Twenty Things

304 19 15
                                    

September 8, 2014

Nasa FB ito...pero ililipat ko na lang din dito ahaha.

TWENTY THINGS ABOUT ME. Bow.

1. I play favorites. Kund di niyo gets, pakibasa yung chapter bago ito. Hahaha. Basta wagas akong magfangirl, lalo na 'pag abot-kamay ang taong yon.

2. Ilang beses na akong pinagselosan ng boyfriends/girlfriends ng mga friends ko dahil sa pangalan ko. Akala nila, kalaguyo ako, hahahaha.

3. 11 years ako sa Catholic School and I was raised in a very religious family. I also collect rosary bracelets. Nung elementary, kasama ako sa Legion of Mary. Nung high school, naggigitara ako sa simbahan sa may amin. Naging saktistan din ako sa cathedral ng Tarlac City. Opo, pwedeng magsakristan ang mga babae sa amin. Ang tawag sa amin, Ladies of the Altar. College ako medyo nahinto sa pagiging active sa church. Pero nung nakapag-attend ako ng The Feast ni Bo Sanchez, na-amaze ako. Dun ko na-experience yung gusto kong maranasan sa mga simbahang Katoliko. Sa PICC pa yon kaya dinafpdayo ko talaga. Pero nung nalaman kong meron pala sa Robinsons Galleria, siyempre dun na ako. At tiyempong kailangan nila ng mga song leaders. Ayon, nag-audition ako. Tapos natanggap. Kaya ayon... Kumakanta na ako sa harap, hahaha. Kung gusto niyo akong marinig at makitang magconcert, madalas akong nasa Cinema 3, Robinsons Galleria every other Sunday from 1:30PM to 4PM. O ayan ah, alam niyo na kung saan ako makikita, sabihan niyo ako kung pupunta kayo para alam ko kung naka-line up ako, lelelels.

4. Can't cook to save my life. Napaso pa ako habang nagsasaing. USING A RICE COOKER. Go figure. Prito at gisa lang pala ang kaya ko, hahaha. Mas magaling pang magluto si Lelong kesa sa'kin. Pagawin mo na ako ng gawaing-bahay. 'Wag lang akong paglutuin. Please lang, ahaha.

5. Madaldal ako pero may mga silent moments lalo na 'pag di ko feel ang kasama ko.. pero madalang lang 'yun. O kaya kapag may iniisip akong seryoso.. pero madalang lang din 'yun. O kaya pag feeling ko lang magreflect at mag-emo. Nauubusan din ako ng gas paminsan-minsan eh.

6. Musically-inclined and I listen to music everyday. I sing, I play the guitar. I wanted to learn how to play the piano more...pero dalawang classical piece lang ang alam kong tugtugin. Tapos, puro walang kwentang pangangapa hahaha. It goes without saying na mahilig din akong magvideoke. Official alto ako ng music ministry pero pinagso-soprano rin kapag puro alto ang naka-line-up. At madalas akong napapakanta ng harmony. Parang automatic na second voice ang nakakanta ko kahit di ko sinasadya. Kaya rin ako nasa music ministry because I believe that singing is another way of praying and worshiping the Lord. I get attracted to people who are musically-inclined too.

7. Been writing since I was in 3rd grade. Walang palyang member ako ng Journalists Club. I used to write in script style too. And usually.. mga bandfic yon-- BSB, Aaron Carter, The Moffatts, etc.. Napaghahalata ang age ko, hahaha. Second year HS ako natutong magsulat ng novel type. Third year HS ako nung maging Asst. Literary Editor in Filipino. College ako nagsimulang magsulat ng seryosong novel in English. About vampires 'yon. 'Gang ngayon di pa tapos, hahaha.

8. I LOVE chocolates.. especially DARK CHOCOLATES. Candy, ice-cream, inumin...basta chocolate. Tapos libre pa...hahaha. Favorite brands of chocolate: Twixx, Crunch, Ghirardelli, KitKat, flatops, curlytops. Gusto ko rin yung hot choco ng McDo hehe. Kahit may migraine ako at hindi ako pwedeng madalas kumain/uminom ng chocolate, lakompake, hahaha.

9. I like teddy bears..and I'm a sucker for cute things. Siguro dahil hindi ako nakatanggap noon ng mga bears. Inggit na inggit ako sa Ate ko. Heartthrob kasi siya sa school namin, tas lagi siyang may teddy beat galing sa mga admirers niya. Minsan lang yata ako nakatanggap ng stuffed toy nung high school. Pikachu pa yun. Kaso binigay ni Mama sa inaanak ko. Huhu. Meron pala akong malaking stuffed toy ni Blue! Yung sa Blue's clues! Mahal na mahal ko yun kasi yung nag ugay nun nung debut ko, sumakabilang-buhay na, huhu. Nakabalot ng plastic si Blue para di madumihan, ahahaha.

10. I like Mexican food lalo na yung mga pagkain sa B&T or Mexicalli... o kaya Japanese food... restos include Omakase, Saisaki, Vikings, ahahah. Biglang naging buffet eh. Basta may sushi, sashimi, ebi tempura. Basta mahilig akong kumain kaya chubbilita ako.

11. I like to drink milk tea, Jamba Juice, coffee. Araw-araw yung kape (sa umaga) at yung Jamba Juice (after workout). Tuwing weekends lang o kaya kapag stressed ang milk tea kasi comfort drink ko siya. Apart from those, gusto ko rin yung Vitamin Boost na grapes at orange flavors. O kaya yung Thai Milk Tea sa 711.

12. Arachnophobic. Nangyari talaga sa'kin yung nangyari kay Charlie. Same species ang nagdulot ng trauma sa'kin hahaha. Minsan na rin akong umiyak dahil nakakita ng gagamba, hehehe.

13. Mahilig matulog. Mas madalas, pipiliin ko ang tulog kesa pagkain. Kahit saan din, nakakatulog ako. Nung bata ako, I can curl myself to fit in a single-seater sofa. At 'pag nilalamig ako, naka-fetal position din ako kahit nakakumot na.

14. I'm also attracted to artistic people. Kaya sobrang saya ko nung nakilala ko ang FHATE. I-Like niyo ang page nila.. HAHAHAHA. Si boyps ay nagdo-drawing din tas kumakanta pa. Hihi. Ako, nakakapag-drawing lang kapag may kopya. Pero noong lementary ako, nananalo at nilalaban pa ako da mga poster-making contests. Ngayon, wala na, ahaha.

15. OC-OC with things I'm passionate about. Lalo na sa mga collaborations, sa mga stories, mga ideas... kailangan may kanya-kanyang folder, kailangan may excel file, etc. Well, kung minsan pati pala sa ibang bagay. Madalas naming pinag-aawayan ni Lelong ito dahil nagiging nagger ko sa ka-oc-oc-an ko, lels. Minsan nga, habang naggo-grocery kami, nakita kong bukas yung freezer. Bago namin malagpasan, nangati ang kamay ko kaya sinara ko, hahahaha.

16. Madaling kausap lalo na kapag maayos ang kausap at may sense ang pinag-uusapan. Siguro kasi I don't like arguments, lalo na kung ayaw magpatalo ng kausap ko. Kahit alam kong ako ang tama, hahayaan kita hanggang sa may ibang pumuna sa'yo't mapahiya ka lalo.

17. I used to be a freelance photographer. Already did 2 wedding shoots... and countless photoshoots na libre, featuring my youngest sister who likes to emote a lot... and a couple of friends. Pagtapos nun...napagod na ko. Bigat ng DSLR eh.. at least ngayon, may camera na ang phone. But I kinda miss it somehow. Ang mahal kasi ng unit eh. Tas andami pang accessories, huhuhu.

18. I smile a lot... it's the reason behind me looking a lot younger than my actual age. CHARRR.. And several people already told me that my smile is very contagious...charr ulit. Pero seryoso, madalas akong nakangiti. Kahit nakakasalubong ko sa daan, nginingitian ko, ahaha. Yun lang, dahil nga lagi akong mukhang masaya, mahahakata kapag badtrip ako.

19. I laugh a lot too... iba-ibang tunog, iba-ibang timbre, iba-ibang intensity. Mas matatawa ka pa yata sa tawa ko kesa sa nakakatawang kwento na tinatawanan ko. Hindi ko rin alam kung bakit at paano nangyari yon. Ginagaya kasi ni Lelong yung mga kakaibang tawa ko.

20. I like observing and talking to people. It's how I get inspiration for my stories and characters. In short, chismosa ako, hahaha. Pero I choose what to listen to :)

----

Ayon lang naman. Kung may gusto pa kayong malaman tungkol sa'kin, kausapin niyo lang ako. Sabi ko nga, madali lang akong kausap, hehehe.

Nagmamahal,

LELS

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon