Meeting Glenda

281 19 17
                                    

July 16, 2014 (Wednesday)

Kahapon... 

BOSS: 'Yung mga kayang pumasok bukas, pumasok ha. *tingin sa'kin* Ikaw, hennyboy, since walking distance ka lang..

Me: Yes ser! ^_^

KANINA...

Nagising akong masakit ang tyan. Naunahan ko pa ang alarm clock ko. Kaya naman nagmadali akong pumunta sa banyo para maglabas ng sama ng loob tumagal ako ng treinta minutos.

Ako naman si Miss Persistent Pumasok, ''di ko pinakinggan ang pahapyaw ni Lord... kebs pa rin at tuloy sa pag-aayos ng gamit.

6:30AM... nang mawalan ng kuryente sa unit namin. At dahil inner well kami, 'di nakikita kung ano ang lagay sa labas. Edi ako naman... nagsaksak pa ng earphones at tumuloy na bumaba. Operating pa naman ang elevator, so I thought, okay pa.

Paglabas ko ng building... WALANG TAO sa kalsada. Kung meron man, sira-sira na yung payong at nagmamadaling maglakad. Kaya sumabay ako sa kanila. Wala naman kasing ulan, hangin lang.

MAN... was I so wrong to underestimate the winds...

...and to again... not listen to God's whispers... telling me to go home. Makulit talaga ako.

Nung nasa tapat na kami ng Korean store, umihip ang pagkalakas-lakas na hangin. Bumigay ang payong ko at pakiramdam ko, tatangayin ako ng hangin, muntik pa akong nadapa. All of us who were walking on the road immediately sought for shelter, hoping for the wind to die down. But it didn't. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa kabilang side ng building where the wind couldn't lash at us.

At ako na wala nang payong at ayaw pa ring bumalik sa bahay kasi sabi ko sa boss, papasok ako... I took another route to the office. I saw uprooted palm trees, tree branches were being dragged along the road by the unforgiving winds.

Konti na lang... konti na lang mararating ko na yung office. Nang salubungin na naman kami ng napakalakas na ihip ng hangin. Nagkalat din ang mga nabuwal na sanga ng mga puno sa paligid. Dalawang lalaki ang kasabay ko. Yung guard, pumasok pa sa loob ng kubeta. Pinatila namin 'yung ambon at hangin...bago ko ulit buong-tapang na sumuong.

Sa wakas, nakapasok na rin ako sa office building.

Kaso... AYAW NILANG BUKSAN ANG ELEVATOR kasi raw baka ma-stuck kami. Kaya pinagamit sa amin ang emergency staircase. All the while, I didn't notice I had my earphones on... and the song that was playing was... 'Blessed be the name of The Lord.' 

Indeed, blessed is the Lord for keeping me safe. For helping me get to the office safe and sound.

Tiniis kong akyatin ang hagdan papunta sa ikalabin-dalawang palapag kung nasaan ang opisina namin. Pagpihit ko ng pinto... naka-lock ampotpot! Nagpagamit sila ng hagdan tapos nakakandado yung pintuan para makapasok sa floor?! Anong kagaguhan?!

Nung may lalaking pababa, tinanong ko kung nakasarado rin ba ang mga pintuan sa ibang floors. 


KUYA: Bukas 'yung sa sixteenth floor. Akyat ka na rin doon, tapos gamitin mo yung isa pang emergency staircase para makapasok ka sa floor niyo.

Napamura talaga ako na ikinatawa lang niya. Pero nagpasalamat pa rin ako sa kanya kasi kung hindi siya bumaba, malamang na-stuck na ako sa stairwell. 

Sinunod ko ang payo ni Kuya. At pagdating ko sa sixteenth floor...ASDKFJAIERUFHASKDJWA... IT WAS FREAKIN' LOCKED TOO!!! THE DOOR WOULDN'T BUDGE!!! 

Anakngtinapangtupa talaga! Namamanhid na ang mga binti kong inakyat hanggang eighteenth floor... at ayon.. bukas ang putapeteng pintuan. Naiiyak na akong pumasok sa main floor... bago tinungo ang isa pang staircase para makababa naman ako sa twelfth floor.

At nang makarating ako sa office space namin... mukha akong basang sisiw. Nabasa ako sa pawis hindi sa ulan. At ambigat na ng mga hita ko. Pero ayos lang, at least,  nakapag-workout naman ako.

ME: Guys! Sobrang lakas ng hangin sa labas! Wala pang gaanong ulan pero nakakatakot yung hangin!

BOSS: O! Hennyboy! Tinatawagan kita, cannot be reached ang phone mo. Text ako nang text sa'yo ah. 'Di mo ba natanggap?

ME: Wala pa po akong natang--

Pagkasabi ko nun, sunud-sunod na pumasok ang mga text... AT...

SENIOR SPECIALIST: We have no operations for the AM shift today. Stay Safe.

So in short... ako lang sa day shift ang pumasok. At mukhang sasamahan ko pa ang mga naiwan from the night shift na magsi-stay dito sa office. 

Still...I'm thankful that I made it to the office safely. And I hope that everyone are also safe in their homes. 

Guys, 'wag niyo na akong tularan. Mas importante ang buhay kesa sa trabaho o sa kahit anong lakad.

Keep safe and stay dry. Don't forget to pray. Our God will never abandon us.

"...when the oceans rise and thunders roar...

...I will soar with you above the storm...

...Father, You are King over the flood...

...and I will be still, know You are God..."

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon