Episode 40

4K 245 44
                                    

Last episode of NayTay book 3. Thank you for reading upto this point! 

Up next: Wakas :)

-

Death

Today is the day at andito na nga kami sa airport. We're off to Germany. Ako, si King at si JM. Nauna naman na si Nana at Tatay Mario sa Germany dahil sa may mga kinailangan silang asikasuhin daw para sa party.

Hawak ni King si JM pero heto siya kanina ko pa napapansin na tahimik.

"Tay, kanina ka pa tahimik, are you okay?" I asked dahil pansin ko talaga ang pananahimik niya. He seemed nervous at parang wala sa sarili.

Napatingin siya akin and he gave me a smile, "I'm okay." He said at nagiwas siya ng tingin sa akin, "Mediyo napapaisip lang ako, they'll be seeing JM for the first time, will this really be a good idea na sinama natin siya? I'm worried." he sighed. 

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. I know him well at kahit papaano baka alam ko rin ang iniisip niya, "You don't have to worry Tay, andito ako, whatever happens, I'm going to protect the both of you and number two with all my strength. Hindi ko hahayaan na---"

"I love you Nay," he cuts me off, "You've been really consistent. H'wag ka ring mag-alala. It's going to be the other way around. Ako ang poprotekta sainyong tatlo." He said as he kissed my forehead.

Nakababy-carrier na nakasablay sa kanyang harapan si King. Ang kaliwang kamay niya ay nakahila sa lalagayan namin ng mga gamit na kanina ko pa gustong hawakan pero ayaw ni King kaya imbis na mag-away kami ay hindi na ako nag pumilit pa. Ang kanang kamay niya naman ang nakahawak sa akin. Natatawa ako sa posisyon namin pero kinikilig ako sa totoo lang. Ewan ko talaga sa Kingkong na'to. He became sweeter and definitely more clingy as time goes by.

"Tay, airplane!" Si JM nang nasa waiting area na kami at tanaw ang mga eroplanong naka stand-by. Aliw na aliw si JM sa mga nakikita niya.

3 years old na si JM at kung hindi bahay, mall at hospital lang ang napapasyalan niya. Kaya siguro tuwang-tuwa siya ngayon.

"Tay! Look!" Si JM ulit. Walang humpay na kaka-Tatay niya. Hays! Natawa na lang ako.

Although tanggap ko naman ang pagiging Tatay's boy ni JM ay minsan nakakaselos na talaga. Iyong pakiramdam mo na ikaw nagdala sa kanya for nine months sa tiyan mo, ikaw ang nasaktan sa labor at ikaw ang umire pero nganga? Puro siya Tatay? Kung tutuusin hindi nakasama ni JM si King nung dinadala ko siya pero siguro dama niya rin na mahal na mahal siya ng Tatay niya at nakukunsinti siya'y sige na nga, daddy's boy si JM.

King is definitely doing the perfect job of parenting rin talaga. He makes sure na hindi mararananasan ni JM ang mga naranasan niya and I understand. Iyon nga lang, madalas namin napagtatalunan ang pang iispoild niya kay JM. As in, kung anong gusto ni JM binibigay niya at iyon ang ayaw ko. Ayaw kong masanay si JM sa mga ganung bagay at habang bata pa siya kailangan na sanayin makuntento sa kung anong meron siya pero si King jinajustify niya talaga at sa tingin ko makakaya niyang bigyan ako ng isang manila paper of reasons why hayaan ko siya sa pangiispoil niya sa anak niya.

HAY.

-

It was a super tiring trip at masaya naman ako na hindi tinopak si JM sa buong biyahe. Enjoy na enjoy siyang karga ng Tatay niya.

"JM, apo!" Si Tatay Mario.

Sinundo niya kami ngayon sa airport.

"Tay, does anyone know?" Si King at napatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap sila.

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang