Chapter 9-Willing to be his Girlfriend

7K 180 3
                                    

She's so scared at naaawa ako sa kanya kaya dinala ko na muna siya sa bahay nila. Mabuti nalang at wala pa ang kapatid nito dahil siguradong mag-aalala iyon. Habang papauwi ako kanina ay pumunta muna ako ng ice cream shop at bumili ng ice cream para sa mga pamangkin ko nang may madaanan akong isang babae na pinagtutulungan ng dalawang kalalakihan kaya tinulungan ko. Hindi ko naman alam na si Maribella ang babaeng yun. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya at nanginginig ang halos hubad nitong katawan. Agad ko siyang ibinalot sa dala kong jacket at nang makilala niya ako ay agad itong napayakap sa akin at napapahikbi.
"S-salamat sa paghatid..a-at sa p-pagtulong mo sa akin Alex..tatanawin ko tong utang na loob sayo." wika nito nang makapasok na kami sa bahay nila. Ngumiti ako dito.
"Hindi muna kita iiwan dito..alam kong natakot ka pa.. I'd rather sleep here para mabantayan kita dahil wala pa ang kapatid mo at ang katulong niyo ay wala rin.." wika ko. Nanlaki ang mga mata nito.
"Alex pwede ba wag ngayon?hindi ngayon ang panahon para sa mga ganyang kalokohan." mahinahong wika nito. Hinila ko na siya na ikinapagtaka nito.
"What are you doing?" tanong nito.
"Where's your room?" tanong ko dito. Nanlaki ang mga mata nito at saka napalunok at pulang-pula ang mukha. Binawi nito ang mga kamay mula sa akin.
"Ang bastos mo!" inis na wika nito. Napatawa ako sa reaction nito.
"Honey, nagtatanong lang naman kung nasaan ang room mo..ano bang masama dun?" wika ko dito.
"May binabalak kang masama sa akin kaya mo tinatanong yun..go out in my house!.katulad ka rin ng mga lalaking nagtangka sa akin kanina..I hate you!" naiiyak na wika nito. Iniharap ko siya.
"Hey, I'm not like that..nagtanong ako kung saan ang room mo para makapagpahinga ka na..at saka isa pa, wala akong balak." wika ko dito. Napatingin ito sa akin na para bang nahihiya.
"Wag na..kaya ko naman eh..umuwi ka na lang.." wika nito. Gusto ko tuloy na matawa. This woman in front of me--she's different.
"Ayoko..Miss Catindig wag ng matigas ang ulo.." ma-awtoridad na wika ko. Napanganga lang siya. I like the way she opened her mouth. I wanted to kiss her fully. Napailing na lang ako sa pinag-iisip ko. Hinila ko ang kamay niya at saka dinala siya sa isa sa mga kwarto ng bahay nila. Ang ikatlong kwarto ang binuksan ko dahil sa tingin ko ay ito yung kwarto niya dahil dito ko siya nakitang lumabas nang bumisita ako rito. Pagdating sa loob ay agad akong napatingin sa kanya. She has that poker face na nakatingin din sa akin.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?..now get a quick shower at magbihis ka na para makapagpahinga ka na.." wika ko. Kumunot-noo ito.
"Ano ba ang ginagawa mo?" mariing tanong nito. Napahawak ako sa aking baba.
"Binabantayan kita..I'm just protecting you because I am your boyfriend Honey at part itong ginagawa ko sa pagiging boyfriend ko sayo.." wika ko. Inirapan lang niya ako at maya-maya pa ay kumuha ito ng towel at saka lumabas ulit ng kwarto.
"Wait!where are you going?" tanong ko.
"Sa banyo.." matipid na wika nito at saka umalis na. Napailing na lang ako na napaupo sa maliit nitong kama.
