IT'S COMPLICATED

69 5 0
                                    

Maagang nagising si Kimberly kinabukasan, natagalan siya sa pagpili ng damit na susuotin. Gustong gusto niyang maging maganda sa paningin ng lalaki pag nagkita sila mamaya. Inayos din niya ang buhok niya. At naglagay ng manipis na make up. 

" Wow! ang ganda ng dalaga ko ah," all smile ang papa niya sa kaniya.

" In love na nga yata talaga ang dalaga naten ,Papa." inilagay ng mama niya ang sinangag sa lamesa. " Mag breakfast ka na anak." 

Hinila niya ang isang upuan tsaka umupo . " Ma,Pa, susunduin daw po ako ni Gabriel ngayon , ihahatid daw po niya ako sa school ." kumuha siya ng kanin at ham . 

" Uhum... Seryoso na ba yan?" nilingon siya ng papa niya.

"Pa naman, ihahatid lang naman po ako sa school ni Gabriel ," sunud sunod ang subo na ginawa niya. Nagmamadali siya baka biglang dumating ang lalaki. 

" Ah, hindi ka pa sinagot ni Gabriel?" kinindatan ng mama niya ang papa niya tsaka sila nagtawanan. 

Nasamid naman siya sa sinabi ng mama niya. Inabot niya ang tubig at uminom. 

"Ma, talaga! Kahit po kailan ang galing ng timing nyo." pinunasan niya ang bibig, tawa naman ng tawa ang mama at papa niya sa kaniya. 

Yan lang ang maipagmamalaki niya sa family niya. Liberated at very supportive ang mama at papa niya sa kaniya kahit na nag iisa siyang anak. Siguro dahil nasa wastong edad na siya. Dalawang buwan na lang kasi at gagraduate na siya. 

Nakapagretouch na si Kimberly ng magtext si Gabriel na malapit na siya. Inabangan nalang niya ito sa labas ng bahay nila para hindi na ito pumasok sa loob ng bahay nila , baka kasi malate pa ito kung ihahatid pa siya sa school . 

Bumaba ito ng kotse nang makita siya sa labas. Ipinagbukas sya ng pinto at inalalayan sa pag upo. 

"Good morning! " he was smiling again .  

" Good morning!" she replied. " You should do that a lot."

"Ang alin?" nagtatakang tanong niya.

"Smiling! You're really cute when you smile." 

"Cute lang?" he asked her fishing for compliment.

"You looked ravishing." sinabayan pa niya ng titig dito. His smile widened. 

OMG! I can't help but stare at you. You're really handsome kasi eh. Kinikilig talaga siya lalo na kasama niya ngayon ang lalaki. 

"Hey! Baka naman matunaw ako niyan?"  

"Ha?" natauhan siya bigla. Narealize niya na nakatitig pa pala siya dito. She blushed. "Ano kasi eh...para kang teleserye," nakaisip na naman siyang bumanat ng pick up line .

"Ano?" nagulat naman ito sa sinabi niya," Anong teleserye?" 

"Ang sarap mo kasing subaybayan."tsaka siya tumawa.

Napatawa na din si Gabriel. Naisahan na naman siya ng babae. Hindi na siya nasanay dito. Masarap kasama ang babae, magaling itong magpatawa.Ang dating nakakainip na biyahe ngayon hindi niya namalayan nasa Ateneo na pala sila.

Bumaba siya para pagbuksan ito ng pinto. Parang reyna naman ang pakiramdam ni Kim habang hinihintay ang lalaki na makaikot sa pwesto niya.

Bakit reyna naman talaga ako,ah! Reyna ng mga pick up lines. Napatawa siya sa sarili niya.

"Text mo ko pag tapos na ang klase mo, I'll pick you up." marahan nitong isinara ang pinto ng kotse. 

"Kahit wag mo na ko sunduin, may klase ka din. Baka conflict sa sched mo." 

Reyna ng Pick up Lines meets Mr.SupladoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora