Part 3: Richard Gomez on working again with ex-girlfriend Dawn Zulueta

1.4K 9 0
                                    

Richard Gomez on working again with ex-girlfriend Dawn Zulueta: "Marami kaming magagandang eksena together. 'Yong mga confrontations. 'Yong mga light moments together. So, nare-rekindle sa mga tao 'yong relationship namin ni Dawn."

Nitong nakaraang holiday season ay naging sobrang abala ang aktor na si Richard Gomez. 

Hati ang kanyang katawan sa pagtulong sa asawang si Lucy Torres-Gomez bilang congresswoman sa Ormoc City, at sa taping ng bagong serye na Walang Hanggan kasama ang dating kasintahang si Dawn Zulueta.

REUNION WITH DAWN 

Balik-tambalan sina Richard at Dawn Zulueta sa ABS-CBN teleseryeng Walang Hanggan.

Tinatampukan din ito nina Coco Martin at Julia Montes.

"We've been taping practically every day kasi naghahabol kami ng oras," sabi ni Richard nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matapos silang mag-guest ni Dawn sa The Buzz noong Linggo, January 8.

Excited daw si Richard sa kanyang role sa nabanggit na teleserye. 

"It's very nice. Kasi, 'yong tatlong generations ng istorya, bawat isa sa amin, may matigas na foundation. 

"Hindi siya 'yong ordinaryong teleserye na nasa isang lugar lang 'yong istorya.

"Ito, talagang iba-iba."

Ano ang pinaka-challenging part ng papel niya?

"Acting with Dawn," mabilis na sagot ni Goma.

"Kasi ang galing na artista ni Dawn, e. So, dapat you have to level up."

Marami raw silang mga eksena na magkasama na may kilig pa rin.

Ito nga ay puring-puri ng kanilang direktor na si Jerry Sineneng.

Ibang klase raw talaga ang chemistry nina Richard at Dawn bilang magkapareha. 

Na hindi umano nawala kahit pa sa totoong buhay ay may kanya-kanya na silang pamilya.

Richard Gomez and Dawn Zulueta's storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon