My #1 Influence in Writing

197 10 8
                                    

Wow...ang tagal na pala simula nung last na entry ko. Madagdagan nga, hahaha.


At dahil di pa rin nawawala ang feels pagkatapos kong magbasa ng ABNKKBSNPLAko?! ni(na) Bob Ong...yun na lang ang isasalaysay ko rito, hahaha.


Naaalala kong sinabi ni Ms. Mina noong unang FBDPH Event na merong at least three books na naka-impluwensiya sa bawat manunulat.


Sobrang tagal kong pinag-isipan 'yon kasi reading for leisure lang ang ginagawa ko dati. Kaya masaya ako dahil bumili ako ng bagong kopya noong MIBF 2014 at kagabi ko lang natapos basahin, hahahaha.


Dito ko napagtantong ito ang librong unang nagmulat sa'kin sa writing style na nagustuhan ko. Unconsciously, dahil sa ABA kaya nagkaboses si Charlie kahit sobrang daming taon na ang nakalipas at 2012 lang nabuo ang konsepto ng HATBABE — yung patawa magkwento pero kahit papaano, mapapaisip ka.


Di ko sinasabing magka-level ang ABA at HATBABE. Malayo sila. Wala pa ako sa level na may subliminal message tulad ng na-achieve ni(na) Bob Ong sa ABA. Sinasabi ko lang, yung style ng humor ay nakuha ko sa ABA.


Moving on...


"Lahat tayo, enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero libre, ikaw ang talo pag nagdrop ka."


High school ako noong natanggap ko ang First Edition ng ABA. Di ko na matandaan kung anong level ako nun. Baka second or third year siguro. Hanggang ngayon, masasabi kong ito pa rin ang pinakapaboritong librong nabasa ko na nakasulat sa Wikang Filipino. Sayang nga lang at hindi ko na mahanap yung first edition copy ko. Tingin ko, pinahiram ko rin yun sa ibang kaklase at sa kasamaang-palad ay hindi na nakarating sa akin huhu.


Dati, sobrang hagalpak-tawa ako nung binabasa ko yung 2001 edition. Ngayon, hagikgik na lang...tapos sankaterbang realizations. Na sobrang laki na nga ng pinagbago ng sistema ng edukasyon ngayon sa nakalakhan ko. At kahit nagbago na ang sistema, marami pa ring kabataan ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral.


Nakakalungkot mang isipin subalit tunay ngang sa panahon ngayon, hindi na karapatan ang edukasyon. Pribilehiyo na ito para sa mga may kakayahang magbayad ng matrikula.


Pero nakakatawang nakakainis din na kadalasan, kung sino pa ang nakatapos sa pag-aaral ang siya pang nang-aabuso ng kapwa at ng kapangyarihan.


"Kaya siguro namigay ng konsensiya ang Diyos, alam Niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."


Isa sa mga tanong na nakapaloob sa libro na tumatak sa isip ko ay ito: "May natutunan ba 'ko?" 


Sinubukan ko tuloy alalahanin ang mga napag-aralan ko from Kinder to Fourth Year college. Halos wala na akong maalala...lalo na sa pesteng Math na 'yan, hahaha! De...meron pa rin naman. Siyempre, yung mga nagagamit lo sa trabaho at pagsusulat, naalala ko pa rin. Pero yung gamit at kahalagahan ng Calculus, Periodic Table of Elements, The Great Gatsby, Economics... Wala, tirik na ang utak ko. Ang tumatak talaga sa isip ko ay yung mga values, yung mga prinsipyo na natutunan ko sa pamilya at hinubog ng tatlong paaralang pinasukan ko sa buong buhay-estudyante ko. At siyempre, hindi mawawala ang mga unforgettable school moments (kaya nga unforgettable eh).


Sana mas marami pang Pilipino ang makabasa ng ABA. Yun na lang. Pakiramdam ko kasi, magiging nobela kung isusulat ko lahat ng opinion at reaksiyon ko tungkol sa aklat na ito. Eye-opener ito...nuff said.


At mula na rin sa paborito kong author, nararapat lang na malaman ito ng kabataan ngayon:

"Huwag mamulot ng love quotes nang wala naman sa konteksto. At higit sa lahat, huwag muna problemahin ang pakikipagrelasyon kung hindi pa tapos ang pag-aaral at hindi mo pa nagagawa ang projects mo na bukas na ang submission."


So, anong sense ng post ko na ito? Wala lang... nagtae lang talag ang utak ko. Gusto ko lang mag-share, baka di ako makatulog kung di ko nailabas eh. Parang jebs lang din, di ka mapapakali kapag hindi mo nailabas, hahahaha.


16 April 2015, Thursday

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon