Tayo Na Lang (Published Under Pop Fiction)

14.2K 167 9
                                    



Ayun nga po. Published na po under Pop Fiction si Ethan at Janine. Yung ibang part ng POV ni Ethan na dinagdag ko dati ay sinama ko s libro. At may special chapter din po akong dinagdag na POV ni Ethan. Ito yung wala pa talagang nakakabasa kasi ayaw din ng mga kaibigan ko na maspoil sila.

Masaya ako. Ang tagal kong hinintay ito. Ang unang million ko. Ang nagpakilala sa akin sa Wattpad. Ang unang nagparanas sa akin ng comment na "Update na po". Kung tutuusin kung gusto kong makapag publish agad All of ME ang ipapasa ko dahil siya ang mataas ang reads pero ito ang binigay ko dahil gusto kong ibalik sa story yung dapat sa kanya. Na kung hindi dahil sa Tayo Na Lang hindi ko din alam kung anong nangyari sa Wattpad World ko.

Ang story na ito ay ang daming meaning sa buhay ko. Una ang Janine ay second name ni bhebhe. Pangalawa, ang course ng dalawang bida ay course din ng dalawang kapatid ko. Nagkataon lang siguro? o sadyang tinadhana? Tapos na ang story na ito nung pumili ang kapatid ko ng course niya. Pangatlo, sa libro mismo, ang bagay na ginamit ng Pop Fic sa title page ay sobrang halaga sa akin. Nakadedicate kasi ang story na ito sa Tita ko na namatay same year na pinasa ko ang manuscript ng Tayo Na Lang. At nangako ako na sa kanya ko idedicate. After ilang months namatay ang Tito ko, Tatay ang tawag ko sa kanya. Yung piniling object para sa book ay yung paboritong laro niya. Kaya parang sa kanya na din nakadedicate ang libro. Pang apat, ang kulay ng cover ay nirequest ko. Na sana may shade ng paborito kong kulay at nasunod naman. Kahit yung scene na gusto ko ayun din ang napiling cover. Panglima, nagawa kong magpasalamat sa mga taong dapat kong pasalamatan kesa noong acknowledgement sa Bridal Shower. Nagawa kong isama halos lahat. Pang anim, ang kulit ng about the author ko, naisama ko si Steph at si Seth.hahaha

Ayun, sana suportahan niyo ang Tayo Na Lang katulad ng pagsuporta niyo sa Bridal Shower. Pwede po kayong umorder sa akin ng book since plan ko umorder sa Summit. 324 php po may shipping na po yan via jrs/abest. O pwede niyong isabay sa on going self pub ko.

Salamat guys!

SiLi!

_casper_

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon