Scary Creepy #9: Bring it on! (PART TWO)

8.1K 189 2
                                    

Scary Creepy #9: Bring it on! Part 2

Nakalabas naman kami ng mansion na ni anino ni Sir Paolo eh hindi na namin nakita.

"Nasan yung iba?" Agad na tanong ko pagkapasok namin sa loob ng kotse.

"Wala na sila Lark at Berna." Matipid na sagot ni Jorey habang hawak hawak yung kamay ni Gaisea.

"Pa---ano? Pa-ano nang---ngyari yun? Ano bang sinasabi mo Jorey? Umayos ka nga, walang time ngayon para sa kalokohan. Please, umayos kayo."

"Sa tingin mo ba Gail nagloloko ako? Bestfriend ko yung nawala." Sabi nito na kinatahimik ko naman.

"Ganto kasi yun..." Biglang nagsalita si Gaisea kahit na umiiyak.

F L A S H B A C K ----------------

Gaisea's POV

"San tayo?" tanong ko habang nagtatawanan kaming apat.

"Sa laboratory dali." suggest ni Berna at agad naman kaming tumakbo pababa habang mga nag hihigikgikan pa.

Dahil sa makukulit kami at pinagsama sama pa kami eh lalong lumakas ang power namin.

Para kaming mga ngayon lang nakawala sa swelda at sobrang iingay.

Patuloy lang kami pagtakbo pababa.

Pumasok kaming apat sa loob ng lab at nilaro pa ang mga gamit na nakita namin. At maya maya ay naisipan ng magtago.

Halos 10 minutes na ang nakakalipas pero walang Michelle ang nag papakita sa amin.

Kaya naman naisipan namin ni Jorey na puntahan na yung si Michelle.

"Darling saan ba tayo pupunta?" may halong pacute na tanong ni Jorey Darling.

"Sa taas darling, tayo ngayon ang maghahanap kay Mich." sagot ko din na medyo malandi. Minsan lang 'to. Pagbigyan nyo nako.

"Sabagay, ang laki nga naman kasi ng hahanapan nya. Tsaka masosolo din kita Darling."

Natawa naman ako at Syempre kinikilig! Gawa gawa lang naming 'tong endearment na 'to kanina.

Harutan kami ng harutan at hindi na namin namalayan na nasa tapat na kami ng kwarto.

"Wala naman dito si Mich." Sabi ko.

"Baka naman hinahanap na tayo nun Darling? Palagay mo?"

"Baka nga. Tara na? Balikan na natin sila Berna sa baba."

Inakbayan naman nya ko at naglakad na kami pababa.

Habang naglalakad kami ni Darling, feeling ko may nakasunod samin.

I stop, "Darling, may sumusunod satin." Sabi ko. Pero nginitian nya lang at kinurot ang mga pisnge.

"Wala kaya. Gutom ka ba Darling? Diba tinext kita kanina na kumain ka ng madami?"

"Sus, babaero. Ni wala nga akong number mo."

Sabi ko sabay cross arms at iniwan sya.

Tumatakbo naman sya habang pasunod sakin.

"Akina phone mo, isesave na natin."

Galit galitan lang naman ang peg ko, pero binigay ko pa din, this is it kaya!!!! He's asking my number!!!!

Naglalakad pa din kami ng inaabot ko ang phone ko sa kanya. Pero bago ko pa maiabot ng maayos,

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa~" Malakas na sigaw ko

Kasi naman nakita ko si Berna at Lark na

Waaaaaaaaaa

Pareho silang nag di-disect ng little froggy and lizard tapos may hawak pang cockroach si Lark!

OBSESS KiLLER (COMPLETED)Where stories live. Discover now