Chapter 67 (November 05, 2011)

887K 10.6K 1.5K
                                    

DATE POSTED: November 05, 2011


Chapter 67

Napapakamot na lang si manang habang pinapanuod ang dalawa sa sala. Pero lihim din siyang nagpapasalamat dahil magkasundong-magsundo na ang mga ito. Hindi niya alam kung ano nang nangyari kagabi dahil mukhang magkaaway ang mga ito simula noong naroon ang mga ito sa ospital, pero nang pinagbuksan niya ang dalawa ng pintuan, parang hindi pa siya napansin ng mga ito sa sobrang lambingan.

"Ang hirap naman niyan!" reklamo ni Phoebe habang sinusundan ang ginagawa ng babae sa TV. Binili ni Kent ang DVD ng mga proper exercises ng buntis at ginagawa nilang dalawa iyon sa sala.

"Wag ka nang magreklamo! Sinasabayan ka na nga eh!" malakas na sabi ni Kent. Kundisyon kasi yun ni Phoebe kanina. Sinabi nito na mageexercise lang daw siya kung sasabay si Kent. Nakahiga silang dalawa ngayon, nakatingin sa screen ng TV at lumiliyad-liyad. Ang sabi kasi ng exercise instructor ay nakakaincrease daw ito ng flexibility ng mga buntis.

"Wahaha! Ayoko na! Ang sakit sa likod. Ang sagwa-sagwa pa." natatawang tigil ni Phoebe. Umupo pa ito at hinimas ang likod.

"Hindi mo kasi ginagawa ng tama! Ganito oh!!" nagdemonstrate pa si Kent. Ginaya nito ang babae sa DVD at nag-arch ng likod habang nakahiga.

"HAHAHAHA! ANG CUTE MO!!! KAHIT MABAHO KA ANG CUTE MO!" natatawa-tawang sabi ni Phoebe.

"AISH! Umayos ka nga! Ikaw na nga ang binilihan ng exercise guide diyan tatawanan mo pa ako. Gawin mo na!" sigaw ni Kent habang hinihila si Phoebe pabalik sa exercise mat nito.

"EHH! Ayoko na nakakatawa yung posisyon!" sagot ni Phoebe habang tumitingin kay manang na nasa likuran.

Tumingin din si Kent.

"Manang kasi!! Alis nga muna kayo diyan nahihiya tong si engot eh. Bilis na Phoebe. Aalis pa ako mamaya eh!!"

"Aalis k-ka?" kinakabahang tanong ni Phoebe. Alam kasi niyang debut ni Elisa ngayong araw. At hindi naman nila napagusapan kagabi kung aattend ba ito o hindi. Pero kasi, understood niya kagabi, dahil siya ang pinili nito, na hindi na ito pupunta, kahit alam ng lahat na si Kent ang escort nito.

"H-ha? OO! Sandali lang ako. Hwag ka magalala."

"Saan ka pupunta?" tanong niya ulit.

":B-basta... Bilis Phoebe umayos ka na. Gawin mo na yung ginagawa niya" turo ni Kent sa TV. Walang nagawa si Phoebe. Ginaya niya na lang ang ginagawa ng babaeng buntis sa TV. Sa loob-loob niya, kinakabahan pa rin siya. Pero hinaplos niya na lang ang singsing na ibinigay sa kanya ni Kent kagabi.

**

"Hwag mong sabihing seryoso ka talaga sa pagiging escort?" tanong ni Harley. Nakipagkita talaga siya kay Kent dahil nagaalala pa rin siya kay Phoebe hanggang ngayon. Hindi niya pa ito ulit nakakausap, pero alam na alam niyang hindi nito nagugustuhan ang mga nangyayari, lalo na ang pagiging escort ni Kent sa debut ni Elisa.

"I already told you... hindi na ako pupunta. Baka may mangyari na namang masama sa asawa ko dahil sa mga kagagawan ko."

"WHAT?! Tignan mo! I knew it! Buntis na nga siya, binibigyan mo pa ng sama ng loob."

"Wait. I know! Alam ko... Alam ko hindi ako katulad mo. Sabi nga ni Phoebe, hindi ako katulad mo na kayang gawin lahat. Pero look. I'm trying my best. I'll make it up. I'll marry her... I'll forget about the contract. I'll be gravely sued for it, pero kakayanin ko na. Pero wait... Bakit mo ba ako pinapunta? Marami pa akong gagawin Villaluz."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon