SELOS

63 4 0
                                    

                                 CHAPTER 6
        
May laro sila Gabriel ngayon. Pinaghandaan ni Kim ang araw na iyo. Naka miniskirt siya na maong , sleeveless na red na nagpalutang sa kaputian niya at naglagay siya ng manipis na make up. Itinirintas niya ang buhok niya.

Tinawagan niya ito, ni hindi man lang nag ring ang phone nito.  Naka off kaya ang phone niya. Baka naman lowbatt lang.

Nagbukas siya ng messenger. Offline pa din. Kainis ka na Gabriel ha. Mukhang sinasadya mong hindi mag online.

Pumasok na siya sa school. Excited na siyang matapos ang klase nya ng araw na yun. Gustung gusto na niyang magpunta sa covered court. May laro sila Gabriel ng  alas tres ng hapon. Pumwesto ulit silang magkakaibigan sa dati nilang pwesto.

" O Kim, ayun na yung keyboard mo sa kabilang bench." Turo ni Wynona kay Gabriel na nakayuko.

" Haaay biglang nawala lahat ng pagod ko maghapon ah. Lalo na kung titingin siya dito. "

" Pustahan tayo hindi yan titingin dito." Si Alex na narinig pala ang pinag uusapan nila. Nagulat siya sa pagsulpot nito dahil hindi naman nila ito kasama kanina. Tumabi ito sa kaniya.

" Panira ka talaga ng araw Alex." Inis na sabi niya dito sabay yuko para kumuha ng panyo sa bag. Hindi niya tuloy nakita ng tumingin sa direksyon nila si Gabriel. Dumilim ang mukha nito ng makitang katabi niya si Alex.

Napuwing ang mata niya  kaya pilit niyang inaalis ng panyo ang puwing sa mata . Nagprisinta naman si Alex na alisin ito para sa kaniya. Humarap siya kay Alex.

" Kung saan saan ka kasi tumitingin andito naman ako. Kung ako na lang ba ang sinasagot mo di ka na mahihirapan pa." Sabi nito habang inaalis ang puwing niya. Kinurot niya ito sa may tiyan.

"Aray!" hinuli naman nito ang kamay niya at hindi na yun binitawan. 

Lalo namang nagdilim ang mukha ni Gabriel ng makita silang dalawa sa ganung ayos.

Sabi ko na nga ba kagaya ka din ng ibang magaganda. Mahilig mag flirt.

Nag umpisa na ang laro. Hindi agad sinalang si Gabriel. Mahina ang kalaban nila kaya pinagpahinga muna ng coach ang ace player ng team nila. Ilang beses na nagbakasakali si Kimberly na titingin sa side nila si Gabriel pero ni isang tingin, hindi nito ginawa.

Alam kaya niya na nandito ako. Bakit parang may pakiramdam ako na iniiwasan niya talagang tumingin dito sa side ko.

Nang last quarter na ay pinapasok na si Gabriel sa court. Tuwang tuwa siya.

" Go Gabriel , galingan mo..go...go..gooo!" pagchi cheer pa niya. Alam niyang narinig siya ng lalaki pero ni hindi ito tumingin sa kaniya. Sira ang laro ni Gabriel, mabuti nalang at malaki ang lamang ng team nila. Halos hindi ito maka shoot. Panay sablay ang tira nito.

Ano kayang nangyayari sa kaniya. Maysakit ba siya? Hindi naman siya ganyan maglaro nung una ah.

Natapos ang laro. Panalo pa din naman sila Gabriel, pero ramdam mo na wala sa kundisyong maglaro ang lalaki. Pinauna na niyang pinauwi ang mga kaibigan niya. Hihintayin sana niya si Gabriel para kamustahin.  Kaso nagpilit si Alex na ihatid siya. Wala siyang nagawa. 

Nakasalubong nila si Gabriel sa paglabas ng court. Parang may babalikan ito sa loob. Natigilan si Kimberly  ng makaharap ito, parang natigilan din ito sandali. Nginitian niya ang lalaki, pero hindi siya nito pinansin. Nagmamadali itong pumasok sa loob. Sila naman ni Alex ay dumiretso na sa parking lot sa kotse ng lalaki. 

Inalalayan siya nito sa pagsakay ng kotse. Gentleman naman ang lalaki, madaming babae ang naghahabol sa dito pero siya ang niligawan  nito. Kung matuturuan nga lang ang puso, ito na lang ang mamahalin niya dahil alam niyang mahal na mahal siya nito. Third year palang ay nanliligaw na sa kaniya si Alex at ngayon ay graduating  na sila ay nanliligaw pa din. 

Reyna ng Pick up Lines meets Mr.SupladoWhere stories live. Discover now