Chapter 22

3.4K 76 0
                                    

Chapter 22

Breathe

Halos hindi ako mapakali sa pagkakaupo kaya naman tumayo ako,  napalingon silang lahat saakin at nilapitan ni tito Zach.

"He'll be okay.  Kung alam mo lang kung gaano kagusto ng anak ko na makasama ka araw-araw. " he nodded then smile. 

I smiled back. 

"Bakit po kaya ang tagal? Mahigit anim na oras na siyang nasa loob " kinakabahang sinabi ko. 

"Doc!" napatayo din kaming lahat ng magsalita si tita Artella. Lumabas na ang doctor na nagopera kay Calvin.

"How's my son?" tanong ni tita Artella.

Tinanggal ng doctor ang suot na surgical mask, napahawak ako sa dibdib ko ng bumuntong hininga ito.

Mas dumoble ang kaba at pag-aalala na nararamdaman ko dahil doon.

"I'll be very honest with you. Nag 50-50 siya habang isinasagawa ang operasyon may namuong dugo sa ulo niya at nahirapan kaming mahanap kung saang parte iyon." panimula nito.

"No... " napasinghap si tita at napayakap kay tito Zach.

"But don't worry we did our best at successful ang operation niya.  Ililipat na namin siya sa recovery room. Excuse me." tipid na ngumiti ang doctor at akmang aalis na ito ng biglang huminto. "Ah oo nga po pala, Ma'am. You got a strong son. " at tuluyan na itong umalis.

Kinabukasan ay nagmadali akong pumunta sa hospital ng tawagan ako ni tita at sabihing nagising na si Stone. 

He's looking for me.

"Stone!" tawag ko ng mabuksan ko ang pinto ng silid niy kung san siya inilipat pagkatapos ng operasyon. 

"Hey, Mrs. Stone." he grinned.

"Thank you! Thank you at lumabas ka doon ng buhay at humihinga. " I bit my lower lips to surpass the tears that is about to burst pero sa huli ay hindi ko na napigilan at tuluyan na akong napahikbi at maya-maya pa ay pumalahaw na ko ng iyak.

"Ssh." kahit madaming dextrose ang nakakabit sa kaniya pinilit niya pa ding abutin ang pisngi ko at pinunasan ang pisngi ko na nabasa dahil sa pag-iyak ko.

"Of course.  I have a reason to breathe.. because I have you at pakakasalan pa kita." alam kong hindi niya pa nababawi ang lakas niya pero nagawa niya pa ding tumawa at hilahin ako kaya naman medyo napayuko ako at napahawak sa dibdib niya.

"Calvin!"

He just chuckles at hinalikan ako. "I love you." he said breathlessly.

Napangiti ako dahil doon. "I love you too. "

"Love to hear that.  Pinaayos ko na kila mama ang kasal natin iyon maliliit na details palang since hindi pa ako makakakilos. At iyong mga iba pang detalye tayo na ang bahala doon kapag gumaling na ako. " aniya.

"Nakakahiya. At saka puwedeng ako na lang an——"

"No! We'll do it together kapag nakalabas na ko rito. " he said with finality cutting my words. 

Hindi na ko tumutol pa at tumango na lang ako sa gusto niya. 

"Calvin is right hija. The two of you should plan your marriage together minsan lang kayo ikakasal you should make it memorable para naman may maikuwento kayo sa magiging apo namin." tita Artella smiled widely. 

"Oo nga, Aqi. Anak. Can we expect boy?  Pero okay din kung babae. And about your future hindi niyo na kailangan mag-alala tungkol doon pero nakay Calvin parin ang desisyon." inakbayan ni tito Zach si tita Artella. Ipinulupot naman ni tita Artella ang mga kamay niya sa baywang ng asawa niya at matamis kaming nginitian ni Calvin.

"Kaya ikaw diyan bata ka bilisan mo at magpagaling ka!  Wag mong paghintayin si Aqisha!" tinaasan ng kilay ni tita Artella si Calvin na ikinatawa namin ni tito Zach. 

"Sabi ko naman sa doctor na magaling na ako at puwede ng lumabas pero ayaw nila.  Ang sabi nila kailangan pa magsagawa ng mga test bago ako tuluyang makalabas." nakabusangot na sabi ni Calvin. "Damn! I'm so sick of the smell of the hospital." dagdag niya pa.

"Kaya magpagaling ka kung ayaw mong bumalik pa dito. " natatawa kong sabi.

"Hell yeah! At hinding-hindi na ako babalik dito!" he said firmly. 

"Ah, Aqi puwede bang ikaw na muna ang magbantay kay Calvin? Ihahatid ko lang itong si Artella para makapagpahinga pagkatapos ay babalik din ako dito agad. " sabi ni tito Zach.

Tumango ako. "Okay lang po, tito. Magpahinga na din po kayo. Plano ko din pong magstay dito hanggang bukas o kung puwede nga po sana hanggang sa makalabas si Calvin." sagot ko at nilingon si Calvin na may nakakalokong ngiti sa labi. 

"Ganoon ba. Pero babalik pa din akong mamayang gabi para may kasama ka. " sabi ni tito Zach. 

Tumango ako.

"Misis ko." tawag ni Calvin ng makaalis na ang magulang niya. 

Nilingon ko siya. "Anong Misis ko diyan?"

"Gawa na tayo ng baby." he pouted. 

"Baliw! Gusto mo ba ng apple?" kumuha ako ng apple sa basket at sinimulang balatan iyon.

"Aqi... "

"...thank you. "

Napahinto ako sa pagbabalat at nilingon siya. "Para saan naman?  Kung itong inaalagaan kita... wala ito obligasyon ko 'to hindi ba? Girlfriend mo ako. "

"No." umiling siya. "Hindi iyon. I was talking about that 3 years. Iyong tatlong taon na wala ako. You could replace me but you did not instead you keep holding to me."

"Kasi mahal kita. Hindi mo din naman ako isinuko diba? Patas lang tayo. " ibinigay ko ang platito na may lamang mansanas. Tinanggap naman niya iyon.

"Bakit ko susukuan ang pangarap ko umpisa pa lang? Simula ng makilala kita nagkaroon ako ng rason para magtino. "

Natawa ako. "Wow matino ka pa sa lagay na 'yon?  E binubully mo ko. Ang lala pa. "

"Pero effective nahulog ka saakin. " He said playfully. 

"Oo na. Sino ba ang hindi bibigay sa isang Calvin Stone?"

"Ikaw. " seryosong sagot niya. "Si Aqisha Alindre. "

"Anong ako? E tignan mo nga girlfriend mo na ako tapos ikakasal na tayo. "

"Hindi ka naman talaga bumigay e.  Ako ang bumigay saating dalawa.  "

The Player's PossessionWhere stories live. Discover now