Chapter 37: "Bachelorette Party"

26K 437 87
                                    

Dedicated to @benjregencia


thank you for liking this crazy love story that i made ❤️


* * * * * * * *

AUTHOR's NOTE:


Next UD is the much awaited dela Vega and Noblejas Nuptial.


PS: Please buckle up for EXTREME happiness while reading this chapter (baka atakihin kayo ng sakit ng tyan)! Anyway, I know that my two mare @cyrhel01 and @WalkOver will surely drool over the gorgeous male dancers here. Mga mare ko para sa inyong dalawa talaga ang mga lalaki na yun kaya imaginin nyo na ng husto hahaha.

* * * * * * * *


[ Destiny POV ]


"Wake up sleepy head..." Said a voice.


"Hmmm..." I uttered sleepily. Wala akong balak gumising sa masarap na pagkakatulog ko.


"Gising na sabi eh..." Sabi ng kung sino mang gumigising sa akin. Sinamahan nya na din ng may kalakasang tapik sa balikat ko ang paggising nya.


"Ayoko pa..." Sabi ko.


"Destiny, gumising ka na!" Sigaw ng istorbo. Sabay hampas sa aking katawan ng unan. Hindi ako sumagot at nanatili lang sa pagkakahiga at pikit. "Ah, talagang sinusubukan mo ako ha. Pwes ito ang sa iyo." Sabi nya sabay hatak sa akin paalis ng kama ko.


"Aray!" Nasaktang reklamo ko matapos bumagsak ang katawan sa carpeted na sahig. Uupo sana ako para makabuwelo ng tayo ng maramdaman ang malagkit na bagay na nasa may katawan ko. Dumilat ako at ganun na lang ang itinili ko ng makitang puno ako ng tomato sauce.


"Finally, you're awake. Good morning, little sister." Said my ate Desiree in between chuckle.


"Why you!" I hissed. Walang duda na sya ang may kagagawan nito. Tomato sauce? Alam na alam nya na ayoko ng tomato sauce.


"What?" She asked innocently. I, however, knew better from experience.


"You are so dead, ate!" I screeched as I cautiously stood up sa naglalawang carpet mula sa tomato sauce. Shit! I hate the smell of tomato sauce just like how I hate my ate Desiree.


"Eh, kanina pa kita ginigising kaso ayaw mo naman magising kaya ayan, pasensyahan na lang." She said smirking. Sinimangutan ko sya.


"Very unique ate Desiree ang style mo. Ang iba nambubuhos ng tubig para magising ang gustong gisingin pero ikaw hinatak ako pabagsak sa carpet na puno ng tomato sauce?"


"Well, sorry little sister but I won't waste my Evian water on waking you up. Tsaka mas cute ka kayang tignan kung mabalutan ng tomato sauce ang buong katawan mo." Kibit balikat pa na sabi nya.


"Oh yeah? Let's just wait and see when mommy know what you did with her Persian carpet. You will be cute too, I guess." I said, pulling my soaked top away from my body.


Nakita kong natigilan sya pero saglit lang dahil muling bumalik ang pilyang ngiti sa mga labi nya.


"Papalitan ko na lang ng bago para wala ng masabi si mommy. She'll get over about it."


I huffed in exasperation, there was no point arguing with her. Inis na dahan-dahan akong tumayo at lumakad papunta ng banyo ko para makapaligo. Pipihitin ko na ang seradura ng tawagin ako ng ate ko.


Marrying My Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon