Scary Creepy #14: No time for THIZZ!

6K 137 1
                                    

Scary Creepy #14: No time for THIZZ!

Tyrone's POV

"Babs san ka ba pupunta?"

Tsss. Alam naman na delikado dito sa labas, pero patuloy lang sya sa paglalakad.

"Uy pansinin mo naman ako. Para naman akong hangin dito. Nababaliw na ko sa mga pinag gagawa mo. Uy Babs."

This time, hinila ko na sya sa braso nya at hinarap sakin.

Agad naman nya kong niyakap. At isang mahinang tunog ng iyak ang maririnig mula sa kanya at isang

"Sorry."

"Stop it." Mahina kong sabi sabay yakap pabalik sa kanya. Sumusuko na ba sya? Kung susuko sya pano na lang ako? Kami? Sa kanya na nga lang ako humuhugot ng lakas.

Tumingala sya sakin at mas umiyak.

Ngumiti ako. Oo, kahit na ganto na ang sitwasyon namin, nginitian ko pa din sya. Ayokong nakikitang nahihirapan sya.

"Wag ka ng umiyak dyan." Sabi ko at pinusan ang mukha nya at kinurot ang mga pisngi nya.

"Babs naman eh. Lalo mo lang akong pinapaiyak. Ang sakit mo kayang mangurot sa pisnge!" Reklamo nya habang hawak ang mga pisnge at ngumiti na kahit alam kong pilit lang.

"Anong sabi mo?" Tanong ko at kinukurot pa din ang mga pisnge nya.

Maya maya ay inakbayan ko sya.

Gusto daw muna nyang magpahangin at ayaw nya munang pumasok sa loob. Nakarating na kami ngayon sa kotse namin.

Binuksan ko yung pinto ng sasakyan pero nakasandal lang si Babs sa tabi non. Nasa labas kami ng sasakyan.

"Babs sana matapos na 'tong araw na 'to no?" Sabi nya na may patanong na halo.

Tumango ako at hinawakan yung kamay nya.

"Sh*t!"

Sigaw ko ng biglang may humatak sa kanya papasok sa loob ng sasakyan.

---

@GaillersXOXO

OBSESS KiLLER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon