Chapter 14- Past and Present

5.9K 178 0
                                    

Where are you?!kanina pa ako tumatawag sayo pero hindi mo sinasagot!..I'm waiting you here in a mall..
-From: Alex :-/
Kanina pa pala siya tumatawag at nagtetext sa akin pero hindi ko napansin. Mga thirty messages at thirty-five missed calls na ang nasa phone ko na nagmumula lang kay Alex. Kanina pa ako nagmumukmok sa bahay galing sa park. I tried to digest the things between me and Adrianne. Napabuntong-hininga ako at saka nagbihis ulit. As usual, rugged pa rin ang dating ko at saka kinuha ang sling bag ko at umalis patungo sa mall na sinasabi ni Alex. After a while ay nakarating na ako sa mall when he calls me.
"Alex.." mahinahong wika ko.
"Where are you?!" halos nakikinita ko na ang mukha niya na inip na inip na sa paghihintay sa akin and worst baka lumabas na ang litid nun sa liig dahil sa inis sa akin.
"I'm here already..hinahanap kita.." wika ko.
"Okay, nandito ako sa may food chain..sa may bench sa left side.." wika nito. Napailing na lang ako at saka pinutol ang linya. Nagmamadali akong naglakad patungo sa may food chain na sinasabi ni Alex nang may nakabangga sa akin kaya napaupo ako.
"I'm sorry..oh sorry.." tarantang wika ng isang lalaki. Napadaing ako ng konti at nakita ko ang kamay nito na iniabot sa akin para alalayan ako. Napaangat ako para pagsinuhin ito.
"S-Sir Steven de Jesus.." wika ko.
"Hey! Maribella..ikaw pala..I'm sorry hindi ko sinasadyang mabangga ka.." hingi nito ng paumanhin. Ngumiti ako dito.
"N-naku..o-okay lang Sir." matipid na wika ko.
"Who are you with?" nakangiting tanong nito.
"Ah..may ka-meet lang Sir..i-ikaw?"wika ko.
"Bella!!" napaigtad ako nang may tumawag sa akin. Napalingon kaming pareho ni Sir Steven at binawi ko ang kamay na hinawakan nito kanina pa. Nakita ko ang patiim ng mga bagang ni Alex habang papalapit sa amin.
"Kanina pa kita hinahanap.." mariing wika nito. Aaminin ko na kinakabahan ako sa paraan ng pananalita at tingin niya sa akin at kay Sir Steven.
"Alex right?" sabat ni Sir Steven. Tinitigan siya ni Alex ng masama.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya wag kang sumabad sa usapan namin ng girlfriend ko!" inis na wika nito.
"Alex!,.pasensiya ka na Sir Steven.." wika ko.
"No it's okay Maribella..at saka sorry.." wika nito nang biglang dumating ang asawa nitong si Ma'am Jessica. Napatda ito nang makita kaming dalawa ni Alex.
"Hey! sweetie..nakabili ka na ba ng gusto mong bilhin?" tanong ni Sir Steven. Ngumiti ng matamis si Ma'am at inilagay ang kamay sa baywang ni Sir. Tiningnan ko si Alex at para itong papatay ng tao sa katitig sa dalawa.
"Yes sweetie and thank you.." wika nito at saka ginawaran ng halik ang asawa sa labi. Ewan ko pero parang sinasadya ni Ma'am Jessica yun para makita ni Alex.
"Oh by the way..nandito pala kayo Bella and Alex..how are you?" wika pa ni Ma'am Jessica at saka nakipag-beso sa amin ni Alex. Nakita ko ang pagkuyom ng mga palad ng huli.
"H-hi po..mauna na po kami Ma'am, Sir..magde-date pa kami ni Alex eh.." alibi ko para makaiwas kami sa gulo dahil mahirap na at saka hinawakan ko ang kamay ni Alex. Mabilis na napatingin si Ma'am Jessica sa magkaholding hands naming kamay ni Alex.
"Why don't you join us for dinner?diba sweetie?para masaya..double date kumbaga kasi maganda kapag marami at saka kilala ko naman Alex eh.." wika ni Ma'am Jessica. Nanlaki ang mga mata ko at saka umiling agad.
"Wag na..may surprise pa ako kay Bella at pagkatapos ay pupunta pa kami sa bahay dahil gusto siyang papuntahin ng mga kapatid ko dahil namissed na raw nila si Bella." walang emosyong wika ni Alex. Napawi ang ngiti sa mga labi ni Ma'am Jessica.
"Naku Ma'am wag na po..may lakad pa pala kami.." wika ko. Nakita ko ang pag-iba sa expression ng mukha ni Jessica sa akin. She looks like she wanted to murder me.
"Close pala kayo ng pamilya ni Alex, Bella?" tanong nito. Idinaan ko sa ngiti ang tension na namagitan sa amin.
"Ah..hindi naman masyado pero kinukulit nila ako na dun patulugin para makapagkwentuhan raw kami..ang babait kasi nila eh kaya mahirap tanggihan.." wika ko na lang.
"Sweetie, wag na..give them time for each other.." wika ni Sir Steven. Magprotesta pa sana si Ma'am pero sa huli ay wala itong nagawa dahil nagpaalam na kami at hinila ko na si Alex papalayo sa kanila. Walang itong imik habang naglalakad kami. Nang makarating at makapasok na kami sa kotse niya ay bigla na lang niyang hinampas ang manibela ng sasakyan dahilan para magulat ako.
"Bakit ka ba nagpapahawak sa lalaking yun Maribella?!..mang-aagaw siya at galit ako sa kanya!at wala ka man lang ginawa nung hinawakan ka niya?!kung maglalandi ka ay sana piliin mo ang taong nilalandi mo!" galit na wika nito. Napanganga ako sa pinagsasabi nito. Napahalukipkip ako. Ganun ba talaga ang tingin niya sa akin?isang malandi?
"Ang kitid ng utak mo Alex!.ni hindi mo pa nga alam ang dahilan kung bakit niya ako hinawakan ay gumagawa ka na ng sarili mong version?!how could you?!ikaw na nga ang tinulungan ay ikaw pa tong galit?..kung ganyan ka palagi at pinaliliit mo pa ang tingin mo sa akin Alex ay mas mabuti pang itigil na natin ang kahibangang ito!..actually, wala naman talaga akong obligasyon para tulungan ka eh..nagpasalamat ka na lang sana sa akin pero wala!..sayo na ang plano mong maangkin muli ang Jessica na yan at kainin mo ang lahat ng katangahan mo!." galit na wika ko at saka lalabas na sana akong muli ng kotse nang bigla niyang akong hilahin at hinalikan sa labi na ikinapanlaki ng mga mata ko. I wasn't able to react because I'm trying to digest what was happening. He's kiss is so rough at madiin at maya-maya pa ay kinagat nito ang lower lip ko kaya naitulak ko siya at sinampal. I'm scared of him. Dali-dali akong lumabas ng kotse at tumakbo palayo with tears falling down my face.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon