Part 25: Inaabangang kissing scene kay Dawn, hinihintay din ba ni Richard?

565 2 0
                                    

LUMIKHA ng record sa ratings ang Walang Hanggan ng ABS CBN at dito napatunayan ni Coco Martin na siya na nga, at wala nang iba, ang Primetime King.

Pero bukod kay Coco, dagsa rin ang mga sumusubaybay sa tambalang Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Hindi lang ang love triangle nina Coco, Julia Montes at Paolo Avelino ang dahilan ng pamamayagpag ng Walang Hanggan. Sinubaybayan pa ang love angle ng dating magkasintahang sina Dawn at Richard.

Natuloy na ang inabangang wedding scene nila.

“First time, sa tagal naming magka-loveteam ni Dawn at sa dami ng mga nagawa naming pelikula,“ sabi ni Richard nang makausap namin.

Pero iniwasan pa rin ang laging nagiging issue na kissing scene nila.

“Well ako naman, eh, nirerespeto ko 'yung situation ni Dawn. Babae 'yun, eh, at pareho kaming m a y asawa,“ sey ni Goma.

Pero marami talaga ang nagaabang, lalo na ang loyal fans ng loveteam nilang dalawa.

“Well, everybody rin naman is hoping,“ natawang banggit ni Richard.

Tagahanga pa rin ng tambalan nila ni Dawn ay ang kanyang asawang si Lucy Torres. Hindi ba ito nagseselos kay Dawn?

“Hindi. Sabi ko nga, she like watching love stories kagaya nitong Walang hanggan. Lucy is very secured in her position bilang asawa ko. Suwerte ko nga dahil napangasawa ko ang isang taong naiintindihan ang trabaho ko.“

Samantala, tuloy ang pagtakbo ni Richard para mayor ng Ormoc City. May mga kumakausap na sa kanya para sa ibang posisyon pero hindi nagbabago ang pangarap niyang maging alkalde ng Ormoc.

Richard Gomez and Dawn Zulueta's storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon