Okatokat

467 23 12
                                    

January 13, 2014

 

Lahat tayo, may kinatatakutan. Multo man ‘yan, gagamba, mababang grade, unemployment, tumandang dalaga/binata, maagang pagkamatay, grammar Nazi, walang magbabasa ng sinusulat, pangit ang maisusulat… and the list goes on…

Kahit ano pa ‘yan, naniniwala akong kahit gaano kaliit o kalaki, kahit sino… at kahit hindi pa aminin, meron at merong fear of something ang bawat isa sa atin.

Bakit nga ba ito ang napili kong talakayin bilang unang post sa diary ko ngayong taong 2014? Hindi kasi magandang simulan ang taon na marami tayong inaalalang hindi naman dapat alalahanin. Madalas sinasabi pa nga nating: “I’m ready for change! I shall conquer <insert new year>! Bring it on!”

 

Pero kapag kailangan nang harapin ang isang bagay na kayang makaparalisa sa’tin, tiklop agad. We are conquered by our fears instead of the other way around.

 

Naniniwala akong hangga’t hindi natin nahaharap ang sitwasyong kinatatakutan natin, every year siyang mauulit. Kasi hindi tayo natututo. Kaya kada taon, sinasabi ni Papa God na: “Talaga? Sabi mo handa ka na sa pagbabago. Kaya kaya ni Hunny na humawak ng gagamba?”

Ayan, perfect example ‘yan. Sa totoo lang, hanggang ngayon ‘di ko pa rin kayang manatili nang matagal sa banyo o kahit saan pang maliit na lugar kapag alam kong may gagambang bahay. Kaya kada taon, may experience akong ganyan. Pero at least di na ako napapaiyak at the mere sight of the eight-legged creature, hahaha. 

So, ano? Habambuhay na lang ba akong matatakot sa putapeteng gagamba? Paano na lang kung ‘yung lalaking pakakasalan ko ay nag-aalaga ng Tarantula? Buti na lang ayaw din ni boyps sa gagamba, pero what if nga diba? Pakakawalan ko ang pagkakataong makasama ang taong mahal ko dahil lang sa takot ko? Diba, katangahan na ‘yun?

Fear is what hinders us to achieve greatness.

 

‘Wag nating isali ‘yung takot sa anumang peste at hayup meron sa mundo. Pag-usapan natin ‘yung mga gusto nating gawin sa buhay pero hindi natin magawa kasi nga pinangungunahan tayo ng negative emotions.

 

At dahil nasa Wattpad naman tayo, pag-usapan natin ang takot sa pag-post ng sariling kwento dahil baka pangit at walang magbasa. Marami akong nakakausap na ganito ang sinasabi ‘pag tinatanong ko kung bakit hindi nila subukang magsulat.

Ang sagot ko lang… kung paghahandaang mabuti ang plot, ang characters, ang language na gagamitin… at hindi ‘yung pa-puchu-puchu lang… I swear, hindi ‘yan lalabas na pangit. And in time, magkakaroon din ng readers.

If you have prepared enough or even over-prepared yourself before facing an ordeal… there’s no reason to fear anything at all. Because fear is irrational and is based on negative thoughts.

 

Kung nag-review ka ilang linggo bago ang exam at hindi ka nag-cram, tingin mo ba babagsak ka? ‘Yung ngang iba na kinagabihan lang nagbasa pumapasa, ikaw pa kaya?

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon