Scary Creepy # 3: Where/ He's in the House

12.4K 279 3
                                    

Scary Creepy # 3: Where/ He's in the House

*Tok* *Tok*

*Tok* *Tok*

*Tok* *Tok*

"Wala atang tao eh." sabi ni Michelle habang patuloy pa din sya sa pagkatok.

"Di yan sige kumatok ka lang." Utos ko habang naka cross arm pa. Nakakaasar naman kasi yung nangyari samin. Pumasok nga pala kami sa gate, bigla naman kasi yun bumukas ng kusa.

*Tok* *Tok*

*Tok* *Tok*

"Ano hong kailangan nyo?"

Biglang may lumabas na lalaking .....

"Ku-------" Berna

"------ba?" Gaisea

Na amaze pa sa kuba yung dalawa. Napa face palm na lang ako.

"Sorry po kung bigla bigla na lang kaming naparito. Wag ho sana kayong mag alala, hindi ho kami masamang tao gusto lang po sana namin makausap yung Kapitan?" magalang na sabi ni Michelle

Kahit naman kasi tsss kuba yung lalaki, mukha naman syang mabait at hindi mapanganib. Tsaka mukha na syang nasa mid 40's or 50's

"Tuloy kayo." Sabi nung kuba? Ano ba name nya.

"Ako nga po pala si Gail, eto naman po si Michelle, si Gaisea,Berna, Arnold at Roselyn. Kayo po?" Tanong ko na habang naglalakad kami papasok.

"Kulas po."

"Ahhhh....." sabay sabay naming usap.

So Mang Kulas pala. Hmm

"Maari nyo na lang hintayin ang Kapitan at anumang oras ay pababa na sya."

Umalis na ang kub----- este si Mang Kulas kaya malaya na namang nag ingay 'tong mga kasama ko.

"Guys ang ganda ng bahay no?" tanong ni Berna sa amin.

"Maganda nga kaso nakakatakot." Comment ni Gaisea

"Pati yung bantay nila." Singit naman ni Arnold

"Parang walang nakatira?" dagdag pa ni Michelle.

Osige na ako na alone for this day. Sige lang. Haaaaay, ayokong magsalita, tamad na tamad ako.

"Oh? Magandang gabi sa inyo mga munting panauhin." Malawak na ngiti ang sinalubong samin nang lalaking sinasabi nilang Kapitan? Siguro. Mukha din syang mabait at alam mong kahit may edad na eh may tindig pa din.

"Magandang gabi din ho. Ginoo." Sagot naming except kay Roselyn na busyng busy sa pag hanga sa bahay. Makatingin kasi, wagas. Kulang na lang matanggal yung eyeballs sa kakaikot ng mata. Kahit kaibigan ko pa sya, isa lang masasabi ko, ang weird nya. Ang weird weird nya.

"Kapitan na lang ang itawag nyo sa akin mga munting panauhin. Masyado namang formal kung ginoo pa. Anong problema iha?" sabay tingin kay Roselyn na nagtataka.

Tumungo lang ito at hindi nag usap.

"Weird lang po talaga yan kapitan. Wag nyo na po syang pagkaabalahan." Sabi ko kaya naman lalong napatungo si Roselyn. Sorry Rose, pero I'm just stating the truth.

Ikinuwento na naming sa kanya ang pakay namin sa lugar nila kaya kami napadpad sa mansion nya.

"Oh ganun ba? Wala naman sigurong masama kung patutuluyin ko kayo dito bilang bisita diba?"

"Talaga po?" Di makapaniwalang tanong ni Arnold.

Habang sina Gaisea at Berna naman at nagtatatalon sa tuwa.

"Yes, makakatulog tayo sa mansion!" Tili nung dalawa.

Haaaay, medyo nakakahiya talaga tong dalawang to.

"Oo naman, ano pangsilbi ko bilang kapitan ng bayan na 'to kung simpleng panauhin lang eh itataboy ko? Diba?"

"Tama po kayo dyan Kapitan! Thumbs up! Ang bait bait nyo po." Gaisea

Natawa naman ang kapitan sa ginawa ni Gaisea na pag thumbs up pa.

"Mga giliw at bibong bata."

"Kayo rin ho, isang matulungin at mabait na Kapitan." Nagulat naman ako ng biglang hinawakan ni Roselyn ang kamay ko dahil sa sinabi ko sa kapitan. Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit?"

Hinintay ko syang sumagot pero tahimik lang sya.

"Oh sya sya tama na ang kaka-bolahan mga panauhin." nakangiti pa din sya habang sinasabi yun at tinawag si Mang kulas.

"Kulas! Ihatid mo na sila sa kani kanilang silid pahingahan."

Agad naman na lumapit si Mang Kulas samin at iginaya kami papunta sa ikalawang palapag ng bahay.

----------------------------------------

@GaillersXOXO

OBSESS KiLLER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon