Chapter 34: "Double Trouble"

25.7K 439 96
                                    

[ Destiny POV ]


Dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakarating ng ligtas sa University kung ako ang magmamaneho papasok ay naisipan kong magpahatid sa family driver namin. Kinausap ko si mommy na sabihan ito habang nag-aalmusal ako.


"Are you sure you don't want to drive?" My mommy asked for the nth time. I rolled my eyes. Ilang beses ko bang sasabihing 'OO'.


"Yes, I'm sure. Bye." I kissed her on the cheek and went out of the house. Nang makita ako ni manong Guimo ay kaagad nya akong pinagbukas ng pinto ng kotse.


"Good morning, maam Destiny." Bati nya sa akin. Tinanguan ko sya at binigyan ng ngiti bago binati din. Isinuot ko muna ang shades ko bago tuluyang pumasok ng kotse. I need to hide the hideous dark circles under my eyes due to sleep deprivation.


"Maam Destiny, nandito na po tayo sa eskwelahan nyo." Mahinang sabi ni manong Guimo na sinabayan pa ng kalabit sa akin. Nagdilat ako ng mga mata. Nakatulog pala ako sa buong biyahe. Umayos ako ng upo at kinuha ang bag pati ang ilang libro ko bago lumabas ng kotse. Nang makababa ay sinaluduhan ko si manong Guimo bago naglakad.


Nang makarating ako ng classroom namin ay nandoon na ang mga classmates ko maging ang professor namin. I looked at my wrist watch. Sakto lang ako sa oras at masyado lang silang maaga lahat. Excited yata sa exam. Naglakad ako papunta sa bakanteng upuan at tumabi sa hindi ko kakilala maliban lang sa mukha. Hindi ko kasi classmate si Owen sa subject na ito kaya wala ang bakla.


"I guess everyone in the class is in. Let's start." Our professor said and started handling a test paper sa mga nasa unahan ng bawat row.


Nang makakuha ng test paper ay kaagad akong nagsagot nito para matapos na ang exam. Hindi man nakapag-review ay hindi ako nahirapan magsagot dahil meron akong stock knowledge. After half an hour ay natapos ko na din ang test paper ko kaya naman nilapitan ko kaagad ang professor namin at inabot sa kanya ito.


"Okay Ms. Noblejas, you may go." She dismissed me. Walang energy na naglakad ako palabas ng classroom at pumunta sa kasunod na classroom kung saan ay mag-eexam din ako mamayang kaunti. At nagpatuloy ang examination day ko sa eskwela.


It was already five in the afternoon ng matapos ang lahat ng exam ko. I was about to call manong Guimo to fetch me but I saw Liam at the end of the hallway waving at me. Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ko at lumakad palapit sa kanya.


"Wow, you look tired. Are you drained from all the tests or did you have a bad night's sleep last night or something?" Liam asked curiously as he wrapped his arms around my waist and escorted me to his car.


"Yeah, something like that." I answered sheepishly, trying to hide my embarrassment and forget about last night's dream.


"What a pity." He patronized me.


"May permiso ba ang pagsundo mo sa akin ngayon?" Tanong ko sa kanya. Matapos ang gabi na napagkasundaun na ipakasal muli kami ay sinunod namin ang bilin ng mga magulang namin tungkol sa paglabas na magkasama para hindi kami tuluyang higpitan.


"Oo naman, nagpaalam ako ng maayos sa mga magulang natin."


"Good." Sabi ko at nginitian sya. Hambog man ang fiancé ko ay masunurin naman sya.


"Destiny! Liam! Wait up!" A high pitched voice screeched from across the parking lot. Squinting my tired eyes, I could just make out the form of Liberty flinging herself in our direction at full speed.


Marrying My Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon