Scary Creepy #8: Hide and Seek

8.7K 210 1
                                    

Scary Creepy #8: Hide and Seek

"I'll count 1 to 50 okay? Enough na siguro yung 50, ang tagal kasi naman pag 100." sabi ni Michelle bago kami mag tago.

"Okay." Tanging sagot namin then nag takbuhan na kami.

Buti na lang carpeted 'tong buong hallway at kahit magtakbuhan kami ay hindi gaanong maingay. Sige kami na, hindi nahiya, makapal mukha at nagawa pa naming mangbulabog ng ganitong oras. Mag mamadaling araw na ata.

"Babs dito." Sabay hila nya sa akin paakyat ng isa pang floor.

"Hindi dyan. May alam akong magandang pagtataguan. Tsaka madali tayong matataya dyan."

Hinila ko sya pababa ng hagdan hanggang marating naming yung floor na walang sounds? Yung dati? Basta ang alam ko, hindi pa pala 'to yung basement kasi may lab daw sa basement sabi ni Berna.

"Buksan mo 'to." Turo ko dun sa floor.

"Ha? You sure? Nabubuksan ba 'to? Baka masira ko." Nako. Napaginipan ko na 'to at alam kong nabubukasan 'yan. Ha? Anong nasa isip ko? Napaginipan ko na 'to at alam kong nabubuksan yun? Hala? Bakit ko nasabi yun? Paano? Napaginipan ko na ba 'to?

"Wuy Babs okay ka lang?"

"Ahhh. Oo. Sige buksan mo yan."

Maya maya lang eh nabuksan na nga namin or should I say sya lang? Then, walang ano ano ay pumasok na kami sa loob nun. So creepy kasi pa baba pa sya at sobrang dilim. Swear!

"Dito na lang tayo Babs." Sabi ko at nag tago na lang kami sa isang side kasi madilim naman at malabo nila kaming makita dito.

"Sssh wag kang maingay." Piit nya sakin kasi kanina pa 'ko nagsasalita.

15 minutes ---------------------------------------------

"Babs ang tagal naman ni Michelle." Reklamo ko na. Hindi ko na kasi keri dito.

"Wait lang natin ng konti pa Babs. Baka na traffic lang."

Ang corny talaga nya kahit kailan.

Pero kasi----

"Babs? Wuy? You okay?" Tanong nya nung hindi ako mapakali.

"Ano kasi---- ah-hhh."

"Ano ba yun?"

"Natatakot na ko." Bulong ko sa kanya at narinig ko naman syang tumawa ng bahagya. Hindi yung nakakaasar na tawa kundi yung tawang alam mong pagkatapos nyang tumawa ay lalambingin ka.

"Ano? Bakit? Psh."

"Nandito naman kasi ako. Hangga't nandito ako at kasama mo, walang mangyayaring masama sayo. Pero kung ang tanging paraan para hindi ka matakot eh ang lumabas na tayo dito, edi tara na?" Sabay lahad nya sakin ng kamay nya.

Agad ko namang inabot ang kamay nya then ngumiti sya sakin at tumayo na kami.

Tss bat ako kinikilig???!

"Let's go." Sabi pa nya ng biglang mapansin kong may isa pang door sa may right namin.

Ang dami naman atang taguan dito. Secret floor tapos may secret door pa. Malamang secret room ang laman nya or kayaman? Or hmmmm basta, kahit ano pwedeng laman nyan.

"Babs wait may paparating. Baka si Michelle na." Sabi nya at umatras kami ng bahagya.

Hinila ko sya papasok sa secret door.

At isang malaking OMG!!!!

This time napanganga ako sa sobrang paghanga sa nakita ko na may halong sobra sobrang kaba at takot.

"Babs, ikaw ba lahat 'to?" Tanong nya sakin habang tinitingnan lahat ng pictures.

"Babes let's go, natatakot ako, iba pakiramdam ko." Sabi ko ng buksan ko ang isang drawer at tumapon sakin ang lahat ng mga picture ko sa loob at labas ng school.

Grabe, ang dami. Sobrang dami. Kulang pa ata ang word na "sobra" sa dami ng mga picture na 'to.

"Wait Babs, ikaw ba ang lahat ng 'to o nagkakamali ako? Picture ba 'to para sa school works?" Sabay angat ng mga picture ng mga student sa school namin pero sa lahat ng yun, lagi akong present.

May napansin naman akong naaapakan kong picture kaya naman kinuha ko yun pero agad ko ding nabitawan.

"B-Babs, picture natin dalawa."

Nanginginig na sabi ko kaya naman agad nyang pinulot yung litrato.

"Shit!"

Picture namin dalawa yun na magkasama pero wala na dun yung ulo nya. Parang tinggal.

"Babs? Lets go na." Hila ko sa kanya dahil nanginginig na ako sa takot. Pero sya, iniikot pa ang paningin sa loob ng kwartong yun.

"Babes nagustuhan mo ba?"

_________________________________________

@GaillersXOXO

OBSESS KiLLER (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora