Part 26: Dawn, hinahangaan sa 'Walang Hanggan'

520 2 0
                                    

Huling-huli ang atensiyon ng taong-bayan sa makapapigil-hiningang mga eksena ng top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Walang Hanggan. Sa kataunayan, mainit na pinag-uusapan ang si Dawn Zulueta sa Twitter nang mapanood na ang paglantad ng kanyang karakter sa serye bilang si Emilia Guidotti, ang nasa likod ng tagumpay ng ni Daniel (Coco Martin).

Mabilis na naging nationwide trending topic ang ‘Emilia Guidotti’ at ‘Dawn Zulueta’ sa Twitter dahil sa rami ng pumuri hindi lang sa kahusayan sa pag-arte ni Dawn kundi pati na rin sa kanyang kagandahan.

Bumaha ng positibong ‘tweets’ tulad ng: “@marisse_17 Grabe ang episode tonight ng Walang Hanggan. Ang galing ng pagkakaganap ni Dawn Zulueta bilang Emilia Guidotti. Walang kakurap-kurap talaga ako sa panonood;”

“@amystique1800 Walang makakatalo kay Dawn Zulueta sa pag-arte. Si Emilia Guidotti ang pinakamagandang karakter sa TV;”

“@justAnneC Ang galing ng pagdala ni Dawn Zulueta ng karakter niyang si Emilia Guidotti. Sigurado akong matatandaan ang karakter niya pagkatapos ng maraming taon;” at “@mishyang Matamis ang paghihiganti kung ikaw si Emilia Guidotti. Astig ang karakter ni Dawn Zulueta.”

Patuloy pang iinit ang mga tagpo sa kuwento ng Walang Hanggan lalo na ngayong nalaman na ng mga Montenegro na si Emily ang taong tumutulong kay Daniel. Paano haharapin ng mga Montenegro ang hagupit ng paghihiganti ni Emily? Tuluyan na bang magkakagalit ang dating magkasintahang sina Marco (Richard Gomez) at Emily? Matuklasan na kaya nila na si Daniel ang kanilang inaakalang patay nang anak?

Ayon sa mismo kay Deo Endrinal, ang business unit head ng programa, marami pang mga rebelasyong gigimbal sa buhay ng mga karakter sa Walang Hanggan gabi-gabi.

Richard Gomez and Dawn Zulueta's storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon