Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)

1.5M 21.1K 2.1K
                                    

DATE POSTED: July 8, 2011

Chapter 02

Nagkasalubong sila ng tingin. Kitang-kita ang pagkunot ng noo ni Kent nang makita si Phoebe. Bumalik na naman ang sungit-mode ni Kent kahit na parang nang-aasar lang ito kanina.

"'Di ka talaga titigil?"

"Ha?"

"Lahat na lang talaga ipapaliwanag sa'yo? Ang ibig kong sabihin, ang ingay mo. Tumigil ka na sa pag-iingay."

"Ha? Excuse me po. Nasa sariling kwarto naman ako, pwede akong mag-ingay!"

"Exactly my point. Nasa loob ka na nga ng kwarto mo, nadinig ko pa rin ang ingay mo. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman."

"Matutulog ka na?!" manghang-mangha si Phoebe. Ang dami-dami niya pang gagawin pero si Kent, matutulog na?

"Kakasabi ko lang 'diba?" akmang papasok na ito sa pintuan.

"Ahh Kent!" pinigilan siya ni Phoebe. "Favor naman!" 

"Favor?"

Tumango si Phoebe.

"Ganito na lang Phoebe. Ako na lang ang gawan mo ng favor okay? Matulog ka na. Shut up. At magpatulog ka na. Let's live in peace.

"Ang dami-dami mo namang sinasabi?!"

"Bye."

"Wait!" Naiinis na naman siya. Masahol pa sa may period si Kent. Pero nadi-distract siya sa itsura nito. Madilim sa pwesto ni Kent dahil nakapatay ang ilaw sa hallway nila. Pero naiinis siya bakit parang effortless naman ito maging appealing dahil kahit parang bagong shower din at walang ilaw, gwapo pa rin ang silhouette nito.

Gwapong silhouette? What? Anong iniisip ko? Hay nako Phoebe. Iniisip mo pa ang silhouette na sobrang hirap naman i-ispell kesa sa project mong due na bukas. Syempre artista nga siya eh malamang gwapo. Jusko!

"Ang kulit mo lang talaga?"

"Ano kasi..." di niya alam kung paano didiskarte "Yung project natin light dimmer?"

"Bakit?"

"Pwede bang ano... pwede bang pahiram naman nung sa'yo, hindi ko sisirain, promise, titignan ko lang kung pano mo ginawa. Mag-iingat ako." 

Umiling si Kent.

"Hala sige na! Titignan ko lang naman eh."

"Wala na. Tagal ko ng naipasa yun. Last week pa."

What?! Napasa niya daw nung isang linggo? Eh last week lang din binigay yun ah, talagang genius tong mokong na to!

"Ay ganun!?"

"Kaya wag ka ng maingay diyan. Paano ka makakatapos kung puro bibig ginagamit mo?"

"Teka Kent!!!"

"Ano na naman?" salubong na talaga yung kilay nito!

"Patulong naman! Sige na kahit pa-coach lang, tutal naman hindi kita ibinuking kay tito James kanina na hindi naman talaga--"

"Ayoko!" *BLAG*

Sinara na nito ang pinto kahit hindi pa siya tapos sa pagsasalita. 

Ganun?!?! Sinarahan na lang ako ng pinto! Akala mo ha!!!

"AHHHHHHH!!! OOOOOOHHHH!!!! WWAAAHAHAHA!!!!" Todo yung sigaw niya, nakalimutan niyang nauuhaw nga pala siya. Bubuluabugin niya lalo si Kent. Kung bastos to, naisip niya, well, bastos din siya! Bastusan na 'to.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon