Chapter 21

3.3K 72 1
                                    

Chapter 21

Yes

"Aqi!" tawag ni kuya pero hindi ko ito pinansin. 

I glance one more time at the entrance of the NAIA Airport.  Hindi ko alam pero hanggang ngayon umaasa pa din ako na sana andito siya....andito si Stone. 

"Saglit lang, kuya. " nagpalinga-linga ako sa mga taong pumapasok sa pinto pero bigo ang mga mata kong makita ang gusto makita nito. 

"Cancelled ang flight natin. " sabi ni kuya ng malapitan ako.

Napalingon ako sa kaniya. "Ano? Bakit daw?" Nakita ko din sila mama at papa na naglalakad papunta saamin.

"May bagyo daw na papasok sa pilipinas eksakto ng paglipad ng eroplano natin. " sagot ni kuya. 

"G-Ganoon ba?"

"Let's go home kids. " si papa iyon.

"Kailan daw aalis ang bagyo, ma?" tanong ko kay mama ng makababa ako sa sala. 

"Ang sabi sa balita sa biyernes pa raw, kaya mukhang makakaalis tayo sa Saturday nito. " sagot ni mama ng hindi ako tinitignan at busy ang mata na nakatutok sa tv. 

"Asan po sila, kuya?" tanong ko.

Lumingon saakin si mama at napakunot ang noo. "Ang kuya mo? Hindi ba nagpaalam? Maggrogrocery daw sila ng papa mo. " sagot niya.

"Ako na, ma!" presinta ko ng may magdoorbell. 

I jog to the door at binuksan iyon.

"Tita? Tito?" it was Stone's parents. 

"Hi, Aqi. Can we come in?  Nagluto ako ng mga paborito mo at paborito ni Calvin. " masayang sabi ni tita. 

Gumaling na din siya.  Parang nakarecover at tanggap na.... tanggap na ano???  Wala na si... napailing-iling ako.

"Are you okay, hija" biglang nag-alala ang mukha ni tita kaya naman mabilis ko itong nginitian at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Opo.  Pasok po kayo." ngumiti ulit si tita Artella saakin, samantalang si tito Zach naman ay tinapik ang balikat ko hindi ko alam kung para saan iyon pero ipinagkibit-balikat ko na lang. 

"Artella! Zach! Nako, nasa labasan pa ang mag-ama ko." salubong ni mama kila tita Artella.

"It's okay. Bagong luto pa naman itong mga pagkain." sabi ni tita Artella.

"Ganoon ba. Malapit na din naman ang mag-ama ko e.  Maupo muna kayo. " mom told them.

"Ma, we're home!" napalingon ako sa likuran ko at nakita sila kuya at si papa na ang daming bitbit.

Pero ng humawi sa daan sila kuya at si papa biglang nanghina ang tuhod ko na kung hindi pa niya ko nahawakan ay baka bumagsak na ko sa sahig ng tuluyan.

"Miss me?"

"Hey! What did I do? Bakit ka umiiyak?  I'm back please don't cry " taranta niyang pagpapatahan saakin.

"Stone... " mahigpit ko siyang niyakap at ganoon din siya saakin. "Damn! I miss you so bad, so bad that I thought I'm going to lose my mind. " he took a deep sigh.

"What happened?"

"Sorry.  Natagalan akong sumunod sa iyo sa paglabas sa sasakyan.  Nahulog ako pero nakalabas ako ng sasakyan iyon nga lang napuruhan ang ulo ko.  Luckily a fisherman saw me.  Isang buwan daw akong walang malay at hindi nila alam ang pagkakakilanlan ko kaya hindi nila ako naibalik kila mama. When I wake up I don't remember anything ang alam ko lang ay Calvin ang pangalan ko kaya nahirapan din kaming magtanong tanong tungkol sa kung sino ba talaga ako. "

I nodded. "Kelan bumalik ang memorya mo?"

"2 years bago bumalik ang lahat ng ala-ala ko. I contacted mom at nakauwe ako just I'm about to see you I suddenly collapsed, nagkaroon nanaman ng problema sa ulo ko, I forgot anyone again kaya kinailangan na talaga akong ipatingin sa mga doctor.  Dahil nung nandoon ako sa probinsya ay hindi naman mayaman ang nakakita saakin.  Nang mabalik na ang ala-ala ko sinabi ko kila mommy na wag munang sabihin sa iyo ayoko kasi natatakot ako... mas masakit makita mo na buhay ako pero hindi kita kilala at possibleng mabura ka na sa ala-ala ko habang buhay.  Sabi kasi ng doctor na possibleng mabura ang ala-ala ko simula ng 12 years old ako.  Sinabi ko kila mommy na hayaan na muna, pag gagaling ako I'll explain everything to you. "

"At kung hindi?" tanong ko.

Lumungkot ang mukha niya at umiling. "Then I think that it's better for you to think that I'm really dead. "

"Bakit nagdesisyon ka ng mag-isa? Gusto kong magalit sa iyo pero...mas nangingibabaw ang saya ko na buhay ka at makakasama kita." tumango siya at hinalikan ako sa noo.

Nagkaroon ng celebrasyon sa bahay,  ang pamilya ko at pamilya lang ni Calvin ang nandito ngayon sa bahay.  Sabi ni Calvin sa susunod na lang namin sabihin sa mga kaibigan namin na buhay siya.

"Hindi mo maitatago sa anak ko ang sitwasyon mo, Calvin. "

"I know tito. Pero gusto ko siyang makasama... kung.... kung ito na ang huli then I want to spend every single seconds of my life with her, tito. Mahal na mahal ko ang anak niyo.  Sobrang mahal na masakit para saakin na alam kong puwede ko siyang maiwan.  Pero hindi ko na kaya tito, I wanted to be selfish even more when it comes to her, sapat na iyong tatlong taon na hindi ko siya nakita, hindi ko na kaya. " napayuko si Calvin. 

Lumapit si papa at niyakap si Calvin. 

What is going on? May itinatago pa ba sila sa akin?

"Now if you want to see her more then make sure makakalabas ka sa operation room ng buhay. "

"I will tito."

"Papa? Calvin?" Mula sa maliit na siwang ng pinto ay nilakihan ko iyon at pumasok sa loob. 

Nagulat naman silang dalawa ng makita ako.

"Iiwan ko muna kayong dalawa." sabi ni papa at makahulugang tinignan si Calvin.

"Calvin, may hindi ka pa ba sinasabi saakin?" tanong ko ng makaalis na papa.

"I lied. " umiwas siya ng tingin. "Hindi ko sinabi ang buong detalye.  Ooperahan ako, may dalawang bubog pa ang naiwan sa ulo ko. Sabi ng doctor delikado daw ang operasyon na gagawin nila saakin.  Kaya ayoko na sanang harapin ka kasi bakit pa?  Bakit pa?! Mamatay din naman ako!" galit at malakas niyang sinuntok ang pader.

"Para lang kitang pinaasa sa wala. Pero hindi ko kaya na hindi ka makausap at makasama bago ako operahan. Baka kasi hindi na ako mabigyan ng pagkakataon na masilayan ang babaeng mahal ko." parang dinudurog ang puso ko habang nakikita kong umiiyak siya at nahihirapan.

"Calvin, iiwan mo na ba--"

"Hindi, Aqi!" agap niya at hinawakan ang dalawa kong kamay at pinaghahalikan iyon." I'm sorry. I won't leave you. Hindi na ulit."

"Then please live, alam ko na hanggang huli ikaw lang ang mamahalin ko ikaw at ikaw lang, Calvin.  Responsibilidad mo itong puso ko kasi pinaibig mo kaya kargo mo 'to. "

"Will you marry me? Papakasalan mo ba ko pag nakalabas ako sa operation room?" he asked hawak pa rin ang dalawang kamay ko.

"Basta buhay kang lalabas sa O.R. " sagot ko. 

Natawa naman siya doon. 

"I will, baby. Say yes please. "

"Oo, Calvin Stone pakakasalan kita."

"Okay, Mrs. Stone I'll hold onto that.  Pag nakalabas ako bubuntisin na agad kita mahirap na baka magbago pa ang isip mo baka nadala ka lang ng awa e. " he grinned. 

The Player's PossessionWhere stories live. Discover now