Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)

1.1M 17.4K 3.9K
                                    

DATE POSTED: July 23, 2011


Chapter 14

Gulat na gulat ang mga dalawang bagong pasok ng pintuan. Pati ba naman si manang Lourdes nakalagay ang dalawang kamay sa bibig.

Sabay silang napatayo at halos magkauntugan sa pag-alis sa kama. 

"Pa! Why are you here?! Manang Lourdes?" Ani Kent habang inaayos ang sarili.

"You were shouting real loud a while ago! Kanina pa kami katok ng katok ni manang! Kinuha na namin ang spare key sa garage! Malay ba namin kung binubugbog mo na 'tong si Phoebe!" 

"Binibugbog? I won't ever do that."

"Apparently." Napapailing si James.

"We are just playing... Playing yes...  Tic-tac-toe here!" at ipinakita pa ni Kent ang XOX sheet nilang dalawa.

"Right, son."

Hiyang-hiya si Phoebe. Kahit naman magpagka-shonga siya, alam niya ang nangyayari. Halos hindi siya makatayo sa kama.

"But we heard you shouting... and then..."

"Pa naman. Pwede bang lumabas po muna kayo?"

"We'll go out because?"

"Pa!"

Halos ipagtulakan ni Kent ang ama.

"Manang. Labas ka na din muna!"

Buong pagtataka ni Phoebe na sumunod nga ang dalawa kay Kent. Pero 

Umalis na nga ang tatay ni Kent at si manang Lourdes.

Dalawa na lang ulit sila Kent at Phoebe sa kwarto at nagkatingininan sila. At sabay din silang umiwas ng tingin.

"Ano? Ba't ayaw mo umalis diyan? Kama mo 'yan?" sabi ni Kent. Balik na naman ito sa pagkasungit.

"Wait lang, wala kasing pakiramdam yung---" naputol yung sinasabi ni Phoebe

"Labi mo? Sus naman." He said with a mock-voice.

Napakamot si Phoebe. Hindi naman labi ang gusto niyang sabihin, kun'di binti. Nawalan na kasi ito ng pakiramdam dahil sa pagkakaupo kanina.

Pero dahil nagulat siya nang mabanggit ni Kent ang labi, pinamulahan na lang siya ng mukha.

"Magpractice ka nga sa bote." Dugtong ni Kent.

"Anong bote?"

"'Di ka marunong humalik eh, kaya namanhid labi mo."

"Anong pinagsasasabi mo!" Namamanhid yung paa ko. Kanina pa ako naka-indian seat sa kama mo kaya nangingimay paa ko!"

Napatigil si Kent, pero agad ding nakabawi.

"Kunwari pang paa."

"Namamanhid nga, hanggang tuhod oh! Kahit kurotin mo yan wala pa ding pakiramdam 'yan!"

"Arte! Tara na nga."

"Huh?" Nagulat siya ng binuhat siya ni Kent.

Hindi nila alam na kahit lumabas na ang si James at si Manang Lourdes, ay nakikinig naman ang mga ito sa labas.

"Sir, okay lang po ba tayo makinig dito?" nag-aalala si manang Lourdes.

"Shhh manang. 'Di ko marinig. Baka mag-away kasi ulit eh."

"Mag-away ulit? O mag-ano ulit?"

Tinignan ni James si Manang ng masama.

"Makinig na lang tayo."

"Eh sir wala naman po tayong naririnig?"

"Oo nga, kaya 'pag nagsigawan na ulit sila tsaka natin maririnig. At saka tayo papasok ulit. Okay, manang?"

"Sir!"

"Manang keep quiet, baka mamaya papalabas na pala sila, mahuli pa tayo dito!"

Sa loob naman, halos biglang napasigaw si Phoebe nang gumalaw ang nangangalay niyang paa.

"AH AHH AHHH!" sigaw ni Phoebe. Nagkatinginan naman ang dalawang nasa labas.

"What?!!" nagulat si Kent, binaba siya ulit ng kama.

"Kasi ayan na ulit 'yung pakiramdam, huwag mong igalaw. Ang sakit." Napaiktad si Phoebe sa kama at napapikit.

"Phoebe, dapat gagalawin para bumalik yung dugo." Hinawakan bigla ni Kent ang binti ni Phoebe.

"Aw! Ang sakit! Aw!"

Mas nilakasan pa ni Kent ang pag-palo sa paa at binti ni Phoebe.

"Ayan. Mas maganda 'yan!"

Sa labas ay naririnig ni Manang Lourdes at James ang paghampas.

"Ano 'yun!?"

"Sir, ayoko na bababa na ako" parang naiiyak na si manang Lourdes.

"Tama na, Kent! Nakakaiyak na!"

"Hindi pa 'yan! Hangga't masakit pa, 'di pa okay!"

"Ah!" Patuloy ang pagsigaw ni Phoebe.

Hanggang sa unti-unting bumalik ang pakiramdam ng paa niya. Maayos na ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya.

"DIBA ANG SARAP?" naninigaw na naman ito.

"OOOOH ANG SARAP"

"Ang ingay naman nito."

"ANG SARAP EH! IKAW NGA DIN EH. SA WAKAS NATAPOS DIN."

"Okay. Umalis ka na diyan sa kama."

"Opo!"

Sa labas ay nag-panic naman ang dalawa.

"Manang bilis, lalabas na sila!"

"Sir! Ano na!"

At parang mga ninjang nawala sina tito James at Manang Lourdes. Nagtago sila sa katabing guestroom. Kaya 'paglabas ni Phoebe ng kwarto parang napansin niya na parang may mga tumatakbo.

"Ano 'yun? Multo?"

Dumeretso siya sa kwarto at nagtalukbong.

'Dun na niya naisip lahat ng pangyayari. 'Di niya namanlayang sumunod pala si Kent sa kanya. At hindi lang pala si Kent. Balik sa pakikinig si Manang Lourdes at James sa labas ng kuwarto.

Nagpaikot-ikot si Phoebe sa kumot niya na parang isang lumpia. 

Totoo kaya yung sa bote? sa isip-isip niya bago unti-unting inilalabas ang ulo sa labas ng kumot.

"AY ANAK NG BOTE!" nagulat kasi siya kay Kent na mukhang mangangain ng buhay.

"Bote pala ha!" sabi ni Kent while smirking.

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon