SORRY NA

52 3 0
                                    

CHAPTER 12

Maagang nagising si Kimberly kahit puyat, first thing she grabbed was her phone. She checked if Gabriel called her or sent her a message while she was sleeping.

MISSED CALLS 0

MESSAGES 0

Nanlambot siya pagkakita sa phone. Nag prepare na siya sa pagpasok sa school habang nagbabakasakali na tatawag si Gabriel o magmemessage sa kaniya.

Habang kumakain ng breakfast ay panay ang check niya sa phone niya. Napansin pala yun ng mama niya.

" Nag away ba kayo ni Gabriel?" tanong nito habang umiinom ng kape .

Nangingilid naman ang luha niya na tumango. Hindi niya kayang maglihim sa mama niya.

"Anong pinag awayan ninyo?" lumapit ito sa kaniya.

"Ma, gusto po niya kasi akong ipakilala sa parents niya after the final game ."

"Wala naman masama dun anak, bakit kayo nag away?"

"Ayaw ko po kasi, Ma. "

"Bakit naman anak? Dapat nga masaya ka kasi ibig sabihin malinis ang intensiyon sa 'yo ni Gabriel." hinawakan nito ang kamay niya.

" Feeling ko po kasi Ma, masyado pang maaga para ipakilala niya ako sa parents niya. Natatakot po kasi ako." napaiyak na siya.

Niyakap siya ng mama niya, hinaplos sa likod. "I understand na natatakot ka lalo na at first time mo mag boyfriend anak ,but you should be prepared sa mga ganitong situation. Sooner or later ipapakilala ka din niya sa parents niya. The sooner, the better para maaga mong makilala kung ano bang klase ng pamilya meron si Gabriel."

Kumalas siya sa pagkakayakap ng mama niya. "Okay lang po ba talaga Ma?"

"Oo naman, mas lalo nga akong bumilib kay Gabriel anak, kasi ang ibig sabihin niyan totoo ang nararamdaman niya sa'yo at wala siyang balak na lokohin ka lang. "

Napag isip isip ni Kim na may dahilan nga para magalit sa kaniya ang lalaki. Siya na ang makikipagbati dito. Kinuha niya ang cp niya at bag, then kissed her mother goodbye.

Sa labas ng bahay , habang naghihintay siya ng masasakyan naisipan niya itong tawagan. Idadial pa lang niya ang number nito ng biglang huminto sa harapan niya ang kotse ng lalaki. Seryoso ang mukha nito nang bumaba ng sasakyan, ganun pa man ipinagbukas pa din siya nito ng pinto.

"Galit ka pa ba sa 'kin?"tanong niya dito nang makaupo na ito sa driver's seat. Tiningnan lang siya nito, hindi nagsalita kahit ano.

"Boss, sorry na," hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa kambyo ng sasakyan." Payag na ako na ipakilala mo sa parents mo."

His face lit up, then he faced her smiling," Talaga?" Madali lang naman palang mawala ang tampo nito.

Alam niya nawala na ang galit nito sa pagpayag niyang yun. She nodded and smiled," pinag isipan kong mabuti kagabi tsaka kinausap ko din sa mama kanina."

" Buti naman , I'm so happy MOSH." kung hindi lang siguro ito nagda drive eh baka niyakap na siya nito sa sobrang tuwa. " Sorry din ha, nagalit agad ako sa 'yo kahapon."

" Okay lang iyon, ako naman talaga ang mali, natakot kasi ako dahil nga first time kong maipakilala sa parents ng boyfriend ko."

" I was inconsiderate din naman kasi, di ko naisip na first boyfriend mo ako."

"Thanks boss ha," she leaned and gave him a peck on the cheek.

"Hey, what's that for?" he was surprised by the kiss.

Reyna ng Pick up Lines meets Mr.SupladoWhere stories live. Discover now