ang mga kalokohan niya pero kahit ganun ay mas lalo ko pa siyang minahal dahil nagpakatotoo siya at hindi siya nahiyang sabihin iyon sa akin and I'm honored kasi hindi ito nag-atubiling ikwento sa akin ang buhay niya kahit na sa mga kwentong yun ay nandun si Jessica. Mahal na mahal niya talaga si Jessica.
"Nag-enjoy ka ba?" malambing na tanong nito sa akin. Napangiti ako. I felt the urged of kissing him. Ang gwapo niya talaga. Tumango ako.
"Yes!.super enjoy ako!.thank you so much!" wika ko at saka niyakap siya. Para akong bata na binigyan ng candy dahil sa tuwa.
"Bukas maglibot tayo sa buong isla so that we can see the different beauties of the island..Is that okay with you?" wika nito at saka piningot ang ilong ko. Ang sweet pala ni Alex and I love his other side so much--yung Alex na mabait, sweet, romantic, mapag-alaga at gentleman.
"Talaga?!yehey! I'm so excited na!" parang batang wika ko. He held my waist na ikinatahimik ko. Naramdaman ko na naman yung electric voltages sa katawan ko na nakadikit sa kanya. Pakiramdam ko ang pula-pula na ng mukha ko. He laughed hard na ikinakunot-noo ko.
"W-what?" wika ko.
"You're so cute when you're  blushing.." wika nito kaya hinampas ko ito sa dibdib.
"Binobola mo lang naman ako!" sumimangot na wika ko. He cupped my face and kissed me on the lips na para bang normal lang sa amin yun. I automatically closed my eyes to savor the moment. I opened my mouth to give him full access at hindi ako nagkamali because he explored my mouth while his hands were travelling around my body.
"Uhmmm.." a moan escaped from me. Lumayo si Alex as we both catching our breath. Sa tingin ko ay nagpipigil lang sa sarili si Alex. He smiled at me.
"Let's sleep..goodnight." wika nito at saka hinaplos ang buhok ko. Ngumiti na rin ako. Atleast ginagalang niya pa rin ako kahit na may panghihinayang ako.
"G-goodnight din.." wika ko at saka humiga na sa kama. He laid beside me and after a while he cuddled me while holding my tummy.
"Goodnight baby..I love you.." wika nito habang hinihimas ang tummy ko. I wanted to cry. This scene is so touching..I wanted to hear him say that he loves me too.

