I NEED YOU

56 5 0
                                    

                              CHAPTER 8

Paglampas ni Gabriel kay Kimberly , ay nilingon nya ito. Dire diretso lang na parang wala itong nakita. Napabuntung hininga siya ng malalim. Talaga bang galit ito sa kaniya. Wala na siyang nagawa kundi ang dumiretso na sa parking lot para umuwi.

Sinipa niya ang gulong ng kotse niya. Nasasaktan siya sa pambabalewala ni Kim sa kaniya. Gusto niya sanang lapitan ang dalaga kanina. Sinadya niya talaga na abangan ito para mag sorry , pero natalo siya ng hiya kaya wala siyang nasabi ng nasalubong na niya ang babae.

Hindi na siya nag dinner ng nakauwi na siya  ng bahay. Pati siya nalilito na sa nangyayari , ayaw niya ng kinukilit siya ng babae, pero ayaw din nya na hindi siya nito pinapansin .

He checked his messages on messenger, wala pa ding message sa kaniya ang babae kahit naka online naman ito. Inis na inis na si Gabriel . Hindi rin siya makatulog.

Okay I admit now, I'm falling for her. Pupunta ako bukas sa school nila to talk to her . This time ako naman ang lalapit sa kaniya. He finally admitted to himself. 

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Inabangan ni Gabriel si Kim sa malapit sa canteen . May nagsabi sa kaniya na madalas itong magtambay dun kasama ang mga barkada niya.

" Kim ," nakatalikod ang babae na naglalakad. Mag isa lang ito.

Lumingon ito, kumunot ang noo pagkakita sa kaniya. She was really surprised na siya pa ang naunang lumapit sa kaniya. 

" Can we talk?" half smiling na binawi din agad , halatang nahihiya.

Did I just see him smile? Her heart is racing fast. Isa pang ngiti mo di ko na mahahabol ang puso ko sa bilis ng tibok. 

She didn't answer.

"Please?" pati mata niya nakikiusap. " I'll take you home , so we can talk."

Hindi niya alam ang sasabihin. This was her dream and hindi niya akalaing mangyayari ngayon. Tumango nalang siya bilang sagot .

OMG! Hihimatayin yata ako . Kung kailan ako umiiwas sa kaniya, siya naman ang lumalapit ngayon.  

Inalalayan siya nito pagsakay ng kotse, kinikilig siya pero ayaw niyang ipahalata.

" I'm sorry!" nakatingin ito sa kaniya, hindi pa nito pinapaandar ang kotse. " I know I was rude."

Nalunok yata niya ang dila niya, wala siyang masabi.

"Galit ka ba?" he asked, still no answer from her . " Magsalita ka naman o, please?" Nakakaawa ang itsura nito.

Para namang kinukurot ang puso niya sa nakikita, umiling siya.

" Hindi naman ako galit," she started, umiiwas na tumingin sa mata ng lalaki. " I was just hurt kasi medyo foul na yung sinabi mo. And it's all in caps. So alam kong intense na yung galit mo, that's why I just decided to stop. Baka nga talagang naiinis ka na sa kakulitan ko. And may pride pa naman akong natitira sa katawan ko.  "

" Nung una , oo aaminin ko naiinis ako kasi ikaw pa ang lumalapit. Para sakin kasi, lalaki ang dapat manligaw, ang dapat manuyo sa mga babae. Kakaiba ka kasi sa lahat ng nakilala ko. " he stopped for a moment .

 "Pwede ba tayong mag start ulit. Let's have it corrected and start as friends. " nakikiusap na sabi nito . 

Gusto niyang tumutol. Ayoko ng friends lang , gusto nga kita di ba? Mahal nga kita? 

Reyna ng Pick up Lines meets Mr.SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon