Episode 4

3.8K 316 226
                                    

Time
-
Happy 6th NayTay monthsary, loves! ❤
-

Kahit mabigat iyong sinabi niya sa'kin ay hindi ko nalang binigyang pansin ang nangyari, I hated it at nakakasama ng loob! Does he understand a thing? Should I talk to him? Gusto kong iklaro sa kanya ang lahat, gusto kong maging madali itong lahat samin. If we meant to end this then so be it, it's just that, nakakainis lang siya. Ayaw niya bang makausap ako? Ayaw niya bang iklaro sa'kin ang lahat.

Napabuntong hininga ako.

"Last full show?" Si Mokya

Napailing ako, "Sorry pero kailangan ko ng umuwi, next time na lang!" I said and my decision is final.

"Eh? Nay--Nique, andito na tayo kaya sige na! Sagarin na natin 'to!" Si Eliza, I don't know what they're upto pero sigurado akong may plano sila. Well, ano pa nga ba..

"Hindi na. May kailangan pa akong gawin sa bahay eh, sige na. Ingat nalang kayo!"

"Ihatid na kita Nique" si Tantan all of a sudden

Umiling ulit ako, "No need Tantan, magtataxi nalang ako, no need to bother yourself. Magsaya ka nalang kasama sila! Sige" I smiled

"Let's go Tantan, hayaan mo na yan!" Si King at talagang sumosobra na siya ha. Ang unfair ng treatment niya. Hindi ko alam kung nananadya siya o hindi

Ngumiti ako, "Ikaw talaga, sige na nga Tantan! Ihatid mo ako hanggang gate ha! Tsaka hindi ako masyadong nabusog kanina eh, nakakawalang gana kasi, pwede samahan mo ako kumain?" I giggled "Tara?!" Sabay hawak ko sa kamay ni Tantan at talagang hinila ko ito

Napatingin sa'min si King at inirapan ko siya, bushak siya! Napaka-isip bata! Alam kong galit siya sa'kin pero alam niya ba ang totoo? Alam niya ba kung anong nangyari? He should be man enough para kausapin ako! Kahit na may mali ako what gives him the right to hurt me this much? Mali ko na nga, pero kailangan niya ba talagang isampal sa'kin ang fact na iyon? Paulit-ulit?!

Nanginginig ako sa galit. I had enough for this day!

"Nique?!" Si Tantan at napahinto ako sa paglalakad, "Ouch?" Sabi niya at napatingin ako sa hawak ko at agad akong napabitiw! Sobrang higpit ng naging hawak ko sa kamay niya, nakakaloka!

Agad kong binitawan ang kamay niya, "Sorry Tantan! Hindi ko sinasadya, nadala lang" I gave him a peace sign.

"It's fine." He smiled, "So, you said you're still hungry? Want to go somewhere with me? I know a place" tugon niya at dahil sa sobrang stress ako today ay pumayag naman ako.

Sayang, sumama nalang pala sana ako kanila Tony kanina edi sana hindi ko nararamdaman ang inis ko ngayon, diba? Nakakainis talaga. Sa tuwing naiisip ko ang mga pinag gagawa ng isip bata na iyon nasasaktan man ako ay namumuo na ang galit sa dibdib ko, hindi na siya nakakatuwa! Kasalanan ko, pero para lang naman sa kanya kaya ko nagawa iyon ah! At dahil sa parents niya na nakakabadtrip talaga kaya nangyari ito ngayon! Nakakainis

"Easy now. The fish is dead already, why are you killing it again?" Si Tantan at natatawa ito

Bushak! Kawawang inihaw na isda! Nagawa ko tuloy sisig. Kaloka!

"Sorry fishy" I said at natawa nalang na kinakain ang isda, tumawa nalang din si Tantan.

Pauwi na kami ngayon ni Tantan at nagriring ang phone niya, kanina pa actually

Napalingon ako sa kanya habang nagmamaneho siya, "Kanina pa nagriring ang phone, ayaw mo na sagutin? I think it's important, kanina pa iyan eh" sabi ko, nabobother kasi ako sa kakavibrate nito

Natawa siya ng bahagya, "Nah, it's nothing. Let it be" simpleng tugon niya

Napanguso nalang ako ng bahagya, "Baka jowa mo iyan! O dikaya si Coreen, yee" panunukso ko

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Where stories live. Discover now