Scary Creepy #9: Bring it on! (PART ONE)

8.9K 220 1
                                    

Scary Creepy #9: Bring it on! Part 1

"Sir Paolo?!"

"No baby, Paolo na lang nga."

"Ba-bakit k-ka meeeron ng mga ---yan?" tanong ko.

Bakit sya may mga ganto?! Para syang stalker!!!!! Halos lahat ng kilos ko ay may kuha ng litrato.

Tsaka anong tinawag nya sakin?? Hindi ba sya kinakalibutan sa pinagsasabi nya?!

"I'm asking you baby kung nagustuhan mo ang collections ko?"

Tinatanong nya ba ko kung nagustuhan ko 'tong mga 'to?! Siguro, OO.

Oo, kung sya ang boyfriend ko, kung sya si Tyrone. Kikiligin ako. Kasi halatang effort ang puhunan nya dito.

Pero hindi eh!!! Hindi ko sya boyfriend, worst, he is my teacher!!!! For Pete's sake!!

Gusto kong sabihin yun!!! Pero wala akong lakas ng loob, sa ngayon, takot ang nangingibabaw sakin.

Wala nagsasalita samin tatlo. Parang pinag aaralan namin ang kilos ng bawat isa. Natatakot ako. Hindi ko alam ang mga galaw at salita na dapat sabihin.

Titig na titig lang sya sakin at tinitingnan ang kabuuan ko. Bigla naman nanlisik ang mga mata nya ng makita nyang magkahawak kamay kami ni Babs.

Tiningnan ko si Babs, pero masama lang ang tingin nya kay Sir.

Papalapit sya samin pero kami naman ay umaatras.

"I'm truly, madly, deeply, crazily, want you now and then!!! Bakit ba hindi nyo ko lahat maintindihan?! I just love you!!!! Nagmahal lang ako!!!!!!!!! Pero bakit dahil sa pagmamahal na yan ay natanggal ako sa trabaho?! Bakit dahil sa pagmamahal na yan, nag kakaganto ko sayo?! Pilit kong pinagbabago ang sarili ko pero wala akong magawa!!! Oras oras na makita kita, lalong lumalala!!!! I will not get over you. Now you know my feelings. Can I ask you something Baby? Gail, can you be mine? My forever and always?"

Napatakip ako ng bibig, dahil sa sinabi nya at sa mga dugo sa kamay nya. May kung anong matalas syang hawak na dahilan kung bakit nagdudugo ang kamay nya.

"I want you so badly Gail."

Naramdaman ko naman humigpit ng kapit sa 'kin si Babs.

"We don't have much time SIR para sa kalokohan mo. Pasensya na po kung nakaistorbo kami sa inyo. Uuwi na din po kami. Salamat na lang po sa mainit na pagtanggap nyo samin." Sabi nya sabay hila sakin.

"No Tyrone, pwede namang ikaw lang ang umalis at ang iba mo pang kasama. Iwan mo lang sakin ang Baby." Sabay turo ulit sakin.

Ewan ko lang kung ramdam ni Babs na nanginginig na ako. Di lang pala basta nanginginig kasi na iiyak na ko! Tumungo na lang ako habang mahigpit na nakahawak sa kamay nya kasi ayokong makita si SIR PAOLO!

Kumalas sa pag kakahawak sa kamay ko si Babs at walang takot na nilapitan si Sir Paolo.

"Babs, ano ba? Wag kang lumapit. Dito ka lang."

Gusto ko yang sabihin pero wala talagang lumalabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa likod nya hanggang sa bigla na lang syang nagsalita.

"You're crazy, shit, and obsess! Stay away from my girl! F*ck you!!" sigaw nya sabay suntok dito na dahilan naman ng pagkatumba nya. Hindi sya nakailag sa biglaang suntok sa kanya.

Mabilis nya kong hinila palabas at nagmamadaling umakyat pero rinig na rinig namin ang napakalakas na sigaw nya.

"Tyrone!!!!!!!! You will soon to be dead!!!!!!!!!!"

OBSESS KiLLER (COMPLETED)Where stories live. Discover now