Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)

1.1M 15.3K 2K
                                    

DATE POSTED: July 24, 2011


Chapter 15

"Bote pala ha! So, magpaparactice ka nga sa bote!" parang seryoso si Kent. Papalapit na ito sa kanya. "Baka nagkukunwari ka lang na namamanhid paa mo kanina ah."

"Anong ginagawa mo dito? Hahalikan mo na naman siguro ako 'no?"

Kent scoffed.

"Feeling mo na talaga, no? Pumunta lang ako dito para sabihin sayo, na labhan mo yung bedsheet ko!"

"At bakit ako?"

"Siyempre, ikaw naman nagdugo."

Halos magkatuntugan naman si Manang Lourdes at James sa labas.

"Dugo manang? Dugo? Dugo? Diba tama dugo ang sinabi?"

"Sir? Paulit-ulit? Dugo nga po diba?!" Nagtaas ng boses si manang.

"Shh!"

"Tinatanong niyo ako eh..."

"Alam mo manang parehas kayo ng alaga mo."

Narinig nila na nagpapaalam na si Kent sa loob para lumabas kaya nagmamadali na naman silang dalawa.

"Manang! Tago!" Dumiretso silang dalawa sa kwarto ni Kent.

"Sir ang rayuma ko!"

"Tiis lang manang!"

"Sir!"

"May dugo nga manang!."

Napadaop ang mga palad ni James sa mukha.

"Anong sa tingin mo--"

"Eh di sir naghanimun sila."

"Sigurado ka?"

"Medyo po! Parang maibilis lang eh."

"Manang!"

"Nagtatanong po kayo sa'kin eh."

"Baka nagkasugat lang." 

"Kasi nga po parang nagsasakitan sila kanina."

***

Si Phoebe naman ay kakalabas lang ng banyo. Hindi niya talaga namalayan na nagkaroon na siya.

Kumuha siya ng Hydrogen Peroxide sa medicine cabinet at nilagay ito sa may pintuan ng kwarto ni Kent dahil 'di niya na mabuksan ang pinto nito. Tatanggalin muna sana niya ang dugo bago ito malabhan.

"Nu ba yun! nagpapalaba ng bedsheet naka-lock naman siya!"

Bumalik sa kwarto tska niya naalala na may project pa pala ulit na kailangang tapusin.

Wala talaga siyang kaalam-alam sa electronics subject na 'yun. Hindi na naman gumagana ang kung anong pinapagawa sa kanya kaya naisipan niya na lang na isaksak muna yung project sa outlet dahil baka kailangang i-charge yun.

'Pagtapos ay bumaba na rin siya.

Kahit nakakahiya sa mga nasaksihan nito, nagpasalamat na lang siya at nandoon ang tatay ni Kent dahil hindi masyadong awkward ang lahat. Dahil kung nagkataon ay hindi niya alam kung paano papakiharapan ito dahil sa mga nangyari.

Walang imikan sa dinner table.

Nang matapos kumain, habang nagde-dessert sila, tska pa lang nagsalita ulit ang papa ni Kent.

"Ehem." May paubo-ubo pa ito. "Phoebe?"

"Yes, pa?"

"Kaya ako nagpunta dito para sa debut mo. Tumawag ang papa mo kanina, uuwi daw siya."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon