Ang Aking Ina

1K 19 13
                                    

June 13, 2013 Thursday

 

Sa wakas, nakatakas din ako mula sa mga maiingay kong tauhan. I finally have my mind all to myself at least for today. Siguro binigay muna sa’kin ng mga madadaldal kong characters ang araw na ito because it’s special.

 

Kaya hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa… nais ko batiin ang aking pinakamamahal na Ina ng isang Maligayang Kaarawan. Animnapu’t-isa na siya ngayon, in English, sixty-one years old na. Pero tulad ko siyang baby face dahil lagi pa rin siyang nakangiti despite her age. Alam na kung kanino ako nagmana, hehe.

Alam niyo bang ang Mama ko ang panganay sa eleven na magkakapatid? Ang sipag ng mga lolo’t lola ko ‘no? Hahaha. Pero ‘wag ka, dahil nga panganay, siya yata ang may pinakamaraming sakripisyong nagawa para sa pamilya nila lalo noong mga bata pa sila. Hindi naman kasi lumaki sa karangyaan ang nanay ko. Kung tutuusin, naranasan pa nilang minsan sa isang araw lang kumain, o kaya magdildil ng asin. Kinukuwento pa nga niya na isasabit daw ni Papang (lolo) ‘yung isang kapirasong isda, tapos aamuyin nila bago sabay-sabay na magsubo ng kanin. Ganun sila kahirap.

Hindi rin siya nakapagtapos ng kolehiyo nun kasi kailangan niyang magtrabaho para may makain ‘yung pamilya nila. Kumayod talaga siya para makaipon at mapapunta sa US ‘yung isa sa mga kapatid niya na isa-isa silang kinuha dito. Si Mama nga lang ang natira dito sa Pilipinas nang ilang taon eh. Kaya kahit malungkot, masaya ako para sa kanya ngayong andun na siya sa Cali kasama nung mga kapatid niya. Siyempre, mahigit dalawampung taon silang nagkahiwa-hiwalay; bihira din naman kasing umuwi dito ‘yung mga kapatid niya dahil mahal nga ang pamasahe. Kahit nami-miss ko siya ng bonggels, iniisip ko na lang na, this is her time to catch up with her siblings.

Nung nagkakilala naman sila ng Tatay ko nung college palang, after six months, nagpakasal na agad sila. Ambilis noh? Tapos huminto na nang tuluyan sa pag-aaral si Mama at siya ‘yung nagpaaral kay Papa kasi daw mas matalino si Papa sa kanya. Kaya nga sobrang taas ng tingin ko sa nanay ko eh. Biruin niyo, sarili niyang pangarap ‘yung pinakawalan niya para lang magparaya.

Tipid na tipid din si Mama sa pera hanggang ngayon dahil natatandaan niya ‘yung pakiramdam kung paano maging salat sa salapi. Kahit may gusto siyang bilhin para sa sarili niya, iniisip muna niya kung kailangan ba niya ‘yun o hindi? Kasi kung mabubuhay naman siyang wala ‘yun, pwede namang hindi na niya bilhin.

Nadala din niya ‘yung ugali niyang ‘yun nung nagkapamilya na siya. Lalo na nung nabuo na kami, hehe. Grabeng sapilitan pa kung gusto naming magpabili ng kahit ano. Lahat kasi budgeted. Hindi pwedeng mag-overspend.

 

Nung nag-high school to college na nga kami tuwing Pasko, bibigyan nila kami ni Papa ng pera pang-shopping. Pinakamalaking nabigay yata nila sa’ming tatlong magkakapatid, tig-three thousand. Bahala kaming gumastos, pero ‘pag naubos, bawal nang humingi. Halaka, kwenta kami ng kwentang magkakapatid kung paano makakatipid at pa’no mama-maximize ‘yung pera!

 

Alam niyo bang mahirap ding makakuha ng big-time na reward sa kanya? Isang magandang halimbawa na ‘yung every year, kasama ako sa top ten ng batch namin, pero papuri lang ‘yung natanggap ko. O kaya, isang blouse o t-shirt, mga ganun. Hindi sa nagrereklamo ako ah, nagkukwento lang, hehehe.

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon