THE PROMISE

57 3 0
                                    

                           Chapter 17

Parang nalulula si Kim pagdating sa bahay nila Gabriel. Hindi niya akalain na mansyon ang bahay ng mga ito. Hindi pala mansyon, mala palasyo sa laki ang bahay ng mga ito.

Sa kasimplehan ni Gabriel hindi niya inisip na mala prinsipe pala ang buhay nito.

Nanlamig ang mga kamay niya ng pumasok na sila sa bakuran nila Gabriel. Ang simpleng salu salo na sinasabi nito ay isang bonggang garden party.

"Boss, bat di mo naman sinabi na mayaman pala kayo?" nag aalanganin pumasok si Kim, feeling niya alanganin ang suot niya sa mga nasa loob.

" WIll it make any difference kung sinabi ko?" hinila siya nito papasok sa loob, naramdaman yata nito ang pag aalanganin niyang pumasok.

" Sana man lang nakapag prepare ako sa pagpunta dito." 

"Maganda ka pa rin kahit na ano pang suot mo, and wag kang mag alala ikaw pa din ang pinakamaganda sa paningin ko." Huminto pa ito para lang titigan siya. Namula naman siya sa pagkailang.

"Congratulations!" Sabay sabay na bati ng mga bisita sa lalaki. May nagpaputok pa ng party poppers. Nagulat pa siya ng magsulputan sa likod niya ang mga kamag anak nito at kaibigan.

Pinaghandaan ng pamilya nito ang okasyon dahil may banner na back to back mvp siya.

Dinala siya ni Gabriel sa gitna. Kasama nila sa table ang mga magulang nila. Kumain muna sila ng dinner , mayamaya pa ay may emcee na nagsalita.

"Good evening ladies and gentlemen , let's have a toast for the success of the UP phoenix team sa back to back champion on the Interschool basketball competition." Itinaas nito ang hawak na baso.

Sabay sabay naman na nagtaas ng baso ang lahat ng bisita at nagtoast." Cheers!"

" May I propose another toast for the man of the night, for getting the back to back MVP award Mr. Gabriel Santiago."

Lahat ulit ay nakipag toast sa isa't isa."Cheers. Umakyat si Gabriel sa makeshift stage para sa isang maikling speech.

"Guys, thank you for coming. Alam ko busy kayong lahat but you still find time to join me in this celebration. Let's enjoy the party and be wasted in the night! Cheers!" itinaas nila ang mga baso nila para makipag toast.

Bumalik na sa table nila si Gabriel , asikasong asikaso siya nito sa pagkain. Di tuloy maiwasan na halos lahat ay napapatingin sa kaniya. 

Nagpaalam siya na pupunta sa cr. Kailangan niyang magrefresh, hindi parin siya makapagrelax sa sitwasyon dahil sa iba ibang klaseng tingin na nakukuha niya sa mga tao. Madalas ay galit na tingin mula sa mga babaeng andun ang tinatanggap niya. 

"Is she the new girl?" maarteng tanong ng nakasalubong niyang babae sa kasama nito. 

"Yeah! He does not deserve her, she's so cheap. No class at all." tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa. "Baka naman kayamanan lang ni Gabriel ang habol niya."

"Hindi malayo girl. Ikaw ba naman ang nag iisang tagapagmana ng may ari ng pinakamalaking Realty Business sa Japan. Talagang tatargetin ka ng mga gold digger ." pairap irap pa ito sa pagsasalita. 

Parang nanliit naman sa sarili niya si Kim. Hindi man totoo ang sinasabi ng mga ito , ay hindi pa din niya maiwasang manliit dahil sa laki ng agawt ng katayuan nila. 

Nakabalik na sa mesa nila si Kimberly. Inalalayan naman siya ni Gabriel sa pag upo.

" Thanks!" napakagentleman talaga nito. Pumailanlang ang isang napakagandang love song . Tumayo si Gabriel at nilahad ang palad sa kaniya. 

Reyna ng Pick up Lines meets Mr.SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon