Chapter 4

6.1K 147 5
                                    

Chapter 4

Last Night

Napaupo agad ako sa kama. Argh! Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko.

Nasaan ba ako? Nasaan si Stella?

Naiinis kong ginulo ang buhok ko ng wala akong maalala kung anong nangyari kagabi. At saka kanino itong t-shirt na suot 'ko ngayon? By the looks of it I'm sure na sa lalaki 'to dahil ang laki at ang luwang saakin.

Pinakiramdaman ko yung sarili ko lalo na ang ibaba at gitnang parte ng katawan ko. I sigh in relief wala namang masakit except sa ulo ko at bukod doon ay wala na. Thank God!

Hinanap ko kaagad iyong sling bag ko at nakita ko iyon sa lampshade table na nakapatong, kinuha ko kaagad ang phone ko sa sling bag at di-nial ang number ni mama.

"Aqisha. Anak. Kamusta?" Chill lang na tanong ni Mama samantalang hindi ako nagpaalam sa kaniya na hindi ako uuwi sa bahay kagabi.

"Ipinagpaalam ka saakin ni Stella ang sabi niya diyaan na daw kayo matutulog." dagdag pa nito.

"Ahh ganoon po ba, mama. Sige po babye."

Ibinaba ko na ang tawag.

"You're awake." Biglang bumukas ang pinto ng kwarto na tinulugan ko at bumungad doon si Stone na half naked.

"Hindi, tulog pa ako!" I rolled my eyes at him. Masiyado namang maaga para badtripin ako ng nilalang na 'to.

He snorted. "Lets go eat downstairs." Tumalikod na siya saakin. "And by the way you look fucking hot in my t-shirt." At tuluyan na niyang isinarado ang pinto. Napapanganga naman ako. T-shirt niya itong suot ko?!

Nakatingin silang lahat saakin na para ako ang kriminal sa isang palabas.

"Ano ba iyon guys? Seriously you're freaking me out!" Sabi ko sakanilang lahat habang patuloy lang sa pagkain si Stone.

Umiwas ng tingin si Dylan, si Lawrence naman ngumisi lang bago umiling, si Yvan naman bumalik na lang ulit sa pagkain, si Philip naman ay ngumuso lang at ibinuka ang bibig pero muli ulit itinikom iyon at si Stella naman ay uminom ng tubig bago nagsalita. "Nasaan ka kagabi? Saang kwarto ka natulog? Bakit hindi kita kasama? Sinong kasama mo?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Sa...Taas? Ewan ko. Wala akong maalala basta nagising na lang ako kanina tapos nakita ko si Stone. Tapos ayon niyaya na niya akong bumaba." sagot ko.

"She slept with me." Parang wala lang na sabi ni Stone at uminom ng kape, iyong inom niya pa parang nasa commercial o kaya ay pinopromote iyong kape.

"Ano?" Bulalas ko. Hindi nga? Seryoso?!Bakit kasi wala akong maalala!

Tinignan ko ang reaction nilang lahat at nakita kong ngumiti lang sila ng nakakaloko saakin.

"We slept together." Pag-uulit pa ni Stone at tumingin na saakin ngayon.

Bigla namang tumawa ng pagkalakas-lakas si Yvan. "Sabi ko na nga ba eh! Kaya pala umalis din kaagad nun si Calvin ng umalis ka!"

Lawrence laughs too. "Kaya pala hindi ka na nakabalik pa galing restroom." He said meaningfully.

"H-hindi ko naman alam at saka hindi ko na maalala." nahihiyang sabi ko sa kanila na patuloy pa rin sila sa pagtawa.

"Then should we recall what we did yesterday night for you to remember?" Stone asked, amused.

Napalunok naman ako. What did we do? "A-anong ibig mong sabihin?"

He just gave me a smirk bago tumayo at umalis na.

"You slept with Calvin Stone without getting laid? Wow! Thats odd for him." Napapaisip na sabi ni Lawrence.

The Player's PossessionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz