ANG UNANG PAGKIKITA

267 13 10
                                    

DISCLAIMER :

This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

AUTHOR'S NOTE:

Ito po ang second time ko na mag publish ng story. Sana po ay mag enjoy kayo sa pagbabasa. Ito po ay para sa lahat. Kahit po mga highschool ay pwede itong basahin. Huwag niyo sanang kalimutang i vote kung nagustuhan niyo ang bawat chapter , kung hindi naman po ay pwede kayong mag iwan ng comments or suggestions para po sa improvement ng pagsusulat ko. I'm excited to hear your thoughts about this story as well. Please...please....leave your comments down on comments section. Thank you.

HAPPY READING!!!!

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

CHAPTER 1

Interschool competition. Napakadami ng tao sa gymnasium ng Ateneo University. Isa sa mga nandoon ay ang Engineering -4 para suportahan ang kanilang kaklaseng si Kimberly . Nakahanda na sya , napakaganda niya sa suot niyang uniform ng team nila. Siya ang muse ng Ateneo University basketball team. Tinawag na ng emcee ang mga teams na kalahok. Humanda naman na palabas si Gabriel nang siya na ang susunod na tatawagin.

" Let's call in UP Phoenix, headed by the team captain Gabriel Santiago and muse Maja delos Reyes." palakpakan at sigawan ang mga taga UP . Nagcheer ang kanilang cheering squad.

"And now let's welcome our basketball team to compete in the interschool basketball competion. Our very own, Ateneo Spartans ...." sigawan ang mga Atenista, nag umpisa naman magpakitang gilas ang kanilang cheering squad. " Lumalabas na po ang ating pambato headed by team captain Alex Mendoza and muse Kimberly Cruz ." sigawan ang mga barkada niya.

Ang ganda naman ng ngiti ni Kimberly , very sexy in her uniform, miniskirt na white na above the knee ang tabas at kulay royal blue na jersey na may tatak ng school nila, tinernuhan niya ito ng white sneakers. Nakahawak sila ni Alex sa banner ng school nila. Lumutang ang kaputian niya sa suot na uniform. Pumwesto na sila sa sa tabi ng UP . Simple lang ang pagkakamake up sa kaniya na lalong nagpalutang sa taglay niya niyang ganda. Medyo magaslaw nga lang kumilos si Kimberly, wala kasi siyang taglay na kaartehan sa katawan.

Yung feeling na may nakatingin sa kaniya, lumingon si Kimberly sa side ng UP team at nakita niya na nakatingin sa kaniya ang seryosong mukha ng team captain nito. She smiled and gave him a wink. Bigla naman itong umiwas ng tingin na parang walang nakita.

"Suplado!"bulong ni Kimberly sa sarili, " Sayang gwapo ka pa naman." Lihim niya itong pinag aralan sa pwesto niya. Matangkad ito at maputi. May hawig siya sa artistang si Daniel Padilla . Ni hindi man lang ito ngumingiti, but that doesn't make him less handsome. Nakakadagdag nga sa malakas na aura nito yung suplado look.

Ano kayang drama nito sa buhay? Muli itong napatingin sa kaniya. She flashed her most dashing smile, pero na snob ulit ang beauty niya.

Titingin tingin tapos mang iisnob, ano kaya yun? Nagpapapansin ka lang yata eh. Well ok ang style mo dahil napansin nga kita. At crush na din kita kaya humanda ka. Sinulyapan niya ulit ito at nadismaya ng hindi na ulit ito lumingon sa kaniya.

Natapos ang opening ceremony, nagbihis na si Kimberly . Naka sleeveless na red at white sexy shorts na siya ng lumabas. Litaw ang mapuputi niyang legs. Pang model ang height ni Kim, 5'5". Matagal na siyang pinipilit ng mga kaibigan niya na sumali sa Ms. Ateneo pero siya ang ayaw. Okay na siya sa pamuse muse pag may basketball competition. Hindi kasi siya marunong maglakad ng pang model , medyo boyish kasi siyang gumalaw.

Reyna ng Pick up Lines meets Mr.SupladoWhere stories live. Discover now