Episode 39

4K 272 109
                                    

Maturity

"Mag-usap na muna kayong dalawa." Si Dok as he breaks our silence. "Monika, hintayin mo ang mommy mo dito. I have to go, may rounds pa ako." Napatayo si Dok at umalis ng kwarto.

I don't know exactly what to feel at the moment. Para akong naeestatwa sa mga narinig ko at hindi ko alam kung anong erereact ko. But, of course at some point I can't stay like this lalo na't ultimo harapin ako ay hindi magawa ni Monique.

I cleared my throat out. "Alam mo na ba ang sitwasyon mo Nay?" I asked, "N-nag pa test ka ba?" I asked again.

I really want to be happy pero hindi ko magawa dahil sa reaction ni Monique at sa mga sinabi sa akin ni Dok. Bakit parang ang hirap bigla?

I saw her took a deep breath at matapang na hinarap ako, "I--I knew about it 3 days ago already." Sabi niya.

"Matagal na pala." I said.

Nagtatampo talaga ako Kingina.

She sighed. "I know galit ka and I understand. Hindi naman sa gusto kong itago saiyo ang sitwasyong meron ako. Kinailangan ko ng panahon para sa sarili ko Tay, kinailangan ko lang iabsorb na muna ang lahat. Alam mo naman siguro kung bakit diba Tay?" She said and now she's crying.

"Bata iyang nasa loob ng tiyan mo Nay, why do you have to make me feel like you're having second thoughts?" I asked at tangna naiiyak na rin ako. Masama talaga ang loob ko.

She shook her head at napayuko. Hindi na siya nag salita pa.

I smirked. "Ang daming pwedeng rason sa isip ko and I'm guessing one of it is your sure reason." I sighed. "Hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan." I said at tumayo ako.

"T-Tay," she called at mukhang nag-aalala sa akin.

"Let me leave. Gusto ko na muna iabsorb ang lahat ng ito. I want to understand you, I want to understand everything. Baka hindi na muna ako uuwi sa bahay niyo. Sige!" Tumayo ako at ni pag pigil ay hindi rin naman ginawa ni Monika kaya agad akong lumabas ng clinic ni Dok at umalis.

I need to inhale some fresh air. Naguguluhan kasi talaga ako. 3 days niya na nalaman pero hindi man niya lang sinabi sa akin? Why? Ganun niya ba kaayaw at kailangan ganito?

I understand na parang sumpa itong sakit ko pero kasi andito naman na, I'll take full responsibility kung ano man ang mangyari. Kahit ako natakot din sa nalaman mula kay Dok pero anak ko naman iyon at wala akong pinagsisisihan.

"Aba himala! Bumalik ka pre ah!"

"Pahinging beer!" I commanded.

Agad naman nag bigay ang bartender. Napasandal ako sa counter at agad ininom ang bitbit na bote ng beer.

Napansin kong nakatingin lang ang barkada sa akin and I know gets na nila ako.

"Buntis si Monika, 3 weeks." Sabi ko.

I looked at their expression at genuine ang gulat nila at halakhakan. This should be it.

"Anak ka nang! Ang galing mo pre! Patayuan na ba kita ng monumento sa noo mo ha? Shuta, ang galing ah!" Si Nikko at may pa akbay pa siya sa akin!

"Cheers nga diyan! Mukhang totoo ata ang sinabi mong gagawin mong isang dosena't kalahati ang mga anak mo! Iba!" Si Mokya habang angat niya ng beer na bitbit niya at pasimple naman akong nakipag cheers sa kanya.

Nakatingin lang sa kin si Tantan and I know, siya talaga ang nakahalata, ewan ko din ba sa Nikko at Mokya na'to ang eengot madalas!

"Is there a problema? Isn't this a good news?" At nagsalita na nga si Tanix.

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Where stories live. Discover now