Chapter 43 (September 04, 2011)

1.1M 11.4K 1.5K
                                    

DATE POSTED: September 04, 2011


Chapter 43

Di natulog sila Kent at Phoebe. They cherished each other's arms ng buong magdamag na yun.

"Umaga na... happy anniversary" bulong ni Phoebe kay Kent.

"Kiss mo nga ulit ako." Sagot ni Kent.

"Grabe ka ha!! Di ka na nagsawa! Adik ka na!" bumangon siya ng kaunti at pinisil ang ilong ni Kent. Hanggang may napansin siya.

"Ay tumutubo na yung balbas mo!!! Ahahaha Tska yung bigote!!! Angas!!! Action star!!" natutuwang sabi ni Phoebe.

Napansin kasi niyang may iilang tumutubo na dito.

"Kagabi pa yan... Di ako nakapagshave kagabi eh. Kung makapagsalita ka parang di mo yan naramdaman ah.

"Malay ko?!!?!?! B-bakit ko mararamdaman yang balbas at bigote mo!!!"

"Syempre hinalikan ko na lahat ng parte ng katawan mo eh." Seryosong sabi ni Kent.

"Waaaaaah!!! Adik ka! Di ka ba nahihiya sa mga sinasabi mo?!?!" sigaw niya.

"Hah? Bakit ako mahihiya? Asawa kita... tska... di ako adik. Ikaw ang adik baby ko..."

"Huh?" naguluhan si Phoebe.

"Hindi ka lang engot Phoebe... Adik ka pa! Hahahahaha!" natatawa si Kent pero niyayakap niya si Phoebe ng mahigpit.

"Tawa ka ng tawa! Baliw ka na!"

"Hindi ako baliw... Ikaw ang baliw! Hahahahahaha"

"Bakit ka ba ganyan?!?! Tawa ka ng tawa? Nilalait mo pa ako?"

"Eh kasi naman! Pag naalala ko... I can't believe what you did... sa staircase... You are so... seductive... and so... sexy hahahahaha."

Iniipit ni Kent si Phoebe sa pagkakayakap.

"WAAAAAHH!!! Sexy? Tsaka seductive? Tapos tawa ng tawa??? Hwag mo na akong asarin! Pshh. Hindi na! Hindi ka na makakaulit! Napakasama mo! Kung makapangasar ka kala mo di mo nagustuhan."

"Grabe eto naman... Anong di na makakaulit? Haha! Ikaw naman ang may pakana nung kagabi! Inisantabi mo nga yung flowers na binili ko! Nagulat na lang ako ng---"

"AISH!! Pwede ba manahimik ka na!! Ewan ko sayo! Babalik na nga ako sa kwarto ko."

"Mamaya na!! Phoebe ano ba! Tsk! Hwag ka ngang ganyan! Ang engot mo na naman! Natutuwa lang naman ako sayo kagabi. It's the best anniversary gift!"

"Eh bakit kailangan pang nangaasar?" tanong ni Phoebe.

"Wala... Hwag ka nang maasar. Natuwa nga ako eh... You look so... gorgeous on that staircase."

"Sige mang-asar pa"

"Totoo yun! Sobrang ganda mo... I love you... I love every single bit of you." sabay hinalikan siya nito ng banayad sa labi.

"Kailangan every single bit talaga?"

"Oo! Akin ka lang. Lahat ng parte ng katawan mo."

"Manyak mo!" sigaw ni Phoebe.

"Bakit ganyan ka!? Sinasabihan mo ako ng manyak eh asawa mo ako!"

"Eh kasi ikaw eh."

"Hwag kang magpapahawak sa ibang lalaki okay? Magagalit ako sayo... Tska... papatayin ko kung sino man yung humawak sayo."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon