An Unexpected Adventure

415 24 42
                                    

July 3, 2014

 

Sabi nila, ang lakad daw na hindi planado ang madalas natutuloy.

At naranasan ko ito kahapon.

Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan ‘to.  Pero… ang pagkakaalala ko, sinimulan ito ng LIB Official Page nung Tuesday dahil ni-post na nila ‘yung book cover ng Miss Astig Season 1, Book 1 of 3. Grabe talaga, ‘yung ang tahi-tahimik sa office tapos bigla akong napasinghap nang malakas? Akala pa nga ng mga officemates ko kung inatake ako sa puso eh.

Which was close enough, hahaha.

Tinanong ko agad si Kuya Tec ng LIB Office kung may na-deliver na sa bookstores, sabi niya bukas pa raw. Edi kumalma naman ako. Tutal naman, napagkasunduan namin ni Diwata na sumugod sa warehouse para dun na mismo kumuha ng copies sa Sabado eh. Aabangan ko nalang kung sino ang unang reader na magkakaroon ng kopya.

BUT NOOOO!

 

Si Bel po…aka B1 ng Birdie Club ay biglang nag-announce na available na sa PHR at naka-kahon pang dumating yung mga libro!

Edi ako, chill-chill lang na kumakain ng Chicken Joy sa office dahil may libre. Siyempre, sinong tatanggi sa libre diba? Iniisip ko, makakakuha naman ako ng kopya sa Sabado. Di naman ako nagmamadali.

Nagkataon ding on-line si Diwata. Nitong mga nakaraang araw kasi, hindi na kami nakakapag-usap dahil sobrang baliktad ng schedule namin. Pagdating ko sa bahay, tulog siya. Pagkauwi niya naman, ako ang tulog. Kaya ayon, dahil napag-alaman kong 11PM pa pala ang pasok niya, napagpasyahan naming mag-dinner ng sabay. Edi siyempre, gora ako. 5PM kasi ang off ko sa trabaho tapos may body combat session akong pupuntahan ng 6:30PM dahil nga gusto kong mawala ang mga flabs ko.

As usual, sa Mr. Park’s kami nagkita ni Diwata saka niya sinabi sa’king gusto raw niyang pumunta sa SM North para bumili ng sarili niyang libro. Sarado na kasi ang warehouse ng LIB kaya talagang sa mall ang isa pang option para makabili ng Miss Astig.‘Wag na lang daw akong mag-workout para samahan siya.

Ano pa ng aba? Edi umuwi kami para makaligo’t makapagbihis siya, at maibaba ko na rin ang mga gamit ko. Take note, naka-work-out attire pa ako non, pero kebs… ‘di na ako nagbihis, hahaha. Pero ewan ko kung anong nangyari. Pagkauwi namin sa bahay, parang kinakabag akong ewan.

Sabi ko kay Diwata… “Natatae ako.”

“SANDALI! Maliligo lang ako, mamaya ka na!” agad niyang pakli bago nagmadaling pumunta sa banyo.

Ganun kasi kami sa bahay, kung maglalaglag ng bomba, kailangang i-announce, para kung may magna-number 1 o maliligo, mauuna na sila. Para naman di nila malanghap ang stink bomb diba? Hahahaha.

Habang hinihintay si Diwata, ako naman humilata at nag-edit ng English story na sinusulat ko. First person narrative kasi ‘yon tapos pinalitan ko ng third person para mas… kumplikado.  Of course you’ll notice that I’m rambling… to hide the fact that my tummy is already aching and I’m being gassy.

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon