Episode 29

4.3K 269 119
                                    

Too much
-

"Tay! Bakit ganun naman ang tinext mo kay Daddy?!"

Nasa kwarto na ako ngayon ni Monika at ginagamot niya ang sugat ko sa mukha. Well, nasa kwarto na rin siguro nila si Dok ngayon at sana sapakin din siya ni Tita kasi parang nag late reaction lang ang sapak niya sa'kin eh! Ang hapdi at masakit nang pagsuntok niya and that's truly the first time na nasapak niya ako at nasaktan physically pwera na lang sa mga session namin noon sa hospital.

Kingina! Gusto ko rin talaga gumanti at manapak eh kaso siyempre hindi pwede.

"At least nag text diba? Sinabi ko naman na seryoso ako ah! Kasalanan niya iyon kung hindi siya naniwala!" I reasoned out.

"Pero kahit na! Seryoso ang bagay na kasal Tay tapos ganun lang ang text mo tsaka dapar si Mommy tinext mo rin! Nasapak ka tuloy! I was so worried earlier, nakakainis kayo ni Daddy!"  she sighed at napaupo siya sa tabi ko

"Nay seryoso, it's nothing! Okay lang ako," sabi ko and held her hand, "Isa pa, deserve ko iyong ginawa ni Dok, marami na akong atraso sa kanya bilang daddy mo. Wala lang sa'kin iyon tsaka please, kung balak mo awayin ang daddy mo please don't do it. Ayaw kong magalit o mag-away kayo because of me. Okay Nay? Let me handle this and you don't have to worry, okay?" I smiled and pinched her cheek a bit.

I stayed for a little while until JM fell asleep katabi ang Nanay niya. I won't be sleeping here tonight kasi may pag-uusapan daw kami ni Mommy. Maybe it's because of what happened earlier. Handa na akong matalakan! Sana lang walang problema.

I kissed JM and Monique good night at lumabas na ng kwarto and just as I thought, may pasimpleng sermon pa talagang pahabol ang parents niya dahil nasa sala sila ngayon.

Kinakabahan na naman ako. Shutaena! Para akong natrauma sa kanila and yes, pati kay Tita.

"I'm going home." pasimpleng sabi ko

I saw Tita sighed at napatayo siya, "Can we talk to you?" she said at kalmado naman kaya tumango na lang ako.

Napatingin ako kay Dok pero iwas tingin siya sa'kin and most probably guilty siya ngayon dahil sa ginawa niya, at kahit maliit lang ang sugat ko sa mukha ay pinalagyan ko talaga ng band-aid para makonsensya! It's the first time he ever lay a finger towards me lalo na't galit siya pero iyon na nga, deserve ko iyon sadyang ayaw ko lang ipadama sa kanya na deserve ko sinuswerte siya!

Lumipat kami sa Veranda at umupo kami sa mga silyang andito.

I took a deep breath na muna bago magsalita, "Sorry po sa nangyari. It's my fault! Seryosong bagay iyon but it somewhat looked like as if I was joking. I thought it would be calmer and easy to take in that way. I never really thought it would come out immature. Sorry po!" I said and I mean it. Malaking atraso na naman 'to sa kanila.

"What made you two decide for such act Elijha? Did something happened?" si Tita at tahimik lang si Dok na nakikinig.

I sighed so deep at nagsimulang magkwento. I story-telled about Michelle and what she was really upto, "I couldn't bear the fact and see that Monique's been really hysterical about it kaya I came up with that sudden decision na pati siya nasurpresa, I planne it all alone with my friends. Kung may balak kayong pagalitan siya, spare her please. Ako na lang po ang pagalitan niyo." I bowed down a bit.

"So you're going back to Germany next week?" si Tita and I nodded to confirm, "What's your plan?" she asked

Ikinuwento ko naman ang dahilan kung bakit ako babalik ng Germany, and that's because of my grandma's health and second is because of Laura's wedding na aattend ako. 2 weeks lang ako doon at sana hindi na maextend.

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Where stories live. Discover now