Chapter 71 (November 18, 2011)

885K 10K 2.3K
                                    

DATE POSTED: November 18, 2011


Chapter 71

Hindi pa rin makapaniwala si Kent sa mga pangyayari. Galit siya kay Elisa. At nakita niya nang ligtas si Phoebe pero hindi siya nito pinakinggan. Maya-maya niya na lamang ulit ito pupuntahan kapag mahinahon na ito. Sa mga oras ngayon, may kailangan siyang kausapin. May kailangan siyang bigyan ng tuldok.

Nasa labas siya ngayon ng kwarto ni Elisa sa ospital. Matapos magwala si Phoebe kanina, sinabi  ng doktor na hayaan muna itong mag-isa at hintaying huminahon bago sila pumasok ulit. Nakaupo siya ng lumabas ang doktor. Binigyan siya nito ng matipid na ngiti.

"She's okay." Pagpapatungkol kay Elisa.

"Bakit po siya nahimatay." Di niya maiwasang magtanong. May namumuo mang galit sa dibdib niya para dito, may utang pa rin siya kahit papaano sa dalaga.

"It's usual in teens. Kadalasan young people pass out when they give blood. Especially first time ni Elisa maging donor. Okay na naman na siya. She just needs some rest."

Tumango-tango na lang si Kent habang papaalis na ang doktor.

Unti-unti niyang binuksan ang pintuan habang nagbabalik-tanaw siya sa nakaraang nangyari.

*flashback*

Hinihintay nila ang resulta ng blood test. Tahimik pero may tension sa pagitan nila. Hindi nagsasalita pero alam nila ang damdamin para sa isa't isa. Nagpakuha silang tatlo nila Jhone at Harley ng dugo upang malaman kung pwede silang maging donor para kay Phoebe na nawalan ng maraming dugo dahil sa pagkakakunan.

Bumukas ang pintuan.

"Okay na po ba? Ready na po ako." Tumayo si Kent at sinalubong ang doktor.

"Unfortunately hindi compatible ang blood type niyo Kent. Walang compatible sa inyo. We'll contact the blood bank kung mayroon pa silang available na dugo na magma-match kay Phoebe."

"Walang compatible?!! Sure po ba kayo?? Gano pa katagal yung sa blood bank? Hindi ba makakasama kung matatagalan ang pagsalin ng dugo?" nagpapanic ang utak ni Kent. Kahit lahat ng dugo niya gusto niya nang ibigay sa asawa. Kung pupwede lamang.

"It will take some time para makahanap ng matching blood type. Medyo m---"

"Ako! Test me!!" malakas na sabi ni Elisa bilang pagsingit sa usapan ng mag-asawa.

Nagulat ang lahat ng magsalita ito. Lalong lalo na si Kent.

"Alam mo Elisa kung—" nagsisimulang umalma si Kent. Hindi niya alam kung paano magrereact sa sitwasyon.

"I'm healthy! Wala akong tattoos. If we match, I'll be willing to donate."

"Don't play that you are the little hero Elisa!" mariing sabi ni Jhone "Alam mong ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan."

"I'M NOT!!"

"Maybe... This isn't the right time for arguments. We have a patient waiting." Sabat ng doktor.

Sa huli, hindi man sila lahat nagkasundo sa kaniya-kaniyang intensyon, inisip na lang nila si Phoebe.

"I can't believe this is happening." Sambulat na lang ni Jhone ng mapagalamang nagmatch ang mga dugo ni Elisa at ni Phoebe.

Nagaganap na ng mga oras na iyon ang blood transfusion.

"Let's just be thankful... na nagmatch..." mahinang sabi ni Harley.

Napapailing na lamang si Kent habang hinihintay na matapos ang pagsalin ng mga dugo.

*present*

Umupo siya sa upuan sa tabi ng kama ni Elisa. Nagulat silang lahat ng mahimatay ito matapos ang blood transfusion.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon