HINDI LAGING HAPPY

43 3 0
                                    

 CHAPTER 11

Dahil malapit na ang final game, puspusan na ang ginagawang pagpapractice nila Gabriel. Halos nawalan na siya ng time sa dalaga kaya napagkasunduan nila ng araw na iyo na to naman ang pupunta sa school nila after her class .

Nagmamadaling nagbihis si Gabriel, naghihintay na sa kaniya si Kimberly sa Mini stop sa tapat ng school nila. Halos takbuhin na niya palabas ng school.

His smile widened nang makita niya ang dalaga na nakayuko, busy sa pagbabasa sa cp nito. Naisipan niya munang i message ito. Nag search pa siya ng ilang mga pick up lines para makasabay siya sa babae. 

"Mahilig ka ba sa Geometry?" he typed. Pinanood niya ang babae nang buksan nito ang message. Nakita niyang tumawa ito, then nagtype.

Nag  vibrate ang cp niya," Wow mukhang may pick up line ang boss ko ah, Bakit?"

" Kasi kahita saang angulo kita tingnan ang cute mo." nagtaas ng mukha ang babae at nagpalinga linga. Dahan dahan siyang lumapit dito mula sa likuran. 

"Hi gorgeous!" inabot niya dito ang isang pulang rose. May nadaanan siyang bata na nagtitinda ng bulaklak , nakiusap na bilhin na niya nag iisa na kasi para daw makauwi na siya. Naalala naman niya ang dalaga kaya binili na din niya.

Nagkorteng puso yata ang mga mata ni Kimberly sa sobrang tuwa. "Thanks." Hindi naman scented ang bulaklak pero dinala pa din niya sa ilong at inamoy. 

She blinked her eyes. Then blinked again, and again tapos kumapit siya sa kamay ni Gabriel. 

"Why?" he asked worriedly,"Napuwing ka ba?" dinukot nito ang panyo sa bulsa. "Let me see."

"No!" she blinked her eyes again," Bakit ang dilim ?" she asked. 

"Hindi naman ah," he was worried , ano bang nangyari dito. 

Tinitigan siya  ni Kim," Kasi ng dumating ka sa buhay ko , wala na akong makitang iba kundi ikaw ." 

Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa coz he was worried to death , akala niya kung ano na ang nangyayari dito, but seeing her burst into laughter he chose the latter. Nakitawa na din siya. 

Parang nawala lahat ng pagod niya sa maghapong practice ng makasama na niya ang dalaga. He laughed a lot lalo na pag may mga bago itong banat sa kaniya na madalas ay nagugulat na lang siya kasi pick up line na pala yun. 

After having a light snack , nagpunta na sila sa parking lot para kunin ang sasakyan niya. Nakasakay na sila sa kotse ng papikitin siya ng dalaga. Akala niya may surprise ito sa kaniya kaya pumikit naman siya. 

"Anong nakikita mo?" 

"Natural madilim , pinapikit mo ko eh ," papilosopo niyang sagot.

"Seriously, yan ang BUHAY KO pag wala ka..." her voice sounded sad and scared.

He slowly opened his eyes, only to see her staring at him . Their eyes locked, para bang  gusto niyang makita sa mga mata nito kung totoo ba ang sinabi ng dalaga.

It was so sincere, gusto niyang paniwalaan pero natatakot siyang magtiwala baka masaktan na naman siya. Ayaw na niyang umasa at ibigay ng buung buo ang tiwala niya. 

He started driving, trying to ignore Kim's gaze. 

" Mosh, Are you free after the finals?" 

"Hmmm..Di ko pa alam, why?" she slouched on the chair,ngayon niya naramdaman ang pagod.

"Gusto mo bang sumama sa bahay, ipapakilala kita kay Mama at Papa." 

Napaupo siya ng diretso , ang lakas ng kaba niya. 

Reyna ng Pick up Lines meets Mr.SupladoWhere stories live. Discover now