********************************

Kinaumagahan ay maaga akong nagising at saka lumabas sa suite namin ni Bella. Mahimbing siyang natutulog at ayaw ko siyang gambalain. Bago ako lumabas ay hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan. I don't know why I felt like this. Alam kong sobra kong siyang nasaktan at sinira ko pa ang pangarap niya sanang maging isang photographer. Marami akong kasalanan sa kanya--wala akong ibang ginawa kundi ang saktan ang damdamin niya. Right now, litong-lito ako sa nararamdaman ko. Gusto kong alagaan si Bella as much as I can pero hindi ko magagawa yun kung nandiyan pa si Jessica at ang nararamdaman ko sa kanya. Last week ay nagulantang ako nang tumawag sa akin si Jessica at sinabi sa akin na buntis siya at ako ang ama. Aaminin ko naman na simula nung pumayag ito na magkikita kami ay palagi ng may nangyayari sa amin at malaki ang posibilidad na ako ang ama ng dinadala niya. Mas nadagdagan ang problema ko dahil sa kalagayan ni Bella. Paano ako pipili?ayokong saktan si Bella dahil masyado na siyang nahirapan sa sitwasyon. Humingi ng pabor si Jessica na samahan ko siya kahit limang araw lang dahil kailangan niya ng karamay at ama ng dinadala niya. Pinipili na niya raw ako na makasama habang buhay. A part of me is very happy dahil sa wakas at sa loob ng mahabang panahon ay pinipili na niya ako pero hindi ko naman kayang ipagwalang bahala at i-itsapwera si Bella dahil may responsibilidad rin ako sa kanya. Simula nang dumating siya sa buhay ko ay palagi ko na lang hinahanap ang presensiya niya--na para bang sa bawat pagising ko ay nandun siya at nakikita ko ang mukha niya at natatakot ako sa posibilidad na maaari niya akong iwan dahil wala naman talagang sapat na rason para manatili siya sa akin maliban sa magiging anak namin. I sighed. Ngayon ay bumabawi ako sa kanya at dinala ko siya dito sa isang lugar na siguradong ikakatuwa niya. I brought here in Isla Sabrina instead of Boracay na sinabi ko sa kanya. Gusto ko siyang alagaan dahil ang katulad niyang inosente ay dapat inaalagaan at hindi sinasaktan pero ano ang ginagawa ko?nasaktan ko siya.
"Alex!" napahinto ako nang may tumawag sa akin. I was in the middle of the lobby in the hotel. Bigla akong kinabahan nang salubungin niya ako ng yakap. Hindi pa ako nakahuma nang bigla niya akong halikan kaya naitulak ko siya na ikinakunot-noo nito.
"Jessica ano ba?!what are you doing here?how did you know I'm here?" hindi ko alam kung bakit parang nagagalit ako dito. She smiled.
"Kita mo nga naman Alex, masyadong ng lumiliit ang mundo para sa ating dalawa.. Lalo tuloy tumibay ang pakiramdam ko that we're meant for each other..Nagbakasyon lang naman kami ng asawa ko dito for two weeks at kagabi pa kami dumating dito. Mukhang umaayon sa atin ang tadhana Love..Don't you missed me?" wika nito and he tried to put her arms around my neck as she grinned at me pero agad ko itong pinigilan at hinawakan ito sa braso at saka kinaladkad ko ito sa isang bahagi ng hotel na walang masyadong makakakita sa amin.
"Jessica ano ba?!hindi mo ba naiisip na baka malaman o makita ng asawa mo ang ginagawa natin?!" mariing wika ko. She grinned as she flipped her hair.
"I am not scared Alex..ikaw ang pinili ko kaya dapat magiging masaya na tayo..Take me wherever you want Alex..Akala ko ba ay hindi ka natatakot sa asawa ko?!na kaya mong harapin siya basta't makuha mo lang ako?!.Ano bang ikinakatakot mo Alex?!" nakapamaywang na wika nito. Napahawak ako sa sentido ko. Hindi madali ang sinabi nito na kaya na niyang iwan ang asawa niya at bigla kong naalala si Bella. How about her? Ayaw ko siyang masaktan at nangako ako sa kanya na babawi ako sa mga pagkukulang ko at aalagaan ko siya at ang magiging anak namin.
"Mahal kita pero natatakot ako na masaktan ko si Bella lalo na't buntis siya Jessica.." wika ko. Nanlaki ang mga mata nito na parang hindi makapaniwala at saka bigla akong sinampal na ikinagulat ko.
"What?!Natatakot ka na masaktan si Bella dahil buntis siya pero hindi mo naisip ang mararamdaman ko Alex?!Buntis rin ako at ikaw ang ama!..You loved me but you can't fight for me?ganun ba yun?!..pinapaasa mo lang ba ako?!" galit na wika nito.  Parang napantig ang tainga ko sa narinig. Bigla ko itong hinawakan sa balikat ng mariin-yung tipong masasaktan siya. Napatagis ako ng mga bagang. Nakita ko na impit siyang nasasaktan at nandun ang takot sa mga mata niya.
"How dare you to say that I can't fight for you Jessica?!Sa loob ng mahabang panahon ay nakakulong ako sa damdamin ko para sayo at ilang beses akong lumaban para sayo at ilang beses kitang ipinaglaban!.nagmumukha na nga akong tanga sa kakaasa sayo pero ni minsan ba Jessica ay ipinaglaban mo ako huh?!.Pinapaasa mo ako sa  wala!.Baka nakakalimutan mong ilang beses mo ng ipinagmukha sa akin na hindi ako ang lalaking pinangarap at mamahalin mo habang buhay!kaya wag na wag mong isumbat sa akin na hindi kita kayang ipaglaban!at wag na wag mong ipahid sa akin ang mga kagagawan mo!" galit na wika ko. How dare her to hurt me like this!Hindi nito alam ang pinagdaanan ko nung iniwan niya ako at mas piniling sumama sa lalaking yun. Paulit-ulit na lang ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagmamahal ko para sa kanya.  Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya na nakatingin sa akin.
"I-I'm so s-sorry Alex..I did not mean to hurt you.." iyak na wika nito. Napahilamos ako ng mukha. Sa lahat ng ginawa niya ay sorry lang?Kahit ilang sorry pa ay bigkasin niya ay hindi mabubura ang sakit na iniwan niya sa akin.
"But you already hurt me Jessica..deep and torn apart so wala kang karapatan para humingi." nakakuyom na wika ko.
"I know..I know I've hurt you so much pero wala akong magawa dahil nangangailangan at baon sa utang ang pamilya ko noon and the only solution is to marry Steven de Jesus.." umiiyak na wika nito. Napapailing ako. Gusto kong maiyak.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat para matulungan kita?talaga bang minahal mo ako Jessica?!bakit ang dami-dami mong itinatago sa akin?!" galit na wika ko at saka napaluha na ako. Humahagolhol ito ng iyak.
"Hindi ko sinabi sayo dahil ayokong madamay ka sa problema namin ng pamilya ko Alex..I loved you and I'll always love you..hindi nababawasan yun sa paglipas ng panahon Alex..sa loob ng mahabang panahon I was living in fear at natatakot ako na madamay ka noon." iyak na wika nito. Napapailing lang ako at saka tumalikod dito.
"I just want to be alone Jessica..I need to think dahil marami akong problema ngayon..bumalik ka muna sa asawa mo.." mabigat sa loob na wika ko. Kailangan ko munang mag-isip sa ngayon. Mabigat ang dibdib ko and I need to heal it fast. Iniwan ko siya ngunit hinabol niya ako at saka niyakap sa likuran.
"Alex!Alex please..don't leave me..I need you..mahal kita..please please..wag mo akong iwan..I'm so sorry..matagal ko ng pinagsisihan yun at habang buhay kong pagsisihan kapag hindi kita ipaglalaban.." humahagolhol na wika nito. Napapikit ako. Gustong-gusto ko siyang yakapin at aluin dahil nasasaktan rin ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan pero inaalala ko rin si Bella. Litong-lito ako ngayon. Ito naman talaga ang gusto kong mangyari-na nakikita kong pagdusahan ni Jessica ang ginawa niyang pag-iwan sa akin noon at marealized niyang ako ang mahal niya pero hindi ko maitatangging nahihirapan rin ako sa tuwing nasasaktan siya lalo na sa katotohanang nagsakripisyo siya para sa pamilya niya.
"Let's talk later..kailangan ko ng bumalik sa kwarto namin ni Bella dahil baka nagising na siya." walang emosyong wika ko at kinuha ang mga kamay nitong nakayakap sa akin at saka lumayo dito.
"Alex!!.mahal mo ba siya?!" rinig kong sigaw nito kaya napahinto ako. Bumuntong-hininga ako.
"Mind your own business Jessica." wika ko at saka nagpatuloy sa paglakad at bumalik na lang ako sa suite namin ni Bella na mabigat ang loob..Pagdating dun ay himbing na himbing pa rin ang pagtulog nito. I stared at her innocent face. Naiiyak ako sa sitwasyon ko ngayon.
"I can't count the amount of pain I gave you Bella and I hate myself because I did that to you.." bulong ko dito at saka hinaplos ang maamo nitong mukha. She moaned at ilang sandali pa ay nagmulat ito ng mga mata at nakatingin sa akin. She smiled at saka hinaplos ang mukha ko.
"Good morning.." bati ko rito.
"Good morning din..M-may problema ba Alex?" tanong nito marahil napansin ang lungkot sa mga mata ko at saka bumangon.
