Episode 9

4.8K 304 164
                                    

Plans

-
An: You have to listen to the song!! Connect!! COMMENT & VOTE!! ❤

--

"Hoy lolo! April fools na ba?" Tawang tawa si Nikko, "Kumain na nga tayo at nakakalipas kayo ng gutom! Mga walanghiya!" Si Nikko as he's subsiding the tension, maybe?

Kinginang Tantan 'to lakas ng trip! Anong kagaguhan naman iyon?! Kingina niya.

May umakbay sa'kin, "Pre, kain na tayo?! Oh. Kain marami!" It's Mokya at nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.

Inialis ko nalang ang tingin ko kay Tantan dahil sinisipa na rin ako ni Monika sa ilalim ng lamesa. Calm down King!

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam naman si Tantan na may pupuntahan na muna. Hindi ko alam kung saan pero naiinis ako dahil hindi niya pa rin binabawi ang sinabi niya kanina. Mas nakakaasar pa ay parang wala lang sa kanya.

"Kalmahan mo naman pre! May ilang buwan pa naman para mag april fools day, baka inadvance niya lang ang prank niya!" Si Nikko

Nandito kami ngayon sa tambayan namin. Kasama ko sila Nikko at Mokya. Sila Monika naman nasa classroom na. Kanina pa ako hindi mapalagay. Sino naman ang kakalma?! I can't even imagine it.

"Gago naman iyong Tanix na 'yon, wala sa hulog! Stress! Pero pare, nangtitrip lang talaga iyon, sure kami ni Nikko diyan! Tsaka kilala mo naman si Tantan! Waley kung bumanat iyon! Kita mo? Hindi naman nakakatawa!" Suddenly Mokya explaining.

Napatayo ako, "Ah! Ewan!" Tugon ko, "Tara na nga kayo, klase na daw!" I said at lumabas ako ng tambayan.

Ayaw ko sana pumasok kasi windang ako ngayon pero nag text na rin naman si Monika kaya papasok na. Ayaw ko magalit iyon, ngayon pa na hindi kami nag papansinan dito, mag-aaway pa ba kami? Wag na.

"Baby!" Si Kisses at agad siyang yumakap sa'kin pagka dating ko ng classroom pero sa bigla ko natulak ko naman siya agad, nakita ko kasi kung paano iniwas ni Monika ang tingin niya sa'kin, horror! "Masakit iyon ah," she pouted, "Baby, may date ka na ba sa acquaintance? Let's date? Namimiss na kasi talaga kita eh. Tsaka, hindi mo ba ako namimiss?" She smiled widely, damn this girl.

"Hindi." I said at naglakad ako papunta sa kinauupuan ko, at dahil wala pa si Tantan, sa upuan niya ako umupo, babakod lang.

Bakit ba?! Hindi ko naman papansinin si Monika ah! Gusto ko lang siya makatabi at kung dumating man si Tantan, edi siya na mag adjust eh sa dito ko gusto umupo! Kingina, hindi pa rin ako maka-move'on! Pabalik-balik sa isip ko ang pa-'I'll date you' niya kay Monika, pakers.

"Baby, hindi ka diyan nakaupo, halika na!" Si Kisses na naman at hinihila niya ako sa may braso para patayuin, "Mabaho diyan, may basura!" I saw her smirked and I know exactly who she is referring to. Badtrip din talaga 'tong babaeng 'to eh!

I sighed so deep at talaga naman napatingin na ako ng masama sa kanya. "Bitawan mo 'ko!" I said as stiff and serious as possible. Hindi na talaga ako natutuwa sa araw na 'to ah! Hinahabaan ko na nga ang pasensya ko!

Binitawan naman ako ni Kisses and it seems like she can't believe the anger she's receiving from me. Kung hindi niya talaga ako tatantanan, siya ulit ang mapagbubuntungan ko ng galit ko. Kingina lang!

She rolled her eyes, "Nakakapagod kana!" She pouted as if she's about to cry, "Ako lang dapat kasi eh! Walang basurang nakasabit! Masaya naman tayo noon ah! Simula nang dumating ang babaeng basura na 'yan, nagbago na ang lahat! Akala ko ako? Ako lang! And so you can never stop me from hating her kahit pa mag ex nalang kayo! I'm still going to make her life a garbage---"

Napatayo si Monika all of a sudden kaya napatahimik kaming lahat and even Kisses stopped from talking! Anong gagawin niya?!

Tumayo ako agad para pigilan siya at baka may gawin siyang hindi maganda! "Nique." I called upon her at bahagyang nakahawak sa sleeve ng damit niya para pigilan siya. This is trouble!

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon