Chapter 28 (August 08, 2011)

1M 13.7K 1.9K
                                    

DATE POSTED: August 08, 2011


Chapter 28

Dahi hindi sigurado si Phoebe, hindi siya sumagot. Tumungo lang siya. Hindi siya makatingin ng maayos kay Kent

Nakita ni Kent ang ekspresyon ni Phoebe. He knew he hit a nerve.

"God... God... I can't believe this..." Nagconlcude na agad si Kent.

"Please.. please Kent... I don't know... Hindi ko alam..."

"Akala ko inosente ka Phoebe..."

Nasaktan si Phoebe... Naiiyak siya sa sama ng loob. Pero tinanggap niya ang mga ilang sinabi ni Kent. Siya ang puno't dulo ng mga nangyari. At alam niya rin na lasing si Kent kaya niya nasasabi yun.

"Go away Phoebe..."

Para namang mamatay na sa sama ng loob si Phoebe.

"Please Kent"

You are so dirty that I can't even look at you. You're a whore!"

Sign na yun ni Phoebe para umalis. Nasasaktan na rin siya sa mga sinasabi ni Kent. Alam niyang kasalanan niya at lasing si Kent pero hindi niya matanggap na tinawag siya nitong "whore".

Wala na siyang direksyon sa buhay. Feeling niya talaga ang dumi-dumi niya.

Nagempake siya ng gamit. Naalala niya ang sinabi ng tatay niya kanina sa sasakyan tungkol sa regalo nitong pagsama sa kanya sa Italy. Napagpasya siyang sasama na muna siya dito.

Madaling araw na ng natapos at umalis siya.

"Phoebe... saan ka pupunta?"

Gising pala si manang Lourdes. Niyakap niya ito.

 "Manang... thank you po... sasama po ako kay papa pauwing Italy." Naiiyak na naman siya.

"Ha?! Ano? Pano si Kent?"

"Ayaw niya na po akong makita..."

"Anak magulo lang ang isip nun..."

"Manang you don't know what happened. Tama siya... Tama si Kent..."

"Iha..." parang naiiyak na rin si manang.

"Manang alam mo naman dati pa kung gano kahirap... hay pero ako naman may kasalanan eh... ang tanga tanga ko... di ako nagiingat... ang tanga ko talaga manang... ang dami kong gusting mangyari, gusto kong maging happy... pero bakit ayaw? Hindi ako kasing blessed ng iba. Ang sama-sama ko kasi eh." Sabi ni Phoebe habang papaiyak na.

"Phoebe naman... hindi ka naman masama eh, ganun lang talaga minsan may problema" umiiyak na si manang

"Manang.. hindi naman po minsan eh... lagi na lang po..."

"Anak please, ipagpaumaga mo na kung gusto mo talagang umalis."

"Paki-sabi po kay Kent... I'm really really sorry... at mahal ko po siya... siguro mahal na mahal ko na siya... Di ko naman po alam yung kay Harley... promise"

At umalis na siya... Wala na ding nagawa si manang Lourdes.

"Baka wala kang makitang sasakyan delikado..."

"Kunin ko po yung lumang kotse"

"Anak, hindi ka pa masyadong magaling magdrive..."

"Kaya ko po yan manang."

Kinuha niya ang kotseng hindi niya naman ginagamit. Luma na kasi ito at wala namang siyang interes magdrive at natatakot siya. Pero ngayon, wala na siyang pakialam. Gusto niyang makalabas na agad sa lugar na yun.

***

Nagising si Kent na masakit ang ulo.

Damn.

Bumalik lahat ng alaala niya kagabi. He sighed.

Phoebe... Phoebe... Why did you do this?

Masakit at mabigat ang dibdib niya. Sumakit lalo ang ulo niya kaya naisipan niya ng bumaba.

"Manang, kape..."

Napansin niyang namumula ang mata ni manang.

"Oo, wait lang Kent."

Tumingin si Kent sa taas. Ayaw niyang makita si Phoebe... Iniisip niyang taksil itong asawa. Pero nag-aalala siya dahil sa mga binitiwan niyang masasakit na salita kagabi. Naisip niyang pumasok na ito ng school dahil Monday ngayon.

Papasok kaya siya pagkatapos ng nangyari kahapon? Naisip niya

Pagbalik ni manang Lourdes, hindi nga siya namamalikmata. Namamaga at namumula nga ang mga mata nito.

"Manang natulog ba kayo?"

Umiling lang ito.

Huh? Bakit naman 'di natulog si manang?

Papaalis n asana si manang sa living room pero naisipan niyang magtanong.

"Si ano po? Si phoebe? Pumasok na po ba?" di niya napigilan

"Hindi"

"Ahhh."

So nasa kwarto pa siya. Nakakaasar.

"Pinapasabi niya na... sorry daw... at mahal na mahal ka niya" tuluyan ng naiyak si manang Lourdes.

"Hey! Manang? Anong nangyayari sayo?"

"Wala na Kent, umalis na si Phoebe..."

Nasaktan si Kent...

"So sumama na siya sa Harley niya?" punong-puno ng bitternes ang boses ni Kent

"Kent naman! Sasama na siya sa tatay niya. Pauwi ng Italy."

"ANO PONG SABI NIYO??!

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon