Chapter 5: "First Encounter"

35.2K 569 61
                                    

Dedicated to @neriyatim

i always see your name in my notification voting every chapter, thanks ❤️

[ Destiny POV ]



"Dyos na mahabagin! Anong hitsura yan, Destiny?" Nag-sign of the cross pa si yaya Lucing ng makita ako. Nginitian ko lang sya at nag-that's my boy sign pa.



"Ayos ba, yaya?"



"Naku! Bumalik ka nga ng kuwarto mo at mag-ayos. Ako ang kinakabahan sa maaring mangyari sa kalokohan mong bata ka."



"Nasa garden po ang lahat, di ba?" Tanong ko sa kanya.



"Oo, nandun na ang mga bisita ng magulang mo pati na din sila."



"Okay, punta na ako dun. Bye, yaya." Paalam ko sa kanya at hindi pinansin ang pagtawag nya sa akin. Hindi ako babalik ng kuwarto para mag-ayos!



Lahat ng mga mata ay tumutok sa akin habang lumalakad ako papunta sa garden namin. Biglang natahimik ang lahat at ang tanging madidinig ay ang crap elevator jazz favorite music of my mommy. Speaking of my mommy, where is my rabid crazy mommy? Inilibot ko ang paningin sa malawak na hardin namin at namataan syang katabi ng tila bigating mag-asawa. Who, I am assuming, are the parents of one of my prospective hubbies. From the looks of it, they seem to be talking when 'my' presence interrupted them, they are now gaping at me or at least the couple was dahil ang mommy ko ay halos umusok ang ilong at tenga sa sobrang pamumula sa galit. She looked like a raging bull that was about to attack me at any second. Hmmm, I wonder why? Score one for me, maybe. I smiled internally. This gathering might be entertaining after all.



Naisip ko na tutal mukha akong disgusting pig sa 'natural look' ko ay bakit hindi ko pa ito pangatawanan. I will act like one too, you know, just for the full effect. Nakamasid lang ang lahat sa akin habang ako ay patay malisyang nagpunta sa magarbong buffet na naka-ayos sa bandang gitna ng hardin. I stuck my hand into the tin containing potato wedges, dumakot ako ng madami at isinalpak sa bibig ko kahit na magmulwalan ako. I chewed them with so much gusto for about two minutes with my mouth slightly opened before swallowing. Matapos kung malunok lahat ng isinubo ko ay pinilit kong makapagpakawala ng sobrang lakas na dighay. I felt victorious because I was able to pull the act of being incredibly disgusting.



Tarantang naglakad ng mabilis papunta sa direksyon ko ang mommy ko. Alright Destiny, brace yourself, the queen bee is going to sting!



"Destiny! What the hell is the meaning of this? What are you trying to prove?!" Whisper-screeched by my mommy in my face. Like literally in my face dahil amoy na amoy ko ang wintergreen na mouthwash na gamit nya.



"What? I had gas so I burped. Why mommy, would you rather that I fart?" I smiled innocently and look at the guests, who were still staring at me. They all looked disgusted and rebuffed maliban lang sa mag-asawang katabi ni mommy kanina, dahil mukha lang silang napantastikuhan sa pinamalas kung kabalahuraan. Ibinalik ko ang tingin sa mommy ko na mukhang mas lalong nagalit sa isinagot ko dahil kung kanina mukhang uusok lang ang ilong at tenga nya ngayon naman nagbabaga na pati mga mata nya.



"Hindi ka nakakatuwa, Destiny!" Mariing sabi nya sa nagngangalit na mga ngipin. I can see that she is trying her hardest not to strangle me. Of course she has to control herself not to go balistics on me dahil masisira ang poise nya. Sa nakikitang hitsura nya ay gusto ko ng mag-thumbling sa sobrang saya. Sabi na at akin ang huling halakhak.



Inignora ko sya at lumapit sa mga caviars pero bago pa ako makakuha ng isa nito ay biglang may humawak ng madiin sa braso ko at kinaladkad ako papasok ng bahay. Napangiwi ako dahil bumaon sa balat ko ang suot nyang pekeng kuko. Nang tuluyan na kaming makapasok mag-ina sa loob ng bahay ay pabalang na binitawan nya ang braso ko at sa nagliliyab na mga mata ay hinarap ako.



Marrying My Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon