SM Special Update 5 (July 22, 2012)

Magsimula sa umpisa
                                    

Napaiiling siya. Hindi na rin niya masyado marinig ang iba pang sinasabi ni Elisa... ang mga PR nito at simpleng pagpa-plug ng sandamakmak nitong sponsor. Habang pinapaalis niya sa utak niya ang brutal na thoughts niya about sa pagbabato ng malaki at magbigat na mic, pilit niyang pinapalabas na lang sa kabilang butas ng tenga ang ibang mga sinasabi ng dalaga.

"Oh, before you get uncomfortable guys, Nasabi ko lang yun kasi, you know how I'm close with Kent, like, we've done a lot of projects together, shared trips together, now after almost everything, lahat ng gusot sa pagitan namin ni Kent and uhm Mrs Fuentabella, wala na. I assure you guys, wala na. Kung hindi nga lang ako busy, naging ninang siguro ako sa kids nila."

What? Kailangan iemphasize ang pagsasama nila TOGETHER? At ninang? Dapat ba siyang magiging ninang? Siguro, inimbitahan din siya ni Kent nun?!

Binigyan niya muli ng tingin ang asawa. Kung may lazer light lang ang mga mata ni Phoebe, kanina pa namatay si Kent.

Sige lang Ken Tomas. Tawa-tawa ka lang diyan. Galingan mo lang ang pagngiti-ngiti mo. Umaarte ka man o hindi, Iwe-welcome ka ng sofa mamayang gabi. O kaya sa guest room. Grrrrr. Galit-galitan ni Phoebe sa loob niya, pero ang totoo, sumasama lang lalo ang pakiramdam niya.

"I know, I know..." pagtutuloy ni Elisa. "A lot of things happened, in the past. Pero we're all cool now. Hindi ba? Phoebe."

Mabuti na lang at nacontrol ni Phoebe ang pakagulat. Hindi niya kasi inaasahan na sa gitna ng nanlulumong pagiisip niya ay bigla-bigla na lang mababanggit ang pangalan niya, ni Elisa.

"Ah. Ha?"

"We may not be the closest of friends, pero we're okay now? Hindi ba? In fact, we bumped into each other pa nga kanina, while shopping? Right?" nakangiting tanong sa kanya ni Elisa.

"Ah... Oo..." pinilit niyang ngumiti. Kahit sobrang awkward siya. Kahit pa naman kasi pagbali-baliktarin ang mundo, kahit pa sabihing nagalit siya kay Elisa hanggang buto, eto pa rin ang nagligtas ng buhay niya. Naging blood donor niya, at isa sa pumigil sa kanya sa airport, nung panahong desidido na siyang iwan si Kent habang buhay.

"Yung hindi ka pa nga nakilala ng mga fans kahit nasa harapan ka na nila. Haha. You should guest into shows more often para makilala ka naman ng tao."

Relax Fibboy. Relax.Don't let her get into you. Breathe... Totoo naman ang sinasabi niya eh. Tska, isinave niya rin naman ako kanina dun sa mga babaeng ewan. Siya pa napagbuntunan ng inis ko. Hayy.

Dahil hindi siya makakuha ng comfort mula kay Kent dahil sa sitwasyon nila ngayon, hinanap ng mata niya ang kinaroroonan ng bestfriend.

Jhoneyyy. Saan ka ba banda ulit nakaupo? Jhone? Kailangan kong makipageye to eye contact sayo. Alam kong maiintindihan mo ako, kahit kunot lang ng wrinkles ko. Saan na ba yung babaeng yun???

Pero  bago niya pa makita si Jhone, napadaan na naman ang mata niya sa kinaroroonan ni Harley. At nagulat lang siya sa pagkakangiti nito sa kanya.

Aba. Bakit siya nakangiti. Nakakaloka naman itong si Keith. Bakit kaya siya nandito? Pero hayaan mo na. At least, siya, naapreciate ang damit ko. Well, ganun naman siya eh. Ever since, appreciative, caring at kalmado lang. Hindi katulad nitong si Kent. Pffft. Nakooo. Kung hindi ko lang mahal na mahal na mahal na mahal itong si Kent, feeling ko, mafo-fall ako kay Keith. Grabe lang. Hayy.

Oveeeer!!!!! Kung anu-ano na ang naiisip ko?!?!?! Kanina, brutal lang. Ngayon kakaiba na naman?! No! No! No! Shoooo! Umalis kayong mga kakaibang naiisip ko. Grabe! Natetensyon kasi ako kaya ganito.

Nginitian niya na lang din si Harley para maitago ang pagkatension niya

"Phoebe."

"Ah...HA?" nagulat siya ng binulungan siya ni Kent. Hindi niya kasi namalayan na nakalapit na ang mukha nito sa tenga niya.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon