Chapter 38

1.9K 17 1
                                    

[Note: Uhmmm. Ayun ! Thanks sa mga nagcomment lalo ka na :) Oo ikaw ! Thank you sa'yo kasi nagcomment ka =) Ngapala, magpopost ako ng two chapters ngayon.. pero ang next update po, ENDING na. Opo, tama po kayo ng basa.. malapit na matapos.]

Gerald's POV

Nakarating na kami sa US at nakapagpahinga na rin sa hotel na tinutuluyan namin. Tinext ko si Sarah para sabihing nakarating na kami. At nagreply naman.

From: Babe

Mabuti naman at nakarating kayo ng ligtas. Mag-iingat kayo dyan... Lalo ka na ! I'll miss you :)

Yieee ! Mahal ang international messages kaya thankful ako at nagreply sakin si Sarah. At mamimiss niya rin daw ako ! Hahaha :)

.

Sa isang araw pa start ng shows namin pero rehearsals namin bukas. Kaya isang araw lang ang pahinga.. Well, sa isang araw na yun, natulog lang ako. Hinihintay na mapanaginipan ko ulit si Sarah. Pero wala eh, sobrang himbing ata ng tulog ko at wala akong panaginip.

Maya maya, nakarinig ako ng tawanan, at boses ng isang babae.. Teka.. Babae ba yun ?

"Baby boy ? Babe, Gising" sabi nung boses.

Sinu kaya yun ? Si Sarah lang tumatawag nun sakin eh. Dumilat ako at pagkadilat na pagkadilat ko, nakita ko ang nakangiting mukha ni Sarah. Napangiti ako.

Teka, bakit ganito ? Di gumagalaw ? Tapos nawala yung mukha ni Sarah. Pumalit ang tumatawang mukha ni Enchong at Young JV. Nakooo ! Pinagtripan naman ako nitong mga to ! Binato ko silang dalawa ng unan !

"Eh tulog ka kasi ng tulog eh ! Let's go out bro !" sigaw ni Young JV.

"Oo nga. Si Sarah na naman kasi napapanaginipan mo kaya tulog ka ng tulog" sabi naman ni Enchong.

"Wag niyo nga kong pagtripang dalawa. Nagpapahinga yung tao. Kayo na lang." sabi ko sa kanila.

"KJ. Tara na Chong. Tayo na lang dalawa o kaya yayain natin si Ray." sabi ni Young JV.

"Tara na nga. Oh Gerald, babe mo !" sabi ni Enchong sabay bato sakin ng magazine na may picture ni Sarah.

Napailing na lang ako sa kakulitan ng dalawa. Then tinignan ko yung picture. Napakaganda talaga ng babe ko. Haaay, nakakamiss siya.

---

Ilang linggo ang lumipas at sunod sunod ang mga shows namin. Nakakapagod pero masaya kasi tinanggap kami ng mga kababayan natin abroad.

Bawat tapos ng show namin, nagbbm kami ni Sarah, kinakamusta ko siya at kinakamusta niya naman ang shows ko.

Naiiinspire ako lalo kapag nakakapalitan ko siya ng messages. Hindi ko na nga mabitawan ang BB ko dahil baka may message from Sarah. Sinasabihan na nga rin ako ng mga co-artist ko. Minsan nga ay binuking pa ko while onstage.

"Itong si Gerald, laging may katext, sinu ba yun Gerald ? Yun ba yung babe mo ?" tanong sakin ni Enchong while onstage.

Narinig ko naman ang mga Ashralds na nagsigawan. Grabe, di ko akalaing may mga Ashralds din pati sa US. Napakasupportive nila. Pag kumakanta nga ako, sa kanila ako tumitingin kasi nakikita ko yung picture namin ni Sarah, naiinspire ako !

Pagkatapos ng show na yun, nag-usap kami ni Sarah through skype. Gamit ko yung ipad na regalo sakin ni Sarah nung birthday ko. Sinabi ko sa kanya yung tungkol sa mga Ashralds. Nagulat din siya at sobra siyang natuwa sa sinabi ko.

Kinagabihan ng araw na yun, naghahanda na ko para matulog ng kinausap ako ni handler.

"Nga pala Ge, once we come back to the Philippines, pag-uusapan na ng management ang third movie niyo ni Sarah".

Y.O.U (Ashrald)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon