Chapter 19- Buntis

6.8K 175 1
                                    

ONE MONTH HAD PASSED....
"Bella, buti naman bumalik ka rito sa hospital..namissed ka kaya namin." wika ni Tin. Totoong nag-resign ako kay Jessica dahil ayokong makisali sa kung ano mang gulo na kahihinatnan sa relasyon nila ni Alex. Bumalik ako dito sa hospital na pinagtatrabahu-an ko dati bilang nurse. I gave up my passion--being a photographer. Masaya naman ako na nagsisilbi sa mga pasyente dito sa hospital kaya sapat na sa akin ang ganito muna. Mag-iipon ako para makatayo ng sariling studio balang araw.
"Talaga Tin?..namissed ko rin naman kayo dito sa hospital..namissed kong pagsilbihan ang mga pasyente dito.." wika ko. Mabuti na lang at tinanggap ulit ako dito. Magsisimula ulit ako. Gusto kong kalimutan ang nangyari sa akin. Gusto ko pa sanang magkwentuhan kasama sina Tin pero tinawag ako ng head dahil ako raw ang mag-aasikaso sa pasyente ng room 258 na isang buntis raw. Hinanap ko ang room 258 dala ang mga gamit at gamot na para sa pasyente. Pagkatapat ko sa kwartong iyon ay tiningnan ko muna ang nakasabit dun na pangalan ng pasyente kung tugma ba sa dala kong pangalan.
AS. MONTEREAL

yun ang pangalan na nakasabit dun kaya kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at inuluwa nun ang lalaking--
"Bella?" gulat na wika nito. Muntik ko ng mabitawan ang mga gamit na dala ko.
"A-Alex?" sambit ko. Bigla niya akong niyakap na ikinabigla ko.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?bakit ka nandito?diba dun ka dapat nagtatrabaho kay Jessica?" tanong nito. Kung gusto niya akong makita eh di sana pinuntahan niya ako sa bahay at gumawa ito ng paraan para magkausap kami. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nainis dito. Nagkamabutihan lang sila ni Jessica ay ganun-ganun na lang ang paglimot niya sa akin. Ang sakit pala dahil kahit na anong galit at inis ko dito ay balewala dahil wala naman talaga akong karapatan. Marahan ko siyang itinulak para makawala ako dito. Mataman ko siyang tinitigan. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya--marahil nagkabalikan na sila ni Jessica.
"Hindi ko kailangang magpaliwanag sayo..Dito na ako nagtatrabaho ulit..Ano ang ginagawa mo rito?" wika ko. Napanganga ito marahil nagtaka ito kung bakit ganun ang inasta ko. Mas mabuti na rin yung ganito para magalit ito sa akin at layuan ako.
"Bella.." sambit nito. Napailing na lang ako at saka nilampasan siya at pumasok na ako sa loob ng kwarto.
"Mrs. Montereal right?" pagbabasa ko sa nakalista sa record.
"Bella!?" tawag sa akin ng kung sino kaya napaangat ako ng tingin.
"Alison?,kuya Cedrick?,Aleck? " sambit ko. Napakunot-noo ako.
"Bella, nurse ka rin pala?what a small world talaga oh.." wika ni Alison at niyakap ako. Tumayo rin sina Kuya Cedrick at Aleck at yumakap sa akin.
"Kalalabas lang ni Alex..nagkita ba kayo?" wika ni Aleck.
"Babalik yun..may kinuha lang." wika naman ni Kuya Cedrick. Napilitan akong ngumiti.
"Ah ganun ba?.." tanging sambit ko at saka inilapag ang mga gamit sa maliit na mesa malapit sa pasyente nang mapadako ang tingin ko sa pasyenteng nakahiga sa kama.
"Anong nangyari kay Ate Alyssa?" puno ng pag-aalalang wika ko at saka lumapit kay Ate Alyssa na walang malay.
"She's bleeding kanina kaya isinugod namin siya rito sa hospital at ang sabi ng doctor ay na-stressed raw ito. Mabuti nalang at naisugod kaagad namin siya dito at nabigyan ito ng pampakapit ng baby..She's okay now at ino-obserbahan pa ng doctor.." wika ni Kuya Cedrick. Nakahinga ako ng maluwag.
"Mabuti naman na safe na ang mag-iina..kailangan ko lang isama sa dextrose itong gamot para sa baby at pampakapit na rin.." wika ko at saka nilagay ang gamot sa dextrose para kay Ate Alyssa. Pagkatapos maikabit ang gamot ay biglang sumama ang pakiramdam ko na para bang nasusuka ako. Parang may naamoy ako at hindi kaya ng sikmura ko at siya ring pagbukas ulit ng pinto at pumasok si Alex. Nakatingin kaagad ito sa akin. Umiiwas ako sa mga tingin niya dahil pakiramdam ko ay bumabalik sa isipan ko ang ginawa niya sa akin at nag-iinit ang buong mukha ko.
"Oh Alexander!.nandito ang girlfriend mo.." wika ni Aleck. Muntik pa akong masamid. Ngumiti si Alex at lumapit ito sa akin at saka hinawakan ako sa baywang.
"Hi Sweetheart.." he said in a husky voice and kissed me on the lips. I was trembling at nanghihina ang buong kalamnan ko. Kumakabog ang dibdib ko ng husto.
"Eherm..masyado kayong SPG diyan.." biglang wika ni Alison. Napakurap ako at saka marahan kong itinulak si Alex at saka nahihiyang kinuha ang mga gamit ko.
"Ahh..p-pasensiya na po.." wika ko at saka nagmamadaling ibinalik ang mga gamit sa mesa at saka tumakbo sa CR dahil hindi ko na talaga kaya dahil ang sama-sama na ng pakiramdam ko.
"Bella are you okay?!" sinundan ako ni Alex na nagduduwal sa may lababo. Hilong-hilo ako sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nanghihina ako. Hinimas-himas ni Alex ang likod ko para kumalma ako.
"Oh my God Bella what happened to you?ano ba ang nakain mo?" nag-alalang tanong ni Alison. Nagpatuloy lang ako sa pagduduwal at nang mahimasmasan ay napahilamos ako ng mukha.
"P-pasensiya na..talagang masama ang pakiramdam ko..wala naman akong naalala na nakain na nakasama sa akin.." mahinang wika ko. Inalalayan ako ni Alex na makaupo.
"Ang putla-putla mo..tatawag ako ng doctor para ma-check ka dahil baka kung ano na yan." nag-alalang wika ni Alex.
"Baka naman buntis ka Bella.." biglang wika ni Kuya Cedrick na ikinagulat ko. Biglang nanlambot ang mga paa ko. Posible kayang...posible kayang buntis ako?oh my God! delayed na pala ako and the last person who claimed me ay si...Oh no! kung sakaling buntis ako ay siguradong si Alex ang ama ng dinadala ko. Gusto kong maiyak. Natatakot ako na malaman ni Alex ang totoo dahil baka magalit ito sa akin at akusahan ako na sinungaling dahil lasing ito ng mga panahong may nangyari sa amin at wala itong maalala.
"Oh my God Kuya Alex binuntis mo si Bella?!" wika ni Alison. Nanlaki ang mga mata ni Alex at halatang nagulat. Nakatitig sina Kuya Cedrick at Aleck dito.
"What?!wag niyo nga akong pagbintangan sa mga bagay na hindi ko naman ginawa!..walang nangyari sa amin ni Bella!" wika agad ni Alex. Base sa reaction nito ay halatang ayaw nitong magkaroon ng anak sa akin. Hindi na ako dapat na magtaka pa dahil alam ko naman na si Jessica ang gusto nitong maging ina ng mga anak nito. Para bang may tumusok sa puso ko dahil sa katotohanan na yun.
"Kuya!.napakarude mo kay Bella..kilala kita!.at sino ba ang nakabuntis kay Bella maliban sayo huh?ikaw ang boyfriend so natural ikaw ang nakabuntis..kilala kita Kuya dahil napakahayok mo pagdating sa mga babae!" wika ni Alison. Gusto kong umiyak. Tumayo ako kahit na nahihilo pa ako.
"E-excuse me.." wika ko at saka kinuha ang mga gamit ko at aalis na sana nang pigilan ni Alex ang mga kamay ko. He looked so mad kaya kinakabahan ako.
"Mag-usap tayo and I need to take you to the OB-Gyne.." mariing wika nito at kinuha ang mga dalang gamit ko at ibinalik sa mesa at saka hinila ako palabas ng room na iyon. Natatakot ako at sobrang kinakabahan dahil nakikita ko ang galit nito. Gusto kong maiyak dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa lobby ng hospital habang hila-hila ako ni Alex. Ilang sandali pa ay nasa clinic na kami ng OB-gyne at kilala ko yun dahil nasa iisang hospital lang kami nagtrabaho. Nakatingin lang si Alex sa akin kaya hindi ako mapakali. Nagdarasal ako na sana ay hindi ako buntis para hindi ako malagay sa alanganing sitwasyon.
"Mr. Singson!..Bella..what can I do for you?" wika ng doctor. Makahulugan itong nakatingin sa akin.
"Check her doc..nahihilo kasi siya and my sister told me that..that she's pregnant and I want to confirm it from you.." wika agad ni Alex. Halos pinipigilan ko ang sarili ko na huminga. Halata ang pagkagulat sa mukha ng doktora na nakatingin sa akin at maya-maya pa ay ngumiti ito.
"Okay..halika Bella..gamitin mo tong pregnancy test para malaman natin kung buntis ka bang talaga and then kapag positive ang result ay i-ultrasound kita para malaman natin kung ilang weeks na ang baby at kung negative naman ay kukunan ka rin namin ng HCG and that is by blood dahil mas accurate kasi ito compared sa pregnancy test kit na gagamitin mo.." wika ng doktora at inabot sa akin ang isang kit. Nanginginig man ay kinuha ko yun at saka pumasok ako ng CR. Nagdasal ako na sana false alarm lang at walang kaso ang pagsusuka ko. Ilang sandali pa ay nilagyan ko na ng konting urine ang kit at abot-abot ang kabang nararamdaman ko habang unti-unting lumilinaw ang resulta and then after one minute ay napapikit ako.
"Two lines..." bulong ko at kasabay nun ang pag-agos ng mga luha ko at saka napahawak sa sinapupunan ko.
"I'm pregnant.." sambit ko. Hindi ko alam kung para saan ang mga luha ko--kung sa kahihitnan ba namin ng magiging anak ko o dahil sa magiging ina na ako at nanaig ang damdamin na yun para sa magiging anak ko?

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now