"W-wala.." mahinang sagot ko. She looked at me at saka hinawakan ang kamay ko.
"I'm here to listen Alex pero hindi kita pipilitin.." wika nito at saka ngumiti. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. I gave her a  smack on the lips like I usually do it.
"Anong gusto niyong kainin ng baby ko?" malambing na wika ko. Hindi naman talaga ako ganito pero pagdating kay Bella ay parang ito iyong natural na ako. Hinawakan niya ako sa pisngi.
"Anything Alex..thank you so much for letting me feel I'm cared.." wika nito. Kung naiba lang siguro ang sitwasyon o kung mas nauna ko pang nakilala si Bella ay maaaring magustuhan ko siya pero kung sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko alam dahil mas nanaig yung nararamdaman ko para kay Jessica.
"Ganito na lang, diba sabi ko sayo kagabi na mag-tour tayo sa buong isla?well, I guessed we need to prepare for the long day for us.." nakangiting wika ko. Her face lit up with excitement. I was amused by her reaction kasi yung mga simpling bagay lang ang makakapagpasaya sa kanya.
"Naku muntik ko ng makalimutan!..okay, let's prepare because I can't wait to see the whole Island." masayang wika nito at agad na tumayo at saka naghanda para sa lakad namin. I was just eyeing on her. Nakakatuwa siya. She acts the way she is-yung natural na siya ang makikita mo at walang kiyeme-kiyeme. Ilang sandali pa ay natapos na kami sa paghahanda at saka lumabas na kami ng hotel at saka agad na nagpunta sa may boat na siyang sasakyan namin sa paglilibot ng Isla. Malaki ang boat at saka pwedeng gawing exclusive for two persons lang. Tinatawag din nila itong Restaurant for Couples Boat na ang mga inihahain nilang pagkain ay lahat seafoods. Hindi ko na pinapansin kung ilang couples ang nandito including Bella and I..Nakaupo kami sa may gilid kung saan ay tanaw na tanaw namin ang Isla..Nasa iisang upuan kami ni Bella and I don't know what came out in my mind why I held her waist and put her head on my chest habang nakatalikod ito sa akin. Alam kong medyo nagulat ito sa ginawa ko pero wala itong ginawa. Matulin ang byahe at naramdaman ko naman ang pag-eenjoy ni Bella sa bawat paglibot namin sa Isla at hindi niya nakalimutan ang pagkuha ng mga pictures dun hanggang sa dumating ang tanghalian kaya nagprepare ang boat ng mga pagkain at natutuwa ako dahil may mga nanghaharana sa bawat mesa na nasa loob ng boat. Nang tumapat ang mga musician sa table namin at kumanta ay tuwang-tuwa si Bella. I could see the happiness in her eyes hanggang sa natapos ang awit. Aalis na sana ang musician pero pinigilan ko.
"Wait!.can I request a song for Bella?" wika ko at nakatingin kay Bella. Amusement was written all over her face at nandun ang pagtataka kung bakit ko ito ginawa.
"Sure Sir..what song do you want for your wife Sir?" nakangiting wika ng Musician. I smiled sa sinabi nitong wife. Tiningnan ko si Bella na hindi ko mabasa ang reaksiyon niya. Her face is so red like tomatoes. Nag-isip ako ng kanta that fits for her. I smiled.
"Just Give me a reason in acoustic melody.." sagot ko and the musician started to sing in a slow melody that calls the attention of everyone's heart especially Bella.

You stole my heart
And I'm your willing victim
I let you see the parts of me
That weren't all that pretty
And with every touch you fixed them

Now you've been talking in your sleep, oh, oh
Things you never say to me, oh, oh
Tell me that you've had enough
Of our love, our love

Just give me a reason
Just a little bit's enough
Just a second we're not broken just bent
It's in the stars
It's been written in the scars on our hearts
We're not broken just bent
And we can learn to love again

I'm sorry I don't understand
Where all of this is coming from
I thought that we were fine
(Oh, we had everything)
Your head is running wild again
My dear we still have everythin'
And it's all in your mind
(Yeah, but this is happenin')

You've been havin' real bad dreams, oh, oh
You used to lie so close to me, oh, oh
There's nothing more than empty sheets
Between our love, our love
Oh, our love, our love

Natapos ang kanta at agad na umalis ang musician. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ni Bella and I don't know what's the reason.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now