Episode 26

4K 285 92
                                    

Wife

--

Hindi ko alam pero judging from how she looks, mukhang hindi naman ito katulad ng mga babae ni King dati, I mean, iyong mga nasa Love Game ah.

"Ang laki pala ng school no?" she said

Napangiti lang ako sa kanya, "Ah, w-wala nga pala ngayon si Ki--I mean si Elijha dito sa school. Hindi ata iyon papasok eh!" sabi ko na lang. Actually, martyr mode ako ngayon, nacucurious ako kung sino itong babae na'to, "May kailangan ka ba sa kanya?"

"Eh? Hmm, wala naman. gusto ko lang talaga makita ang mukha niya. I want to know him,

she smiled. So, hindi niya kilala si King?

"Matagal kana dito Miss? Dito kasi ako mag-aaral next school year eh. What department are you in? Sana business department din ano? Wala pa kasi akong friends dito, actually wala pa talaga akong friend na as in totoong friend, alam mo na, basta ganito ang level sa buhay, mahirap makatagpo ng totoong kaibigan, laging naloloko!" natawa siya ng bahagya, this one is really weird ni hindi ako makasingit sa mga sinasabi niya

"B-bakit gusto mo makilala si Elijha? M-mukhang sikat na naman iyon eh! Pwede mo na siya mahagilap sa social media pa lang," tumawa ako ng hilaw sana lang hindi niya ako mahalata. kaurat 'to eh.

"Well, iyon nga rin ang nabalitaan ko! Sikat tapos matalino! I just want to see for myself." Ngumisi siya.

Sasabihin ko na ba na ako ang girlfriend ni King? na ikakasal na kami soon? na off limits na iyon kasi pag mamay-ari ko na iyon, kaming dalawa ni JM kaya ngayon pa lang dapat na umalis na siya at h'wag niya na subukan pa kilalanin si King dahil I won't go easy on her!

Gusto ko sabihin iyon,  pero, how can I even react violently kung ganitong approach naman ng babaeng 'to ang binubungad sa'kin? Sobrang bait naman! At na coconvince ako na hindi niya talaga kilala si King kasi hindi rin ako kilala ng babaeng 'to! I mean, if she did some research, hindi ba dapat kasali ako sa makikilala niya?

"Nique!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin at si Tantan ito't naglalakad palapit sa'kin. Save by him na naman ata ito?

"Tantan!" kumaway ako rito

"Where's King?" he asked

At mabuti na lang pala 'King' ang ginamit niya. Mukhang wala namang alam ang babaeng 'to na mas kilala si Elijha bilang King lalo na dito sa school.

"Mamsh, sino siya?" pabulong ng babae at talagang may bahagyang pasiko pa siya sa'kin. FC?

"H--ha?" Napatingin ako kay Tantan na tila kinikilatis niya na rin ang babae.

"Boyfriend mo ba?" she whispered again at napailing naman ako agad bilang sagot sa tanong niya, "Ang gwapo mamsh!" dagdag nito.

"Ah--si--si Tanix, kaibigan siya ni Elijha." sabi ko na lang, "Ah, Tantan, hinahanap niya si Elijha!" sabi ko at napatingin ako kay Tantan na may halong 'help-me-get-rid-of-her-please-maawa-ka'

"Oh, Elijha's not here. Comeback the next time miss!" si Tantan at bahagyang nakahinga ako ng maluwag.

"Michelle Lopez! And you are?" says the girl at talagang inialok niya ang kanyang kamay kay Tantan, obviously for a shake hands.

Bet niya si Tantan? Eh wait...

"Tanix." simpleng tugon ni Tantan at nakipag hand shake naman ito, "You may leave now. Elijha's not around, and it's not best for you roaming alone. There's a bunch of crappy guys around here they might make fun of you." dagdag nito

"Aw. Ang sweet mo naman!" she said at nakatingin lang siya kay Tantan, "Ah, can I have your number--" tumingin ito sa'kin, "Pwede ba itext mo ako kung nandito na iyong Elijha na iyon?"

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Where stories live. Discover now