----------------------------
I took a quick shower. Napahalukipkip ako na napatingin sa maliit na salamin. What is he doing here?iniligtas niya ako dun sa dalawang lalaki na ipinagpasalamat ko naman ng husto. He covered me with his jacket at pinrotektahan dahil kasali raw yun sa pagiging boyfriend niya sa akin. I don't why...hindi ko maintindihan dahil may bahagi ng puso ko na magaan ang loob ko sa kanya. Na-appreciate ko ang pagiging maalalahanin niya sa akin. He's the ideal prince charming that every woman wants at pakiramdam ko kapag kasama ko siya ay safe ako at walang sinuman ang makakapanakit sa akin dahil sa kanya. Pero may isang bahagi naman ng isip ko na wag akong masyadong magtiwala dahil alam ko naman ang motibo niya kung bakit pinagpilitan nitong maging girlfriend niya ako. Napabuntong-hininga ako. I need to rest dahil nandito pa rin sa buong kalamnan ko ang takot sa nangyari kanina na muntikan na akong magahasa and worst ay papatayin pa sana. Mabilis ko ng tinapos ang pagsa-shower at pumunta sa kwarto ng kapatid ko at dun kumuha ng maisusuot. Ayoko naman kasing dun magbihis sa kwarto ko dahil nandun siya naghihintay. Pagkatapos makapagbihis ay bumalik na ako sa kwarto ko kung saan ito naghihintay. Tumingin ito sa akin at saka hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napalunok ako.
"Lumabas ka na..okay na ako dito at kung pwede ay umuwi ka na.." pagbasag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa at saka hinila ko siya para paalisin sa kama.
"Bakit ba ang tagal mo?kinakabahan tuloy ako kasi akala ko ay umalis ka o kinuha ka ng mga lalaking yun.." wika pa nito na ngayon ay nakatayo na nakatingin sa akin. Somehow I felt comfortable dahil sa pag-aalala nito. Hindi ko na lang siya pinansin. Sumampa na lang ako sa maliit kong kama at nagtalukbong at pilit na matutulog kahit na ang hirap dahil nandiyan siya na nakatingin sa akin. Nakiramdam ako kahit na nakapikit ang mga mata ko. Maya-maya pa ay naramdaman kong inayos niya ang kumot at kinumutan ako ng maayos.
"Good night.." halos bulong na wika nito at saka naramdaman kong tumayo na ito at saka lumabas ito ng room ko. Napahinga ako ng malalim at saka nagmulat ng mata.
"Ang swerte sana ni Ma'am Jessica kung ikaw ang pinili niya.." naibulong ko. Sana umuwi na ito dahil sobrang nahihiya na talaga ako sa kanya. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya sa araw na to. Naipikit ko ang aking mga mata at natulog na. I'm tired of what was happening to me.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya lumabas na ako ng kwarto at napa-stretch ngunit nabitin ako nang mapatingin sa maliit naming sofa. At talagang hindi siya umuwi kagabi?Dali-dali akong lumapit dito ngunit napahinto ako at napatitig dito. Ang gwapo niya..he has those thin na mamula-mulang labi at ang tangos ng ilong niya. He had those thick eye lashes at makakapal na kilay..he looks like the young Ian Veneracion..medyo maputi at may bigote..medyo mahaba rin ang buhok nito na hanggang leeg na naka-v-slash..he look so hot. Napailing ako nang marealized ang mga pinag-iisip ko. I shouldn't be thinking like that. Niyugyog ko na lang siya.
"A-Alex gumising ka na..Alex.." gising ko rito. Umungol ito at maya-maya pa ay nagmulat ng mga mata. He has those almond brown eyes. Ngumisi ito nang mapatingin sa akin.
"Good morning Honey..how's your sleep?" wika nito. Muntik na tuloy akong himatayin sa sobrang pagka-amused dito. Tumayo ako.
"Tumayo ka na diyan..magkape ka muna.." wika ko para iwasan siya. I am not comfortable with his presence kasi nakaka-nerbiyos. Naramdaman kong tumayo ito.
"Oh sige basta ipagtimpla mo ako.." wika nito. Tumango na lang ako na hindi nakatingin sa kanya at saka nagpunta sa kusina at nagtimpla ng kape at ibinigay rito. Nakatitig ako dito at saka nakabuo ako ng desisyon. Marahil ay nagtaka ito kung bakit nakatitig ako sa kanya ay napakunot ang noo niya.
"Ba't ganyan ka kung makatingin?may laway ba ako sa pisngi? o nagugwapuhan ka sa akin?" nagbibirong tanong nito. Ibinigay ko ang kape dito.
"Sinasagot na kita..I'm willing to be your girlfriend for the meantime hanggang sa bumalik sa iyo si Ma'am Jessica." wika ko. Literal itong napanganga sa sinabi ko.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now