Scary Creepy # 7: Something really Weird! (PART TWO)

8.9K 222 3
                                    

Scary Creepy # 7: Something really Weird! Part 2

"Kitams, bet na bet ka pa rin ata ni Sir-- este Paolo!!!! Kinikilig ako!!!! Yiiiiiie. Ikaw lang binati nya girl!!! Ang haba ng hair mo!!! May Tyrone ka na may Paolo ka pa! Pano pag niligawan ka ni Paolo?" Mahabang sabi ni Berna

"Ano ba? May Tyrone na ko."

"Pano kung walang Tyrone?"

Biglang tanong ni Roselyn. Aba, nakikisali na din sya.

Napaisip ako.

Walang Tyrone? Paolo lang? Hmmm

"Ano na girl? May pag asa ba si Paolo?" Hirit ni Berna

"Ayoko. Kung walang Tyrone, wag na lang din."

"Sus, alam ko namang crush mo dati si Paolo nung wala pang "Tyrone" eh." Sabi ni Gaisea at humiga ulit.

"Ay girls may chika ako sa inyo." Sabi ko pagka alis na pag ka alis ni Sir Paolo or Paolo or so-whatever.

"Ano?" sabay sabay nilang tanong na halatang atat na atat except ke Rose na tahimik lang.

"Since na umalis na si Paolo sa school natin why pa nga pala natin ginagawa 'tong project na 'to? Diba sa kanya 'tong pakulo?"

"Oo nga 'no? Subject nga pala nya 'to." Sabi ni michelle na nagtataka.

"Tanungin na lang natin sya bukas ng umaga?" Tanong ko.

"Ako ang magtatanong!" Sabay na sabi nina Berna at Gaisea sabay nagtitigan ng masama.

"Stop girls, si Gail na lang magtatanong since sya ang naka isip----"

Bago pa matapos ni Mich ang sasabihin ay sumabat na ko

"Ayun nga eh, ako na ang nakaisip, bakit ako din ang gagawa?"

"Patapusin mo kasi muna ko. Close kasi kayo ni Paolo, malay mo pumayag syang wag na lang natin ituloy at pwede na nating maging advance vacation to!"

"Sabagay, you have a point. Baka kasi pag si Berna ang nagpaalam ay hindi sya pumayag. I-enjoy na lang natin ang pag stay natin dito tapos laboy na tayo bukas then umuwi na din tayo? Ano deal?" dagdag pa ni Gaisea

Hmm I think tama na umuwi din kami agad. Nakaka pangilabot pati dito kahit maganda kwarto ko. Ni hindi ko nga ata kayang matulog dito.

"Weird." Bulong ni Roselyn. Nako, kanina pa yan kung napapansin nyo.

"Ayan ka na naman sa kaka weird mo Roselyn eh. Buti na tatagalan ka ni Arnold." Sabi ni Berna at agad naman syang siniko ng katabing si Michelle

Tumingin ng masama si Roselyn kay Berna at lumabas na ng kwarto.

"Ano ka ngayon Berna. Bunganga kasi walang preno." Sabat ni Gaisea

"Wow, nagsalita ang may preno ang bunganga." Balik na sabi ni Berna

Bago pa mag away si Gaisea at Berna ay tinulak ko na sila palabas ng kwarto.

"Sundan nyo pareho si Rose, lagot kayo kay Arnold pag nagsumbong yun."

"Bukas na. Sleep na tayo."

Agad naman silang tumakbo pabalik sa loob ng kwarto at humiga yung dalawa sa kama ako habang ako, eto nakatayo pa din.

"Para kayong isip bata pareho. Away bati away bati. Tapos pag nawawala yung isa, hahanapin, mamimiss. Hindi tumatagal mag away. At higit sa lahat, pareho kayong baliw. Aminin nyo nga, kambal ba kayo?" Tanong ko.

Umupo naman sila mula sa pagkakahiga at nag akbayan pa.

"Kasi maganda kami." Pagkasabi nun ay agad na bumalik sila sa pagkakahiga.

"Oy ano ginagawa nyo dyan dalawa?" sabay turo ko kay Gaisea at Berna. "Bumaba kayo, hindi na tayo kasya at ayaw ko kayong katabi." Dagdag ko pa. Naninipa kaya matulog 'yang mga 'yan. Mas okay kung si Rose at Mich ang katabi ko, isang pwesto lang kung matulog.

"Eto na nga oh? Bababa na." sabi ni Berna

"Wait Gaisea bakit dala dala mo 'yang unan ko?" sita ko ko. Kala mo ha? Hahahahaha ang bad ko ata.

"You're so mean!" sigaw nilang dalawa sabay bato sa akin ng unan at biglang higa sa baba ng kama! Aba?! Pasalamat nga sila't pinapasok ko pa sila dito at carpeted naman ang hihigaan nila.

OBSESS KiLLER (COMPLETED)Where stories live. Discover now